Jade's POV
Naputol lamang pagdaramdam ko sa'king ina nang may marinig kaming isang malakas na kabog na nagmula sa pintuan. At tila lumambot ang puso ko ng makita kung sino ang sanhi niyon.
Bakit ko nga ba kinamumuhian at pinagsisihan na naging ina ko siya? Sino ba ang nagpalaki sa'kin? Sino ba ang nag-alaga sa'kin noong wala pa'kong kamuwang-muwang sa mundo? Sino ba ang nagmahal sa'kin noong ipinanganak ako? Sino ba ang tumanggap sa'kin sa kabila ng mga imperfections ko? Hindi ba't siya ang gumawa ng mga iyon?
Ang Mommy Maybel ko.
"Paano ka nakapasok sa pamamahay kong malandi ka? Bakit ka pinaapak sa napakalinis kong bahay?!" malakas at nakakatakot na paninigaw ni Daddy sa babaeng nasa harap namin ngayon.
"Sinasabi mo bang hindi ako malinis Jude? Na isa akong karumaldumal na basura?" tila hindi siya natakot sa pagtatataas ng boses ni Daddy sa kanya. Hindi manlang siya nasindak o nagpatinag manlang dahil walang nagbago sa kalmado niyang ekspresyon.
"You just describe yourself" walang galang na banat ni Daddy.
"I'm just being optimistic" bara naman ni Mommy pabalik.
"Maari ka nang umalis sa bahay ko"
"Pinapaalis mo na agad ang bisita mo, Jude? Hindi mo manlang ba tatanungin kung bakit ako naparito?" sa tono ng pananalita nito ay para bang hindi siya nababahala sa matalim na tinggin sa kanya ng padre de pamilyang ito. At mukhang balak niya talagang asarin si Daddy dahil dire-diretso itong umupo sa bakanteng upuan ng hapag-kainan.
"Ano nga ba ang ginagawa mo dito, ha?! Pwede bang pakibilisan dahil sa itinatagal mo dito lalong umuusbong ang baho ng katauhan mo, idadamay mo pa ang pamamahay ko" pagbibitaw ng masasakit na salita ni Daddy ngunit parang wala lang iyon sa taong tinutukoy niya.
"Nandito ako para linisin ang pangalan ko sa iyo, at sa mga anak ko!" pagbanggit niya ng kanyang pakay.
"Wala kang dapat linisin, at hindi mo sila mga anak! Anak ko lang sila! Ilang beses ko ba uulitin na simula ng talikuran mo ang pamilya natin, wala ka ng karapatan sa kanila?! Wala na! Dahil mas pinili mong panindigan 'yang kalandi-"
"Ni minsan hindi ako naging malandi! Ni minsan ko tinalikuran ang pamilyang ito! At ni minsan hindi ako yung taong inilalarawan mo sa mga anak ko! Tiniis ko ang napakadaming taon na harapin ang mga paratang mo sa'kin, ang mga ikinaso mo sa'kin na walang katotohanan. Ang bintang mong may iba akong lalaki? Ha! Hanggang bintang lang 'yon dahil nabuo ko na ang mga patunay na nagsasabi ako ng totoo. Iyan ang mga ebidensya!" dumagundong ang malakas nitong sigaw at ang paglagitik ng mga papeles at iba pang bagay sa lamesa na ang ilan ay napatilapon sa mukha ni Daddy.
"Ano bang noise ang- Daddy!" dali-daling pagbaba ni Jace sa hagdanan ng makita niyang bahagyang nasaktan si Daddy sa binato sa kanya.
"Who the hell did this to you?" naiinis na tanong ni Jace habang sinusuri ang mukha ng aming ama.
"J-Jace? A-Anak? Ikaw na ba 'yan?" maluha-luhang banggit ni Mommy na siyang ikinalingon ni Jace dito. Bakas pa ang gulat sa kanyang reaksyon ng makita niya ang isa sa taong kinamumuhian niya.
"Bakit ka nandito? What are you doing here? What, wala na bang money 'yong bago mo kaya ka nagpakita sa'min, ha?" masasakit na salitang wika niya, at sa unang pagkakataon wala akong masabi na pagtatanggol sa Mommy namin. Sa unang pagkakataon hinayaan ko ang kapatid kong masabi ng masasamang bagay sa ina naming dalawa.
Galit din ako sa kanya.
"Speechless ah? So you're here kasi mamemera ka lang?" pagpapatuloy pa din ng kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)
Teen Fiction{Bad Love Series#2} STORY BETWEEN TWO STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. CLARK JAMES VALEROS, THE PLAYBOY, AND JADYLYN MAE RODRIGUEZ, THE MALDITA. THOSE TWO ARE CHILDHOOD BEST FRIENDS BUT THEIR FRIENDSHIP WAS RUINED FOR AN UNKNOWN REASON. JADE IS AN MALDI...