Chapter 47: Paghihiganti

67 6 6
                                    

Ilang buwan na ang nakakalipas... ngayon na sisimulan ang treatment niya. Gayon din ang training ko..

Bumukas ang automatic glass door  ng laboratoryo at tinulak ko papasok ang wheelchair ni Leui. Bumungad sa amin ang isang kwarto na puting puti, napupuno rin ng mga hindi pamilyar na kagamitan sa akin

Unang beses namin makapunta dito kahit ilang beses na namin narinig ang lugar na ito mula kay Mr. Lauron. Pareho kaming handa ni Leui sa maaaring mangyari at kung ano ang maidudulot non sa amin

Nakasuot ako buong itim, tshirt, pantalon, at boots. Nakatali na rin sa ponytail ang buhok ko at handa na para sa training. Si Leui naman ay nakasuot ng isang lila na hospital gown, handa na sa treatment niya

Tumungo kami sa harapan ng isang parang lamesa na gawa sa bakal, kasing haba ng isang tao. Naghihintay rin sa amin ang isang lalaking naka lab gown at salamin roon

Siya siguro ang doktor.

Paglapit namin ay isang ngiti agad ang binigay niya. Nagkatinginan kaming tatlo at katahimikan ang namuo sa buong kwarto hanggang sa dumating si Mr. Lauron

Lahat kami ay nalingon sa kaniya nang makarating ito sa gilid ko.

"Ladies this is Doctor Khan. Siya ang bahala sa treatment ni Leui" pakilala niya sa doktor.

He extended his hands and both of us received it.

"Doctor Khan, this is Leui.." lahad niya sa pinsan kong nakaupo sa harapan namin. "And Tiffany.." pakilala niya sa akin. "My new soldiers"

Ngumiti si Doctor Khan sa amin at tumango.

"Nice to meet you both" tingin niya sa amin pareho. "Leui.." tawag niya at bumaling sa kaniya. " Sisimulan na natin ang first session mo. You may lay down" saad niya.

Tumango sa kaniya si Leui at agad na naghanap ng suporta mula sa akin. Kaagad ko siyang inalalayan upang maka-upo ito sa mahabang lamesa o kung ano pa man tawag diyan

Ngumiti siya sa'kin bilang pasasalamat sa tulong ko. Nang humiga siya ay agad itong sinuri ng doktor. Nanonood lang ako sa pinsan ko habang tinitignan ng doktor ang bawat sulok ng binti niya, hanggang sa kinalabit ako ni Mr. Lauron

Lumingon ako sa kaniya at tumango ito sa'kin, hudyat na sumama ako sa kaniya. Tumango ako rito at nagbigay ng huling silip kay Leui bago umalis

Sinundan ko lang siya habang naglalakad ito at sa totoo lang ay kinakabahan ako sa magiging training ko. Alam kong nasa mafia si Mr. Lauron, atleast that's what he said, kaya ineexpect ko nang magagaling na tao ang makakasama ko sa training na ito

I just hope it's not that hard to learn.

Ang kontratang meron kami ay limang taon. Limang taon akong mag tetraining at susundin ang lahat ng iuutos niya bilang aso nito habang  nagtetreatment si Leui. Iyon ang usapan. Ngayon ang simula ng lahat ng iyon

Kapalit non ay ang paghihiganti namin kay Sapphire.

Bumalik ako sa ulirat nang tumigil na siya sa paglalakad. Nasa gitna kami ng veranda sa loob ng building. Pagtingin ko sa ibaba ay mayroon doong malaking espasyo kung saan maraming tao ang nageensayo

Revenge of a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon