Jade's POV
Nang nasa harapan na ako ng mga lalaki, bigla silang nagtinginan sa'kin kaya naman nakaramdam ulit ako ng hiya.
"Hoy babae anong tinatayo-tayo mo diyan?" tanong sa akin ng isa kaya naman biglang bumalik ang bugnot ko sa kanila.
"Oh ano hindi ka ba nakakapagsalita?" tanong pa ng isa kaya lalo na akong nabwisit. Nang tinggnan ko naman yung lalaking inaapi nila kanina, maging siya ay nalilito kung bakit ako naririto.
Tumingin tingin muna ako sa paligid kasi baka may nanonood sa'kin, ayaw ko pa naman ng spotlight. Nang masiguro ko na walang nakatinggin sa'min wala sa sariling napangisi ako.
Maldita Mode: On!
"Miss kung ako sayo uma-"
"Hindi ako sumusunod sa utos ng mga hindi ko kilala" pagmamaldita ko rito kaya naputol ang mga sasabihin niya. Tumayo ako ng napakaganda at nakapamewang pa.
"Sino ka ba ha?" parang naghahamong boses nito.
"Hindi din ako nasagot ng mga tanong sa mga 'di ko kilala" pagsagot kong muli.
"Kaunting pasensya na lang ang natitira sa'min bata, kaya kung ako sa'yo umalis ka na bago ka namin patulan" pananakot niya sa'kin.
"Wow nakakatakot naman" pagsasawalang bahala ko sa mga sinabi nila.
"Umalis ka na sabi"
"Bakit hindi ka mauna?" pagbawi ko.
"Kayo ang umalis dito kasi hindi nyo naman building 'to, ang layo ng building niyo sa mga grade one tas mapapadpad kayo rito? So kapag nagsumbong ako, paghihinalaan nila kayong mga nang-aapi o nambubully which is totoo naman" pagpapatuloy ko pa kaya naman nanahimik sila.
"Ano bang problema mo babae ha? Baka hindi mo kami nakikilala, bagong salta lang kayo rito"
"Kayo, kayo ang mga problema. Porket mas nakakatanda kayo sa'min inaapi niyo na kami. Di ba dapat kayo pa ang nagga-guide sa'min sa school na ito?" pambabara ko sa kanila.
"Matapang ka ah"
"Talaga" bwelta ko rito. Medyo nagsisinungaling kasi matapang lang ako kapag walang nakatinggin.
"Sige ngayon mo ipakita ang tapang mo" nakangisi nilang sabi at akmang lalapit na sa'kin.
"MAY TEACHER NA PAPARATING!" sigaw nung lalaking inaapi lang nila kanina. Kaya naman napatigil sila sa paglapit sa'kin at napatinggin sa gawi nung lalaking sumigaw at ng makompirma nga nila na tama ang isinigaw nito nag-unahan na sila sa pagtakbo pabalik sa kanya-kanya nilang mga building.
"Hay buti naman nawala na" parang lantang gulay kong sambit at napaupo na lamang.
"S-Salamat" nagulat ako ng may biglang nagsalita sa harap ko at may inabot siya sa'king fudgee bar.
"Huh?" naguguluhan kong tanong sa kanya at tumayo nang ayos.
"A-Ano pasasalamat, sa'yo na yung isang fudgee bar ko hehe" sagot niya sa'kin.
"Hindi na kelangan" pagtanggi ko pero sa totoo lang gusto ko nang hablutin yung fudgee bar. Favorite ko yun eh!
"Hindi na, marami naman ako niyan sa bag, pati pasasalamat ko na din nga sa'yo. Kanina pa kasi nila kinukulit na pahiramin sila ng nintendo ko, kaso ayaw ko kasi special sa'kin 'to" mahabang pagkwekwento niya. Paano niya nagagawa yun? Hindi pa naman namin kilala ang isa't isa pero nagagawa niya nang magkwento sa'kin. Sheesh, bakit hindi siya nahihiya?
BINABASA MO ANG
Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)
Teen Fiction{Bad Love Series#2} STORY BETWEEN TWO STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. CLARK JAMES VALEROS, THE PLAYBOY, AND JADYLYN MAE RODRIGUEZ, THE MALDITA. THOSE TWO ARE CHILDHOOD BEST FRIENDS BUT THEIR FRIENDSHIP WAS RUINED FOR AN UNKNOWN REASON. JADE IS AN MALDI...