Jade's POV
Sheesh, maaga na naman ang gisingan dahil pasukan na naman. At mukhang hindi maganda ang araw ngayon dahil natatakpan ng makakapal na ulap ang kalangitan ngayon. At pilit na tinatakpan ng mga yun ang araw. Ayon naman sa balita hindi naman daw uulan pero sadyang makulimlim lamang ang panahon ngayon. Kaya naman napakalamig ng lumabas ako ng bahay. 'Di nagtagal ay sumunod na sa akin si Jace, at parang good mood siya ngayon. At parang sa buong christmas break ay parang napakagood mood niya talaga, minsan na lang siya kung magmaldita at nahuhuli ko palaging nakangiti siya sa ere. Minsan nga napapaisip ako kung mayroon na naman bang kinaiinlaban ang kapatid kong ito eh. Pero may tiwala naman ako sa kanya, hindi niya hahayaang mangyari muli ang nangyari sa kanya noon. Hindi na siya ulit masasaktan sa pag-ibig na 'yan.
Kung tatanungin niyo naman ang samahan namin ni Jace, ay ganoon pa din. Walang pinagbago, hindi pa din kami nagkakausap nang maayos, minsan lang kung magpansinan, at bihira lang kung magkibuan. Hindi ko naman siya masisisi kung nainis o nagalit man siya sa'kin dahil wala akong nagawa para gawin ang gusto niya. Hindi ko nagawang sirain ang plano ni Kevin gaya ng hiling niya. Nabigo ko na naman siya sa ikalawang pagkakataon, wala akong magawa sa mga taong nagpaiyak sa kanya, masyado akong mahina. Pero kahit ganoon ang sitwasyon namin, nagpapasalamat pa din ako dahil hindi siya ganoon kaiwas sa'kin 'di katulad ng dati na kaya niya pa akong pagsalitaan ng masama. At least hindi malala ang galit niya sa'kin di ba?
Hayaan mo Jace, balang araw may magagawa din ako para sa'yong ikatutuwa mo.
Sana lang may magawa akong maganda para sa kapatid ko. Pero sa ngayon, hindi na muna ako makikialam sa buhay niya, dapat akong makuntento sa kung anong meron sa amin ni Jace ngayon. Dahil ayokong mag-asam ng kung ano dahil baka mawala pa siya sa'kin kapag ginawa ko 'yon.
****
Niyakap ko ang sarili ng maramdaman ko ang lamig ng hangin pagkababa ko ng sasakyan. Pero pinilit ko na lamang ang sarili kong tiisin ang lamig dahil baka mawala din naman 'to pagkapasok ko ng classroom namin.
Kasalukuyan akong naglalakad ng maramdaman kong may kung anong pumatong sa balikat ko. Agad akong napalingon sa pinanggalingan noon at pagkaharap ko ay ang mukha ni James ang bumungad sa'kin.
"Mukha ka kasing nilalamig, baka mamaya maging snowman ka pa" may halong birong saad niya.
"Awan ko sa'yo, pero salamat" sabi ko na lamang at kinuha ang pinatong niya sa balikat ko. Pagbuklat ko ay isa itong navy blue hoodie na may mga printed designs, awtomatiko akong napangiti dahil hindi talaga ako lalamigin sa hoodie na ito.
"Pero paano ka?" pag-aalinlangan ko ng mapagtantong ito ang suot niya.
"Wag mo na'kong alalahanin, kadugo ko yata si superman" mahanging tugon niya kaya naman inirapan ko na lamang siya at muling pinagmasdan ang hoodie. Susuotin ko na sana ito ng umimik itong si James.
"So suot mo pala ang regalo ko sa'yo noong christmas party?" nakangiting wika nito at titig na titig sa zodiac bracelet na binigay niya sa'kin.
"Syempre bigay mo eh, alangan namang itago ko lang sa sulok ng bahay" tugon ko dito at tuluyan ng sinuot ang hoodie.
"Bagay sa'yo" puna niya at 'di nilubayan ang tinggin sa bracelet, napatinggin din tuloy ako doon.
Libra, ang nakasulat sa pinakagitna nito. At sumunod naman ang iba't ibang sign nito. Zodiac sign na ♎︎, tapos zodiac zymbol na balance scales, at higit sa lahat ang constellation sign ng libra.
"Syempre ako ang pumili eh" kalaunang saad ni James at pinakita din ang bracelet niya.
"Ayan matchi-matchi tayo" tuwang-tuwang saad pa nito at pinagmalaki pa ang zodiac bracelet niya na Gemini.
BINABASA MO ANG
Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)
Teen Fiction{Bad Love Series#2} STORY BETWEEN TWO STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. CLARK JAMES VALEROS, THE PLAYBOY, AND JADYLYN MAE RODRIGUEZ, THE MALDITA. THOSE TWO ARE CHILDHOOD BEST FRIENDS BUT THEIR FRIENDSHIP WAS RUINED FOR AN UNKNOWN REASON. JADE IS AN MALDI...