<90> Pagkakaayos

4 2 0
                                    

Jade's POV

Nagising ako nang may tumama ng sinag ng araw sa mga mata ko. Sheesh, hindi ko manlang namalayan na umaga na pala. 

Umaga na pero nandito pa din yung sa'kit nang kahapon. 

Ang drama mo Jade. 

Sa halip na magmukmok at magdrama ay mas pinili kong ayusin ang sarili ko. Ayokong magpadala sa emosyon, gusto kong makita niya na ako ang sinayang niya. Gusto kong ipakita sa kanya na mas magiging okay ako kapag wala siya, na kaya ko na wala siya. Gusto kong ipamukha sa kanya na siya ang lugi, at hindi ako. 

Panahon na para pairalin ko na naman ang utak ko.

Isang beses ko nang sinunod ang puso ko, at anong napala ko? Wala. Nasaktan lang ako.

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kwarto ko kaso may nauna nang magbukas noon. At sumalubong sa'kin ang pagmumukha ng kakambal kong si Jace.

Teka, umalis 'to kahapon di ba?

"Kakauwi mo lang ba?" pagtatanong ko kay Jace.

"Huh?"

"Hindi ba't umalis ka pa kahapon? Kakabalik mo lang?" paglilinaw ko.

"No, hindi ha"

"Eh ba't ngayon lang kita nakita?"

"Tulog na tulog ka na kasi nang nakabalik ako. Tatawagin na nga sana kita para sabay na tayo mag-dinner, kaso ayon nga pagtinggin ko sa'yo ang lalim na nang tulog mo" pagkwekwento niya.

"Sorry naman" paghingi ko ng paumanhin.

"Okay lang 'yon" tugon niya, tinanguan ko na lamang 'yon kaso may biglang pumasok sa utak ko.

"Sa'n ka ba kasi galing at ginabi ka na nang uwi?" pang-uusisa ko dito at naningkit ang mata ko nang bigla na lamang siyang nag-iwas ng tinggin.

"Jace, saan ka nagpunta?" pag-uulit ko pa nang tanong.

"Kay Kurt" kagat labing sagot nito. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Manliligaw mo pa ba 'yan?" pandidiretso ko dito.

"O-Oo naman" utal na tugon nito kaya naman binigyan ko siya ng makahulugang tinggin.

"Anong ginawa niyo ni Kurt?"

"Nagpasama lang ako sa kanya ate" tugon nito na ikinaduda ko.

Sheesh, bakit kailangan pang kay Kurt magpasama? Pwede namang sa'kin ah? Nagpasama lang ba talaga?

Sabagay iba ang kalagayan ko kahapon.

"Saan naman?" tanong ko na naman.

"Yun ang pupuntahan natin kaya magready ka na!" ngayo'y sumigla na ang boses niya.

"Ready naman na ako ah? At teka, anong pupuntahan? Jace may pasok ngayon" walang prenong sambit ko.

"You'll know later, so dress up properly. Huwag ka ngang KJ! Paltan mo 'yang uniform mo" utos nito sa'kin.

"Ayoko"

"Ayaw mo ha?" laking gulat ko nang dire-diretso siyang pumasok sa loob ng kwarto ko at bukod pa don higit-higit niya pa ako papunta sa closet ko.

"Hoy Jace, bitawan mo nga ako"

"Not until, I find a perfect outfit for you" turan niya at nagsimula nang maghakwat sa closet ko.

Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon