Chapter 19: Effortlessly comfortable

59 6 0
                                    

Glizz POV

"Haha, sira!"

"Hugas lang ako ng kamay" paalam ni Sapphire.

Mahina akong tumawa sa mga biruan nila habang sumusubo sa pagkain ko, nang hindi ko maiwasang mapasilip sa cellphone ni Sage. Katabi ko itong kumakain at nakapatong lang ang cellphone nya sa lamesa, sa pagitan namin dalawa

Kaagad na nawala ang ngiti ko sa labi nang mabasa ang isang message mula sa isang taong may 'sister' ang registered number. I would gladly accept whatever his so-called sister text him but messaging my boyfriend with 'i'm here baby, where are you?', is a big deal

Kaagad akong umiwas ng tingin sa cellphone nya nang biglang hablutin iyon ng kanyang kamay. Binitawan nya ang mga kobyertos na hawak at saka nagtipa doon sa cellphone nya

Tumikhim ako upang iklaro ang aking lalamunan habang nagnanakaw ng tingin sa kanyang hindi maiwasan ang pagngiti sa harapan ng screen

Trust is the most important thing in a relationship, but when I sense he's bullshitting me, I don't fucking recognize who the fuck trust is.

Ilang saglit pa ng pakikiramdam sa kanya ay bigla kong naramdaman ang pagdampi ng palad nito sa balikat ko. Napalingon ako sa kanya ng may ngiti sa labi saka itinaas ang aking mga kilay

Lumapit sya sa akin upang bumulong.

"I'm gonna head to the bathroom, I think my diarrhea is attacking me again" bulong nya.

Kahit may ngiti sa labi, ay naramdaman ko ang pagbagsak ng puso ko dahil sa pagsisinungaling nya. Nang inilayo na nya ang kanyang ulo sa akin ay ngumiti ako rito saka tumango. Ngumiti rin sya sa akin saka ako hinalikan sa pisngi, bago napag-pasyahang tumayo at maglakad paalis, dala ang cellphone nya

Patuloy lang din sa pag-kain ang mga kaibigan ko habang sinusundan ko ng tingin si Sage na lumabas ng restaurant, at hindi dumiretso sa cr ng resto.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Yanna.

"May emergency lang si Sage, kaylangan nya ng tulong" nakangiti kong sagot.

I put down my utensils as I used a tissue to wipe out some grease on my lips. Tumayo ako at dinala ang cellphone ko, naglakad palabas ng resto, hindi iniintindi ang mga nagtataka nilang titig.

Sinubukan kong bilisan ang paghahanap sa kanya dahil mabilis syang maglakad. Mabuti nalang at naisipan kong dalawin ang public cr na hindi naman kalayuan doon sa resto na kinainan namin.

Maglalakad na sana ako papalapit doon nang makita ko si Sage na lumabas mula roon, bit-bit ang cellphone nya. He's walking the opposite way, where our resto is. I followed him as he walked, sometimes taking a glimpse on his phone.

As much as I want to confirm what he really is capable of doing, I don't want my self to get hurt....again.

Medyo may kalayuan rin ang nilakad namin, hanggang sa marating na namin ang parang main road sa harapan ng lake ng laketown. Nilakad nya pa ang gilid ng malaking lawa na ito saka pumunta doon sa kaharap na building, habang nakasunod pa rin ako

Napatigil na lamang ako mula sa malayo, nang may makita akong isang babaeng nakasuot ng isang itim na ripped shorts, hanggang itaas ng hita ang gusot, white tube bra, sobrang nipis na beach cardigan, at sandals, na nakasandal sa isang maliit na building

Kaagad syang nilapitan ni Sage, na halos takbuhin na rin nya ang kalsada. Nang makita sya ng babaeng iyon ay agad na sumilay sa kanyang labi ang isang malaking ngiti at masayang ekspresyon sa kanyang kumikinang na mga mata

Hindi ko na napigilan ang pagtakip sa bibig ko at pigilan na sumigaw, nang agad na sunggaban ng babaeng iyon ang labi ng fiancé ko sabay sunggaban rin ng kanyang hinaharap sa dib-dib nito, nang yumakap silang dalawa

Revenge of a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon