<93> Excited

4 2 0
                                    

James's POV

Ilang araw na simula nang maospital si Kurt, at buti na lang ay ayos na din ang kalagayan niya. Kaso kailangan niya pa ding magstay dito sa hospital para magamot ang mga natamo niyang sugat. Kaya naman kasulukuyan akong nandidito sa hospital room niya, walang lang binabantayan siya. Baka kasi mamaya may magpanggap na nurse tapos ang ituturok sa kanya lason. Kaya mabuti nang nandito ako para bantayan ang mga nagaganap sa kwarto na 'to.

"Wala ka bang balak lumabas? Nakaalis na yung iba mong kaibigan pero nandito ka pa din" pagtatanong sa'kin ni Kurt.

"Pinapalayas mo na ba ako? Ayaw mo ba akong nandito?" madramang pagtatanong ko.

Oy, nakakahurt kaya! Ikaw na nga ang nagmamagandang loob na bantayan yung tao eh, tapos itataboy ka lang? Aba, sayang ang effort, at saka bilin sa'kin 'to ni Kevin eh. At isa pa, wala naman akong ginagawa ngayon, si Jade kasama pa si Jace eh.

"Ano bang ginagawa mo nga ba dito?" pangwengwestyon niya ng worth ko.

Hindi pa ba ako sapat?

"Binabantayan ka" pagsasabi ko nang katotohanan.

Hindi pa ba obvious?

"Mukha ba akong tatakas sa lagay na 'to?" pagsusungit niya sa'kin.

"Sinusunod ko lang naman ang utos ng kakambal mo" pagdadahilan ko pa.

"Hindi naman ako updated na aso ka na pala ni bal" ngayo'y patawa-tawang saad niya.

Huh? Ano daw? Anong connect?

"Okz" banggit ko na lamang kesa naman sa mapahiya siya.

"Hindi ka ba talaga lalabas, kahit isang minute lang?" kalaunang wika ni Kurt.

"Talagang gusting-gusto mo na akong palayasin 'no?" reklamo ko dito.

"Hindi naman sa gano'n pero parang gano'n na nga" walang kwentang aniya.

"Bakit ba atat na atat kang paalisin ako? Siguro may gagawin kang kababalaghan ano?" sambit ko at itinaas baba ko pa ang mga kilay ko.

"Tsk naalibadbaran kasi ako sa pagmumukha mo" agad akong napasimangot nang sabihin niya 'yon.

"Ano yung naalibadbaran?" curious na tanong ko kaya naman ang ngiting tagumpay niya kanina ay napaltan ng pagkainis.

Eh sa hindi ko alam eh.

"Nevermind" pagsusungit na naman niya.

Ano bang nakain nito at bigla na lang nagsusungit.

"Na saan ka na ba kasi Jace?" bulong niya pero dahil dakila akong tsismoso napakinggan ko 'yon.

"Kaya naman pala gusto mo akong palayasin para masolo si Jace" nang-aasar na saad ko.

"Oo para masolo mo din si Jade, yieee" ngayon ay nang-aasar na din siya.

Para na kaming tangang dalawa ditong nag-aasaran. Pero g lang same vibes naman kami.

"Magkapatid pala ang tinuhog natin lodz"

"Well sa inyo din naman ang dahilan kung bakit ko nakilala si Jace"

Syeet iba na talaga ang lover boy, ngumingiti sa hangin.

"Speaking of Jace, isang taon mahigit ka nang nanliligaw ano?" ngayo'y nakikitsismis na ako sa buhay niya.

"Oo, pero ayos lang handa akong maghintay basta siya ang hihintayin ko" parang kinikilig na sabi ni Kurt.

Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon