Chapter 3: Seeing you again

152 4 0
                                    

Tinignan ko ang sarili sa salamin pagkatapos ayusin ang earrings ko. I'm wearing a black cross off-shoulder dress with its kinda looking glitters all over. One shoulder off ito kaya naman nakikita ang kanang balikat ko samantala ang sa kabila ay may sleeves na hanggang itaas ng siko

One final look at the mirror and I went off carrying my black chanel and wearing a black jimmy choo dochas 100

Pagkababa ko sa sala ay bumungad sa akin ang tahimik na bahay. Wala na ba sila rito, iniiwan ako mag-isa? Now I just don't feel being a guest here anymore tss

Dumiretso nalang ako sa garahe namin kung saan nakapark ang isang asul na Ferrari 488 spider. Ibinili sakin ito ni Sky a few years ago dahil tinulungan ko syang maiclose ang isang importanteng deal, also regalo na rin nila sa birthday ko

Sumakay ako roon at saka nagdrive na papunta sa Slin Colt High University. Hindi na masyadong pamilyar ang kalye na dinaraanan ko noon dahil marami na ang nagbago pero mabuti naman at hindi ako nawala

Pagkarating sa parking lot ng school ay marami rami na rin ang mga sasakyang nakaparada at mukhang marami ang dumalo sa reunion.

Why do they have to waste their time for this events where they only came to reminisce the memories during highschool? They can always reminisce those memories in their own homes and not bother people, especially me, to attend these useless stuff tss

Tinahak ko ang dating hallway kung saan kami madalas maglakad papunta sa mga klase namin at kapansin pansing mas lumaki ito ngayon dahil sa renovations ng school

Sa dulo ng hallway ay may isang kwartong mapapansing napaka-ingay kaya naman iyon na siguro ang hall kung saan gaganapin ang program

Nang tumapat ako sa pintuan ay napatingin ako sa dalawang mukhang teacher na naguusap habang nakatingin sa isang asul na libro na may lista ng mga pangalan. Nagsulat muna ako sa log book na iyon bago sana pipihitin ang pintuan nang awtomatiko naman itong bumukas

Bumungad sa akin ang isang malaking kwarto na may stage sa dulo. Napupuno ito ng mga party lights, party tables, at mga taong nakikipag interact sa isa't isa

Nauna akong pumunta sa isang mahabang table kung saan nakalatag ang mga pagkain at inumin. Habang naglalakad papunta doon ay may mga bumabati sa akin na nakikilala ko naman pero kung makabati lang? Ganon tayo ka close?

Kumuha ako ng isang baso na may lamang red wine saka agad na naghanap ng table. Napili ko ang isang round table for 12 kung saan agad agad na mapapansin pagpasok mo aa loob ng hall

Mabuti na rin at ito ang napili ko para pagpasok na pagpasok ni Glizz ay agad ko syang maaaway tsk

Umupo ako sa isa sa mga upuang nandoroon at saka naghintay. Hindi pa naman ganoon ka rami ang mga tao dahil 7:30 pa magsisimula at 6:56 palang naman

Hindi rin naman ako nagtagal sa paghihintay nang eksaktong sumipsip ako sa wine ko ay pumasok ang isang babae at lalaki sa loob ng hall. Ang kulot na buhok, umaabot sa kanyang bewang ay nakasuot ng maroon two piece suit na ang bottom ay skirt at red stilettos samantala ang kasama nya naman ay naka grey semi formal suit rin

They look so formal together.

Nakatitig lang ako sa mga ito nang mahagip ng paningin nya ang posisyon ko at nagtagpo ang paningin namin. Ngumiti ito sa akin saka nagsimulang maglakad papalapit sa table ko

Tumayo ako upang salubungin ito.

"Look who's here, the person who doesn't wanna come but is isn't late at all"

Sarkastiko nitong sabi saka yumakap sa akin. Niyakap ko rin ito at pagkalas namin ay kaagad ko syang binatukan. Hindi rin naman iyon ganon kalakas dahil baka masubson sya at naging kasalanan ko pa

Revenge of a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon