That dinner went well... I guess?
Umiling-iling ako sa hangin at hindi na inisip pa ang nangyari kagabi sa hapunan namin kasama si daddy. As expected, nagbangayan kami, over some ridiculous stuff, pero mabuti nalang at sa huli ay nagpakumbaba naman kaming dalawa sa isa't isa
Pumasok ako sa loob ng restroom upang hugasan sana ang mga kamay ko nang napatigil ako sa paglalakad patungo sa sink. Kumunot ang aking noo saka napatingala sa itaas, at sa paligid.
I can hear sobs from everywhere. This building isn't haunted, for what I know?
Mayroong limang cubicle sa ladies room na ito at mapanghinala ko silang tinitigan. Ang mga ito ay nakasarado lahat kaya hindi ko alam kung nasaan sa mga ito ang may tao sa loob.
Una kong binuksan ang unang cubicle, malapit sa entrance. Wala roong tao. Binuksan ko na rin ang mga kasunod na cubicle pero wala ring mga tao ang nasa loob noon, kaya naman nangunot na talaga ang noo ko nang tumapat ako sa ika-limang cubicle
It's unoccupied, kaya naman pahampas kong binuksan ang pintuan. Kaagad na nawala ang pagsasalubong kilay ko, nang makita si Vixie sa loob. Nakaupo sya sa sahig at gulat na napatingala sa akin sa biglaan kong pagbubukas pintuan
Kumakalat na ang makapal nitong eyeliner sa mukha habang hawak-hawak ang isang rolyo ng tissue. Marami na ring nakakalat nito sa paligid at mukhang matagal na syang umiiyak rito.
Bigla ako nakaramdam ng awa sa ate ko ngayon, sa pamamagitan lamang ng pagtingin paibaba sa kanya. She look so miserable.
Napakawala na lamang ako ng isang buntong hininga at lumuhod sa kanyang gilid. Malumanay ko itong tinitigan at naging dahilan pa iyon upang umiwas sya ng tingin sa akin.
"What's wrong? Nag-away nanaman ba kayo ni Sky?" tanong ko.
Kagabi ay maayos pa naman ang lahat nung dumating sila sa bahay. Hindi naman sila nagmumukhang may alitan, unless that was for show?
Tumingin sya sa akin na may namumugtong mga mata saka mas lalo lamang na lumukot ang kanyang mukha. Umiling sya sa akin bago itinuon sa lupa ang atensyon nito.
"Hindi naman yun..." usal nya.
Kumunot ulit ang noo ko.
"Eh ano nga?" tanong ko ulit.
Tumitig nanaman sya sa akin na may nalulungkot na mga mata, hanggang sa ngumilid ang mga luha sa kanyang mga mata. Umiyak ulit ito kaya naman wala akong ibang nagawa kundi ang hagurin ang likod nya, upang patahanin ito
"Shh...tell me what happened. Mareresolba naman natin toh 'di ba?"
I tried comforting her with those words. Tumango sya sa sinabi ko kaya naman unti-unti na rin syang tumigil. Bumahing muna ito sa hawak na tissue bago lumingon sa akin, namumugto ang mga mata
Naghintay ako sa maaari nyang sabihin kaya nagbuntong hininga ito.
"Kanina... I tried to stood up for my self against Sasha...pero nauwi yun sa pagsampal nya sa akin" paliwanag nito sa isang mahinang toni ng kanyang boses.
Kaagad na nagsalubong nanaman ang mga kilay ko dahil doon. Hindi ako sumagot at hinintay syang magpatuloy
"Ang sabi nya, kaya nya raw bawiin sa akin si Sky, lalo na at madalas na kaming hindi nagkakaintindihan ngayon. Pati narin ang dahilang..." tumigil ito saglit.
Naiilang pa sya kung sasabihin nya ba sa akin ang dahilan o hindi.
"Dahilang ano?" tanong ko. Lumingon sya sa akin at humugot ng malalim na hininga.
BINABASA MO ANG
Revenge of a Gangster
General Fiction[COMPLETED] Book II Ang buhay nya ay naging maayos pagkatapos mahiwalay sa mga kaibigan, pero sa sapilitan nyang pagbalik, ano kaya ang mangyayari? Ang akala nya ay natapos na ang lahat at binaon na sa nakaraan ang mga pangyayaring naganap, pero bak...