<6> James

8 4 0
                                    

CJ's POV

"Ahmmm Jade, kamusta pala bakasyon mo?" isang buong linggo nang papampam itong isang CJ na ito. Feeling close kay Jade, eh ako ang best boy niyan. Hindi naman ako naiinggit o ano dahil may bagong gustong kumaibigan sa kanya. Kasi panatag ang loob ko na ako pa din ang pinakaclose niya sa lahat. 

"Okay lang" plain na sagot ni Jade. 'Yan isa pa 'yang pagiging mahiyain niya sa mga dahilan ko kung bakit hindi niya ako ipagpapalit bilang best boy niya. Kung nagtataka kayo kung bakit nagkakausap itong dalawa ay dahil pumwesto yung papampam sa harap nang kinauupuan namin ni Jade. 

"Ah sige, usap na lang ulit tayo mamaya" hirit pa ng isang ito.

Ngayon ay araw ng Biyernes, ng unang linggo namin bilang isang grade two student. Kaya eto kami ngayon at hinihintay ang sunod naming teacher, kakatapos lang kasi nang lunch break namin kaya nakakapag-ingay pa kami. At kung hindi ako nagkakamali ay ang sunod naming subject ngayon ay P.E. Kaya naman naeexcite kagad ako kasi puro laro lang dun. 

"Hoy James, bakit ba paulit-ulit ang tanong nitong CJ na ito?" bulong sa'kin ni Jade at ang tinutukoy niya si Clyde Justin. Pero teka sino si James? James Reid ba? 

"Sino si James?" sa halip na sagutin ang tanong niya ay nagtanong din ako pabalik sa kanya. 

"Ikaw!" pagsagot niya naman sa'kin at itinuro pa ako. Ako daw? Teka paano ako naging James? Akala ko ba si CJ ako? CJ two pa nga ang tawag sa'kin dito sa school eh. Clark naman ang tawag sa'kin sa bahay, kaya paano ako naging James? Pwede bang mag-iba ang pangalan ko? Pwede ba yun? Oh sadyang gino-good time lang ako ni Jadylynda? 

"Naano ka Jadylynda? Hindi ako si James Reid, kaya wag mo'kong tawaging James" pagbabawal ko rito.

"Huh? Sinong may sabi sa'yo na ikaw si James Reid?" nagtatakang tanong niya din sa'kin. 

"Eh bat mo akong tinatawag na James?" napatulala na lamang siya at halatang gulong-gulo sa mga pinagsasabi ko. Aba siya diyan yung tatawag-tawag ng James sa'kin tas siya pa malilito? Di ba dapat ako? 

"Hindi ka si James Reid kay Nadine Lustre na ata yon. Awan ko hindi naman ako fan, napapakinggan ko lang sila sa kung saan-saan" pagsasalita ni Jade sa ere. Para siyang baliw kasi kinakausap niya yung hangin. 

"Ako ba si James Harden? Hindi din naman" bulong ko sa sarili at pilit pinag-iisipan kung bakit naging James ako kay Jade. 

"Huh sino yun?" rinig ko pang tanong ni Jade pero hindi ko pa siya pinansin kasi nag-iisip pa ako. 

"James Yap? Hindi ko naman kamukha yon ah? Ang layo naman ata?" pagpapatuloy ko. 

"James Yap? Huh?" tanong na naman ni Jade pero wala akong panahon para kausapin siya kasi nag-iisip ako. Minsan lang ako mag-isip nang malalim kaya sana naman ay pagbigyan niya. 

"James Wiseman?" 

"Sino bang pinagsasabi mong yan?" 

"LeBron James?" 

"Huh? Hoy James tumingin ka nga sa'kin!" 

"Ah alam ko na!" napapitik na lang ako sa ere at humarap kay Jade at tuwang-tuwa ako dahil nalaman ko na kung bakit niya akong tinatawag na James. Ang bait naman talaga ni Jadylynda oh! 

"Teka nga lang!" pagpipigil sa'kin ni Jade. 

"Bakit?" 

"Kumalma ka muna ha? Kalma!" parang hingal na aso na wika sa'kin ni Jade. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil ang saya-saya ko na sa araw na ito!

"Kalma na'ko sa ganito. Sabihin mo na sa'kin! Bakit nga?" sunod-sunod kong pangungulit sa kanya kaya naman napasapo siya noo niya. May lagnat ba si Jade? 

Wala sa sariling hinawakan ko din ang noo niya. Halata namang nagulat siya sa ginawa ko pero hindi ko na pinansin yun. 

"Hindi naman mainit ang noo mo ah? Ibig sabihin non wala kang sakit" pag-aanunsyo ko dito. 

"Sino bang may sabing may sakit ako?!" 

"Wala. Eh bakit mo kasi hinahawakan 'yang noo mo?"

"Kasi masyado kang isip bata!" tugon niya sa'kin kaya agad nangunot ang noo ko. 

"Eh bata naman talaga ako ah? Eh 'di malamang isip bata talaga ako!" pagsagot ko sa kanya. Napamasahe na lamang si Jade sa sintido niya, hindi ko alam kung bakit. 

"Oo na! Wag na nating pag-usapan yun. Pero maiba ako" 

"Oh ano yun?" 

"Sino yung mga pinagsasabi mo kanina?" tanong nito na ikinakunot ng noo ko. 

Pinagsasabi nito?

"Yung pinagbabanggit mo kanina nang pabulong. Yung sangkatutak na James na yun" paglilinaw niya kaya naman napa-ahhh ako. 

"Mga basketball player yun" simpleng sagot ko. 

"Paano mo naman sila nakilala?" pag-uusisa nito sa'kin. 

"Kasi mahilig ako manood ng ganon" tugon ko.

"Nanonood ka ng basketball?!"  hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango na lamang ako sa katanungan niya. 

"Ala seryoso?" 

"Oo nga! Kulet" pagkumpirma ko sa kanya. 

"Ako pa talaga yung makulet ha?" 

"Ikaw naman talaga" napairap na lamang siya sa akin. 

"Oh anong alam mo na?" pagbabalik niya ng usapan kanina. Naguguluhan pa'din yung tanong niya sa'kin.

Agad naman bumalik ang mga ngiti sa labi ko at parang kating-kati ang pwet ko dahil sa excitement na nararamdaman ko ngayon. 

"Ang bait mo talaga Jade! Alam ko na kung bakit mo ako tinawag na James!!!" excited na excited na balita ko sa kanya kaya naman napangiti na lamang siya sa'kin. 

"Oh bakit kitang tinawag na James?" parang nabuhayan si Jade sa tanong niya ngayon. 

"Kasi inihalintulad mo ako sa isang tao!" agad nanlumo si Jade sa sinabi ko pero pilit niya pa'ding iniintindi ang mga pinagsasabi ko. 

"Oh?" walang enerhiya niyang tanong pero binalewala ko na lang yun kasi ang napakasaya ko talaga sa naisip at nalaman ko. 

"Kasi kasing talino ko si James Watt!" sa wakas ay nasabi ko na sa kanya ang ikinasasaya ko ngayon. 

"Sino yon?!" 

"Yung nag-invent ng Watt steam engine! Hindi mo kilala yun?" 

"Argh!" frustrated niyang sambit at napailing na lamang. 

"Ay hindi pa'din ba yon?" sinamaan na lamang niya ako ng tinggin ng sinabi kong 'yon.

"Akala ko si James Watt na eh, kasi kasing talino niya ako" proud ko pang saad pero masama pa'din ang tinggin niya sa'kin. 

"Hindi ko sure ha! Hindi ako assuming. Pero parang ganoon na din nga" patawa-tawa ko na lamang hirit kay Jade. Singkit na singkit na yung mata niya, nakakatakot na. Hindi na lamang ako umimik dahil baka pagmalditahan niya lang ako.

At isa pa dumating na'din yung teacher namin. 

Buti naman.

Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon