James' POV
Masaya naming pinapanuod ni Jade ngayon ang fireworks display sa kalangitan. Bagong taon kasi ngayon. It's a new year to start with her.
Bagong taon, bagong pag-asa.
Sa mga nakalipas na buwan, ang daming nangyari. Nagkaayos na lang bigla sina Maira at Kevin, kailangan pa palang may kidnapping na maganap para lang magkaayos sila, dami kasi nilang arte halata namang mayroon pa din. Naging magkaibigan na din sina Jace at Maira. At bukod pa don, nalaman din namin ang pinagkakaabalahan ni Kevin kapag wala siya sa mga paningin namin. Akalain mo 'yon, nakikipagbugbugan siya ng di namin alam at nahahalata. Sabagay, may inaayos din naman kami amin eh. Hindi naman kami sinisisi ni Kevin do'n, ginusto niya din daw. Buti na lang talaga at doon sa lugar namin ni Jade ko napansin na may kakaiba siyang tinatago.
Tapos balita ko pa ay 'yong kakambal ni Jade ay may nagugustuhan na din daw. Kaso ang damot naman magbigay ng information nitong si Jadylynda. Magkwekwento tapos hindi niya kukumpletuhin, hindi niya sasabihin kung sino 'yon. Kesyo daw baka magalit sa kanya si Jace, eh bakit niya pa kinwento? Hindi niya ba alam kung gaano kahirap mangalap ng inpormasyon? Ang hirap kaya patahimikin ng tsismosong kaluluwa ko. Buti pa si lodz Kurt matalino pa din, sana ako din. When kaya ako bibigyan ni Kurt? Tagal ko nang hinihingi sa kanya 'yon eh, at sa pagkakakilala ko sa kanya ay 'di siya madamot. Kaya nga may nalaman ako eh.
Kung kakamustahin mo naman sa'kin ang isa ko pang tropa ni Ash, ayon medyo naimik na. Paano ga naman hindi iimik 'yon, ang palaging kasama ay madaldal, nahawa na ata. Bukod don, unti-unti na daw dumadami ang mga nalalaman niya. Kailan pa hindi dumami ang alam niya? Eh laging hawak ang libro, dinaig niya pa nga ang dictionary sa dami ng alam niya. Hindi ko nga maintindihan kung anong sinasabi niyang 'yon eh. Tapos 'pag tinatanong ko naman sa palaging kasama ni Ash na si Scian ay mas lalo kong hindi maintindihan, kasi napapatitig na lang talaga ako kay Jade kapag nagdadada si Scian.
Katulad na lang nang pagtitig ko sa beybi ko ngayon.
Aba, bakit ba? Bati naman na kami di ba? Pwede ko na ulit siyang tawaging gano'n, pakana 'to ni Clyde eh. Sabi niya ayos daw na paraan 'yon para magkalabel na kami ni Jade, pero hanggang ngayon wala pa din naman. Mukhang gino-good time lang talaga ako ng mokong na 'yon. Pero gusto ko talagang itawag yun kay Jade, kasi naman ang cute niya kapag pilit niyang itinatago ang hiya niya kapag binabanggit ko 'yon.
Bigla ko tuloy naalala yung sinabi ni Jade dati na kaya wala kaming label kasi may babae daw ako. Eh wala naman akong babae ah, siyang lang, eh ba't hanggang ngayon wala pa din kaming label? Ah! Baka naman 'di niya din sinasadya na masabi 'yon, kasi naman nagalit lang siya.
Ala, basta hihintayin ko kung kailan niya ibibigay 'yon.
"Tunaw na ako kakatitig mo"
"Hindi ka naman yelo para matunaw, Jadylynda ko" nagtatakang wika ko, at parang ewan ang reaksyon niya kasi namumula siya pero umiirap.
Cute.
"Awan ko sa'yo, James" saad niya pa.
"Happy New Year, beybi" panlalambing ko dito at niyakap siya ng patalikod dahil bigla na lang siyang umiwas ng paningin sa'kin.
"Happy New Year, din" rinig kong tugon niya.
Hays, kailan niya din kaya ako tatawaging 'beybi'?
****
Madaling araw na pero gising na gising pa din ang diwa ko. Alam mo ba kung bakit?
May ka-bebe time ako!
"Sige na kasi" pamimilit ko pa din sa kanya.
[Nakakahiya naman, baka kung ano pang sabihin sa'kin ng ibas kasi ako yung pinili mong partner mo]
"Paki ko sa kanila, hindi sila mahalaga. Ikaw lang beybi, sige na please?" paglalambing ko dito.
[James naman! Nahihiya nga ako eh, baka di na nga ako umattend]
"Bakit naman? Once in a lifetime lang yun, sayang naman kung hindi ka pupunta"
Kaka-announce lang kasi na sa mismong foundation day din magaganap ang prom namin. Kaya naman inaaya ko ngayon si Jade na maging partner ko. Prom date kumbaga. Syempre, may plano na namang sumibol sa utak ko eh. Baka doon na kami magkalabel ni Jade. Tatanungin ko na nga din siya eh, kasi naman yun ang bilin sa'kin ng mga kaibigan ko eh. Kaya naman pinipilit ko talaga siyang pasamahin.
[Nakakahiya naman kasi, ang daming tao] dumali na naman sa pagkamahiyain.
"Nandoon naman ako eh, at saka siguradong nandoon din ang mga kaibigan mo. Sige ka ikaw lang ang wala doon" pananakot ko pa dito.
"At hindi ka naman, pagkakaabalahan ng tao Jade, syempre may kanya-kanya din silang gagawin" dagdag ko pa para makumbinsi ko pa siya lalo.
[Paano ka nakakasiguro?]
"Kasi alam ko"
[Sige na nga! Pag-iisipan ko. Basta ikaw magiging partner ko kung sakali ah] 'yon na eh! Akala ko naman pumayag na, yun pala pag-iisipan pa.
"Hihintayin ko 'yan ah, ay teka lang Jade si Kevin" naputol ang usapan namin ng papuntahin ako ni Kevin sa hospital.
Ano kayang nakain noon at bigla na lang ako pinapunta sa hospital ng ganitong oras. Buti na lang talaga at mga wala ang tao sa bahay kaya naman mas napabilis ang pagpunta ko dito.
Agad akong nagreklamo na inistorbo niya ang bebe time namin ni Jade, pero binawi ko na din yun ng malaman ko ang mangyari. Naaksidente si Kurt, kaya naman ganito na lang ang pag-aalala ni Kevin. At bukod pa doon, wala na ang papa niya. Agad akong nakaramdam ng lungkot para sa kanya, kasi wala nang pag-asang mabuo ang pamilya niya. Ramdam ko yun, kasi parang ganoon na yung pamilya ko eh. Kumpleto nga kami pero palagi din naman silang wala.
Wala sa amin ni Ash ang kaparehas ng blood type ni Kurt. Kaya hanggang sa pagdadasal na lamang ang maitutulong namin ngayon para sa kalagayan ng kapatid ni Kevin.
Ngayong alam ko na ang blood type ko, bigla tuloy akong nacurious ano kayang blood type ng mga magulang ko?
Kasi naman si Ash, expected na niya na ganoon ang blood type niya kasi alam niya ang mga blood type ng mga magulang niya. Buti pa siya may alam sa mga magulang niya. Ako kasi kahit paboritong kulay nila hindi ko alam.
Minsan nga napapaisip na ako eh, ginusto ba nila akong mabuhay sa mundong ito? Kasi ni minsan wala akong naramdamang pagmamahal sa kanila. Basta nagbibigay sila ng pera pambili ng pagkain, damit, at kung ano pa man, okay na sa kanila 'yon. Yun na ba ang love language nila? Kasi yun na 'yon dapat na akong makuntenyto di ba?
At least sinusustentuhan nila ako sa mga pangangailangan ko, di ba?
Okay na 'yon, kaysa naman sa iabandona nila ako.
Pero bakit ganon? Hindi ko maiwasang hilingin na sana iba na lang yung nagging magulang ko. Yung kaya akong kamustahin araw-araw, yung aalagaan nila ako at ipaparamdam nila sa'kin na napakaimportante ko sa pamilya. O di kaya naman ay sana isang beses manlang naramdaman kong may pamilya ako. May pamilyang masasandalan kapag nahihirapan na ako.
Pero okay na din, at least nasa tabi ko si Jade.
Siya lang yung nagparamdam na may worth pa ako dito sa mundong ibabaw.
Siya yung naging pamilya ko.
BINABASA MO ANG
Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)
Teen Fiction{Bad Love Series#2} STORY BETWEEN TWO STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. CLARK JAMES VALEROS, THE PLAYBOY, AND JADYLYN MAE RODRIGUEZ, THE MALDITA. THOSE TWO ARE CHILDHOOD BEST FRIENDS BUT THEIR FRIENDSHIP WAS RUINED FOR AN UNKNOWN REASON. JADE IS AN MALDI...