Chapter 50: Cessation

74 8 0
                                    

Sapphire POV

Mga yapak ng aming mga paa ang maririnig sa tahimik at malaking paligid. Kalahati sa daan, ay marami kaming nakasalubong na mga guwardya. Mabuti na lang at hindi gaano kalapit ang bawat bantay na nagroronda sa isa't isa

Nalagpasan namin sila ng hindi nagbibigay komosyon.

Mayroon rin naman kaming mga nakasalubong at hindi naiwasang patahimikin. Ngunit nang sa kalagitnaan na kami ng paglalakad ay bigla na lamang nag-alarm ang buong paligid

Magkasama kami ni Kyle na nagtago sa isang stock room. Habang nasa loob ay maraming yapak na patakbo kaming naririnig. Lahat sila ay papunta sa iisang daan. Ang daang pinanggalingan namin. Habang naka tago ay napaka lakas ng tibok ng aking puso. Napupuno iyon ng kaba at pagka balisa

Sana naman ay hindi nila nahuli si Glizz. Sana lang hindi siya napahamak.

Nang mawala na ang kumpulan ng tao ay maingat kaming lumabas ni Kyle. Nang masiguro naming wala nang dadaan pa ay nagpatuloy kami sa pasikretong pagtakas. Throughout the rest, wala na rin kaming nakasalubong na guwardya

Ngunit hindi ko alam kung dapat ba ako makampante roon o mas lalo lamang kakabahan. Nag-aalala ako kay Glizz. I get so anxious that I felt nauseant and having the urge to vomit

Mabuti nalang at nandyaan si Kyle upang alalayan ako. Kung wala siya ay baka nasukahan ko na ang buong building na ito. Tsk. Napaka hassle maging buntis

"We're here"

Tumigil siya sa paglalakad at binitawan ang kamay ko. Nanatili akong nasa likuran niya habang sinusubukan nitong pihitin ang pintuan

Finally. Nasa labas na kami. Ngayon ay aalalahanin ko nalang si Glizz at kung paano kami makakatakas sa islang 'to.

"Listen Sapphire.."

Napalingon ako sa kaniya nang bigla itong seryoso na tumalikod sa akin. Tinitigan niya ako diretso sa aking mga mata at hinawakan ang magkabila kong balikat. Kaagad akong nakaramdam ng matinding kaba na parang kinukulo ang tiyan ko dahil diyaan sa kaniyang ginagawa

Bakit naman bigla naging ganiyan siya ka seryoso? It's giving me chillz.

"Paglabas natin ng building, ang gusto ko ay kahit anong mangyari, dederetso ka sa magubat na parte. Diretsuhin mo lang yon at makakadating ka sa bandang cliff" saad nito.

Nagsalubong ang aking mga kilay dahil sa mga pinagsasabi niya. Bakit ganiyan ang mga sinasabi niya ngayon? Parang iiwan niya ako.

"What the fuck does that mean?" seryoso kong tanong.

Huminga ito ng malalim at napapikit ng mariin. Yumuko siya saglit at nanatiling ganon ng panandalian. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya at kung ano ang binabalak nito pero lubos akong kinakabahan sa mga binabalak niya

He's acting like I'm about to leave him behind. Hindi naman siguro ganon ang mangyayari? Kung ganon nga, ay hindi ako papayag!

"Sapphire.." tumingala siya sa akin na may malumanay na mga mata.

Tumitig ako sa mga nakaka kalmang mata na iyon at kaagad nakaramdam ng panghihina sa aking mga tuhod. He's looking at me so gently that like he's saying goodbye. What the heck!?

"Trust me, okay?" he has a calm voice. "Kapag binuksan ko ang pintuang ito at magkaroon ng masamang pangyayari..."

Nagsasalubong pa rin ang aking kilay na nakatingin sa kaniya habang dinudukot nito ang isang baril mula sa kaniyang likuran. Isa iyan sa mga baril na nakuha namin kanina sa isa sa mga guwardya

What on earth is he saying?

"I want you to run"

"What?!" I hysterically asked.

Revenge of a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon