After a decade....
"Architect Rodriguez, pinapatawag po kayo ni Engineer Suarez" linataya ng sekretarya sa kanyang amo gamit ang telepono pang-opisina.
"On my way" ang tanging tugon ng Architect bago patayin ang tawag.
Pagkapatay ng tawag ay di maintindihan ni Jade kung bakit siya muling pinapatawag ng katrabaho. Sa isip-isip pa nito ay naipasa niya na sa lahat ng kailangan para sa bagong building ng dati nilang eskwelahan, ang Memorial High.
Sa halip na isipin pa ng dalaga ang dahilan kung bakit siya pinapatawag ng Engineer ay mas pinili niyang alamin ang dahilan. Kung kaya nagpaalam na siya sa kanyang kasama upang makabalik na sa opisina.
"I have a urgent meeting, I have to go na" malungkot na pagpapaalam ni Jade dito. Ayaw niya pa sanang iwan ito sapagkat nag-eensayo pa sila para sa gaganaping event bukas ng gabi.
"This early? Ate naman, we're still bonding pa oh? Sino ba nagpapatawag sa'yo? Ang istorbo naman" agad na pagrereklamo ng kanyang kakambal na si Jace.
"The soon-to-be Daddy" natatawang tugon niya sa kapatid.
"Sabi na nga ba eh, can I come ba? For sure it's not work-related ang reason, diba?" pamimilit agad nito.
Walang nagawa si Jade kundi isama ang kapatid niya pabalik sa opisina. At tama nga ang naging hinala nito dahil hindi tungkol sa trabaho ang rason kung bakit siya pinapatawag nito.
"Pasensya na, utos lang" ang agad na bumungad sa kanilang dalawa ng makarating na sa office.
"Kevin! Bakit ang tagal?!" pakinig pa nilang sigaw mula sa loob at ilang minuto lang ay lumabas na din ito.
"Jade! Jace!" masayang hiyaw na naman ng tatlong buwang buntis na matagal na nilang kaibigan.
"Slow down Princess" nag-aalalang bilin ng asawa ng bigla na lang dumugin ni Maira ang kambal.
"Hmp! Don't touch me nga!" pagsusungit ni Maira ng hawakan siya ni Kevin sa kanyang braso.
"Hey, I'm just trying to remind you that you're pregnant"
"Alam ko 'yon, katawan ko ata 'to?"
Pinipigilan na lamang ng magkapatid ang bumungisngis habang napapanood nilang nag-aaway ang mag-asawa sa kanilang harapan.
Tinaas na lamang ng lalaki ang kanyang dalawang kamay bilang sensya na suko na sa munting away.
"Why did you call my ate ba, Kevin? Istorbo ka sa bonding namin eh" pagtatanong ni Jace sa lalaki.
"It's my wife request, wala akong takas don!" agad na sagot nito.
"Bakit ba Maira? Inaaway ka ba nito?" may halong birong tanong ni Jade sa kaibigan.
"Exactly!" Maira exclaimed.
"Hey, hindi 'yan totoo!" tanggi naman ng asawa niya.
"Totoo!"
"What happened ba?" pagsingit ni Jace.
"Ayaw niya akong palabasin sa office niya!" pagsusumbong ni Maira at umarte pang inaapi.
Agad nakatanggap ng dalawang masamang tinggin si Kevin ng mapakinggan ang sinabi ng kanilang kaibigan.
"Tsk, I gotta go. Wala din naman akong laban" ang tanging nasambit nito bago tuluyang umalis.
"Grabe ka talaga maglihi sister-in-law!" agad na linataya ni Jace ng makaalis na si Kevin at tuluyan na silang pumasok sa loob ng opisina.
BINABASA MO ANG
Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)
Teen Fiction{Bad Love Series#2} STORY BETWEEN TWO STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. CLARK JAMES VALEROS, THE PLAYBOY, AND JADYLYN MAE RODRIGUEZ, THE MALDITA. THOSE TWO ARE CHILDHOOD BEST FRIENDS BUT THEIR FRIENDSHIP WAS RUINED FOR AN UNKNOWN REASON. JADE IS AN MALDI...