Jade's POV
Patuloy ang paghikbi at pag-iyak ko sa hallway ng building namin. Umaasang titila na ang ulan pero lalo lang lumalakas sa bawat segundong lumilipas.
Titigil pa kaya ito?
Makakalis pa ba ako?
"Mommy!" takot na sigaw ko ng makarinig na naman akong malakas ng kulog. Gusto kong magtago kaso natatakot akong gumalaw sa pwesto ko ngayon.
Paano ako makakaalis eh wala ngang tutulong sa'kin dito.
Patuloy ang pag-iyak ko dahil doon ko na lang nilalabas ang takot ang pangamba ko. Akala ko maiistranded na'ko dito kaso may narinig akong sigaw at palakas ng palakas iyon. Mukhang papalapit ito ng papalapit sa kinaroroonan ko.
"Jade!" ang rinig kong sigaw ng kung sino. Pamilyar ang boses, gusto ko sanang tumingin kaso natatakot akong harapin ang malalakas na kulog at kidlat.
"JADE!" ang sigaw na huli kong napakinggan bago ko naramdaman na hinatak ako patayo at niyakap ako nito.
Mahigpit ang pagyayakap niya sa'kin. Doon ko binuhos ang takot na nararamdaman ko. 'Di ko na alintana kung basa pa man siya o hindi. Sa yakap at sa bawat haplos na binibigay niya sa'kin na kilala ko na kung sino ang yakap-yakap ko.
My comfort zone.
"Sorry Jade, Sorry" paulit-ulit na sinasabi niya at lalong hingpitan ang yakap niya sa'kin. Hindi ko magawang magsalita kasi natatakot pa din ako. Natatakot ako sa mga kulog at kidlat pero nang dumating siya unti-unti nang nawawala ang takot na yun. I felt safe, sa tuwing kasama ko siya, ligtas ako.
"Hindi ko alam na uulan ng ganon na kalakas. Hindi ko alam na takot ka sa kulog at kidlat. Sorry, sorry, sorry" sincere na pagkakasabi niya.
Wala kang kasalanan. Ang gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko mabuka ang bibig ko. Nahihiya akong sabihin ang mga kahinaan ko sa kanya kaya hindi niya alam na takot ako sa ganto.
"Kung hindi pa sinabi sa'kin ni Jace, hindi ko pa malalaman" pagpapatuloy niya pa.
Jace?
Paano nalaman ng kapatid ko na takot ako sa kulog at kidlat? Sa pagkakatanda ko ay walang nakakaalam noon kundi si Mommy.
"J-Jace?" naguguluhang tanong ko at kumalas na sa pagkakayakap niya sa'kin.
"Oo, kinaladkad niya pa ako papalayo sa teammates ko para sabihin yun. Hingal na hingal pa nga siya habang sinasabi niya sa'kin yun. Siya din ang nag-utos sa'kin na sundan kita dito, nakita niya kasi na papunta ka nga sa building natin para kunin nga ang gamit natin" mahabang pagkwekwento niya.
Wala sa sarili napaiyak na naman ako. Hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa saya.
May pakialam pala sa'kin ang kakambal ko. Alam niya ang kahinaan ko.
"May pakialam pa pala siya sa'kin" natutuwang wika ko.
"Kapatid ka niyan eh"
****
"James hoy gising na!" sigaw ko dito sa labas ng bahay nila. Ngayong araw ang laro niya ng swimming. Kaya neexcite nako kasi bukas awarding na! Doon na din namin malalaman kung pasok ba si CJ sa varsity team ng soccer o basketball.
"James? Tao po!" pagtawag ko na naman. Baka naman iniwan at hindi na'ko hinintay ni James, dahil sa sobrang excited niyang magswimming competetion. Pero hindi, kilala ko siya. Hindi niya ako basta-basta iiwan. Palagi niya akong kasama kapag may training siya eh. Sabay din kaming pumapasok at umuuwi, kaso magkaibang sasakyan. Ayaw niya kasing sumabay sa kotse namin.
"Hello? Tao po? May tao po ba?" nang itanong ko yun ay wala pa ding sumagot kaya naman agad na akong nakaramdam ng takot.
Baka nakidnap na sila? Na-akyat bahay kaya sila? Baka naman naraid ang bahay nila?
Ano ba yan Jade! Nahawa ka na sa ka-OA-yan ni James.
Kesa sa mag-isip ng mag-isip ay naglakad ako papalapit sa main door nila. At ganoon na lang ang kaba ko ng mapagtantong bukas ito. Muling bumalik ang iba't ibang ideya na naiisip ko kanina.
Pagkapasok ko sa loob agad akong kumuha ng walis para kung sakaling may makita akong hindi pamilyar na tao ay hahampisin ko siya nito. Self defense kumbaga.
"James? James? James nasan ka?" kinakabahang tawag ko sa loob ng bahay nila. Pero lalo akong natakot ng walang sumasagot. Ang tahimik ng buong bahay. Wala din naman silang mga katulong dahil ayaw magpapasok ng ibang tao ang mama ni James. Kaya wala talagang mag-iintindi sa kanya kundi ang sarili niya mismo.
Umakyat na ako sa hagdanan, sa pagkakatanda ko ay nandito ang kwarto niya. Dahan-dahan akong tumungo sa direksyon na natatandaan ko. Hanggang sa huminto ako sa pinto nang kwarto ni James. Agad ko itong binuksan at nadatnan ko ang balot na balot na kumot sa katawan niya. At nakikita ko ang panginginig ng katawan niya.
"James?" naguguluhan kong tanong.
Agad naman siyang napabalikwas at sumalubong sa'kin ang mapupungay niyang mga mata. Sheesh, bakit ganto na naman itong nararamdaman ko. Natauhan lang ako ng bigla siyang dumalahik ng ubo.
Dali-dali akong lumapit sa kanya. Agad ding napaalis ang kamay ko na parang napaso ng mahawakan ko siya. Ang init niya!
"May lagnat ka!" hindi makapaniwalang saad ko sa kanya.
"Obviously" agad akong napaatras ng magsungit at mag-english siya. Sheesh, ganito ba 'to kapag nilalagnat?
"Ah okay, nasan medicine kit nyo?" pag-iiba ko ng usapan. Hindi na siya umimik pa at itinuro ang medicine kit na nakasabit sa may pintuan niya.
"Uminom ka muna ng gamot, para makapasok ka na" alok ko sa kanya at hinanap ang gamot na pinapainom din sa'kin ni Mommy kapag may lagnat ako.
"Do you really think that I can go to school right now?" tanong niya sa'kin. Agad naman akong napalunok kasi ineenglish niya talaga ako.
"Di'ba may swimming competetion ka pa mamaya?"
"I'm sick Jadylyn. I can't compete like this" tumango na lang ako at hindi na umimik pa. Ang sungit niya, sobra! Iaabot ko na sana yung gamot kaso tinaasan niya lang ako ng kilay.
"I didn't eat anything yet. And drinking medicine with an empty stomach is a bad idea" pangaral niya sa'kin. Naiintindihan ko naman kaso naiinis ako kasi hindi ako makasagot ng english din!
Sa halip na umimik ay tumayo na lang ako at dumiretso sa kusina nila. Naghanap ng cup noodles. Hindi pa naman kasi ako maalam magluto. Ayos na 'yang cup noodles, para lang makainom siya ng gamot.
Pagkaakyat ko sa kwarto niya ay inabot ko kagad yun at isang kutsara binababa ko na lang ang isang basong tubig sa side table niya.
"Really cup noodles?" mapang-asar na wika niya pero kinain niya pa din naman.
"Eh sa hindi ako maalam magluto eh!" bulyaw ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako.
"Pasalamat ka at may lagnat ka kaya ayaw kitang hampasin" pagmamaldita ko sa kanya.
"Yeah, it's your fault by the way" sarcastic na pananalita niya kaya tininggnan ko siya ng gulong-gulo.
"What do you meaning?" pag-eenglish ko. Bahagya siyang natawa sa sinabi ko pero hindi ko na yun pinakailaman pa.
"Sinugod ko ang ulan para lang sagipin ka"
Dear Brain,
Tinamaan ako ng guilt dahil ako nga naman pala ang dahilan kung bakit nagkalagnat siya. Pero ngayon ko lang narealize na wala nga pala siyang dalang payong tapos pawis na pawis pa siguro siya nung tumakbo siya sa gitna ng ulan. Naawa at nagui-guilty ako kasi ako talaga ang dahilan. Pero bakit napapangiti ako sa tuwing naalala ko na niligtas niya ako? Sheesh, bakit ako nagkakaganto? Hindi ko maintindihan.
-Jade
BINABASA MO ANG
Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)
Teen Fiction{Bad Love Series#2} STORY BETWEEN TWO STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. CLARK JAMES VALEROS, THE PLAYBOY, AND JADYLYN MAE RODRIGUEZ, THE MALDITA. THOSE TWO ARE CHILDHOOD BEST FRIENDS BUT THEIR FRIENDSHIP WAS RUINED FOR AN UNKNOWN REASON. JADE IS AN MALDI...