Chapter 8: Cheska

118 5 0
                                    

Pagkarating namin sa airport ay eksakto ring aalis na ang eroplanong sasakyan namin. Talk about great timing

Pagpasok namin sa eroplano ay hindi ko alam kung gusto ko bang manakal ng kaibigan o pumatay ng tao dahil sa ginawa nila. Pinagpalit nila ang upuan ni Jhanin at Kyle upang maging magkatabi si Nicko at ang nobya nya samantala hindi manlang inisip kung gano kaawkward ang buong flight katabi ang taong ito

Nang makaupo si Kyle sa upuan na katabi ng akin ay kaagad kong nilingon ang mga kaibigan naming lahat ay nakatingin sa akin at malalapad ang mga ngisi sa labi psh.

Edi binalak nga talaga nilang gawin kaming magkatabi? Hindi naman sa ayaw ko dahil ex ko sya, hindi ko lang alam kung pano makitungo sa kanya pagkatapos ang lahat. And our very inconsiderate friends really touched my heart...not! Tss

"Parang may balak sila sa buong trip nato na hindi natin alam"

Natigil ako sa pagmamaktol sa isipan ko nang magsalita sya sa tabi ko habang inaayos ang pagkakaupo nya

Kaagad na nanaas ang kilay ko sa kanya dahil sa sinabi nito. Ano naman ang ibig sabihin non? Napansin nya ang pagtatakang titig ko sa kanya kaya napalingon ito sa akin saka natawa

"Hindi mo napapansin? Akala mo ba coincidence ang pagkikita natin sa mall?"

Namimilog ang mga mata kong napahampas sa mga kamay ng upuan dahil sa sinabi nya. Kaya nila ako iniwan don magisa? Sa pagkakaalam ko kasi hindi nagtatrabaho si Yanna ng sabado tsk. Saka hindi manlang nila ako sinamahan?

"Pero ako naman ang may bibilhin sa supermarket, pano nila yun napredict?"

Nagtataka ko sa kanyang tanong at natatawa naman syang sumandal sa upuan at pumikit. Sinamaan ko sya ng tingin dahil hindi ito sumagot sa akin kahit pa hindi nya makikita ang reaksyon ko

Gamit ang nakakuyom kong palad ay hinampas ko ang tiyan nya kaya agad syang napaupo ng deretso at nanlalaki ang mga matang tumitig sakin dahil sa ginawa ko

Masama parin ang tingin ko sa kanya kahit pa bahagyang nanakit ang kamay ko sa tigas ng tyan nya. May semento yatang nalunok toh kanina eh

"Sagutin mo kasi muna ako. What do you mean"

Sabi ko sa kanya at kaagad na nagease ang mukha nya saka sumandal ulit sa upuan nya. Tss. Speak about manners

Akmang hahampasin ko sana sya ulit nang dadampi na sana ang kamay ko sa tyan nya ay kaagad nyang nahawakan ang palapulsuhan ko

"Stop it. Masasanay kang hawakan ang abs ko"

Talagang namilog ang bunganga ko sa kakapalan ng mukha nya. Ang kapal kapal! Akala mo kung sino! Tsk!

"Eh sagutin mo nga kasi! Ano bang binabalak nila?"

Naiinis kong sabi saka binawi ang kamay ko sa pagkakahawak nya. Sumilay ang isang ngiti sa labi nya bago minulat ang mga matang lumingon sa akin

"Hindi nga nila expect na magpapaiwan ka kaya tinawagan ni Glizz si Dennis na agad kaming pumunta sa mall. They didn't notice I heard them so I just played along. Nang makita ka nila sa mall ay agad nila akong iniwan at doon ay nabangga ako sayo. That's a good opportunity to clear things out with you though, we're friends now right?"

"Dear passengers, please fasten your seatbelts and set your phones or gadgets to airplane mode because we will now prepare for take off"

Ang paliwanag nya sa akin saka tinarayan ko nalang sya at napaupo ng diretso dahil magtatake off na ang eroplano. Sandaling naramdaman ang paggalaw ng sinasakyan namin habang dahan dahan itong umaakyat sa ere

Revenge of a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon