<5> Friends

11 4 0
                                    

Jade's POV

"Ako naman pahiram" pangungulit ko kay CJ na naglalaro ng kanyang nintendo. Nandito kami sa labas ng bahay namin, sa garden. Simula ng may lumipat sa katabi naming bahay at sumugod si CJ noong hapon na iyon ay naging magkaibigan na kami. Sa una oo, nahihiya ako kasi hindi ko alam kung paano makikipag-usap sa kanya. Pero habang patagal ng patagal at palagi niya akong dinadaldal araw-araw, nasanay na ako. Hanggang sa naging madaldal na din ako katulad niya. 

"Mukha mo pahiram" walang kwentang sagot niya at ipinagpatuloy ang paglalaro niya. 

"Ang damot" naiinis kong sabi. 

"Eh akin toh eh, paki mo ba?" tugon niya sa'kin at ipinagpatuloy ang paglalaro niya. 

"Pahiram nga lang" pangungulit ko pa'din.

"Mukha mo"

"Kanina ka pa diyan eh" 

"Nintendo ko kasi 'to"

"Sabi mo halinhinan tayo" 

"Sabi ko lang yun"

"Anduga naman"

"Ganyan talaga"

"Pahiram nga kasi"

"Ayoko nga kasi"

"TITA!!!!" ng sumigaw ako ay nataranta siya at dali-daling ibinigay sa'kin yung nintendo niya. Napangiti naman ako ng malademonyo. Ngiting tagumpay po ito, hehe. Sheesh! 

"Anduga naman eh" reklamo niya. Alam ko na kasi ang weakness niya. Hehe, takot na yan kay tita eh. At oo nga pala, simula ng naging magkaibigan kami nitong si CJ, napapansin din namin na lagi na lang nagkwekwentuhan sina Mommy at Mama ni CJ. Eh di ayos, friends kaming mga anak tas friends din silang mga mommy. Kelan kaya ang mga daddy namin? 

"Na sa akin ang huling halakhak" sambit ko bago ko simulan maglaro. Hindi ako madamot kagaya ni CJ, kaya halinhinan kami sa paglalaro. Dalawang beses nga lang yung akin tapos isa lang yung sa kanya. 

****

Ngayon ang ikahuling araw na ipapasok namin bilang isang grade one student. Ang bilis talaga ng mga araw, next school year grade two na kagad kami. Samantalang si CJ lang naman palagi ang kasama ko ngayong school year. 

Bukod kay CJ may iba pa naman akong naging kaibigan, pero siya talaga ang pinakaclose ko kasi nahihiya akong makipag-usap sa iba naming kaklase. Hindi ko nga din alam kung bakit mahiyain ako sa iba pero kapag kay CJ ang hyper-hyper ko. Siguro nahawa na nga talaga ako sa kanya. 

"Jade" awtomatiko akong napalingon at napaatras sa taong tumawag sa'kin mula sa likod. 

"Grabe naman kung makaiwas, may sakit ba akong nakakahawa?" inosenteng tanong niya sa sarili. 

"Ay hehe sorry CJ" paghingi ko ng paumanhin sa isang ito. Ito yung isang CJ na kaklase namin, si Clyde Justin. 

Siya yung kasama o anak pala nung babaeng kumausap sa'kin nung first day, na pinagkamalan ko pang masamang tao, yun naman pala ay nagmamagandang loob lamang. Nakapanghingi na din naman ako ng sorry sa Mommy niya. Buti na lang talaga at mabait siya. At simula noon, napapansin ko na palagi na akong kinakausap ni Clyde Justin, hindi ko din alam kung bakit. Sinasagot ko lang naman yung mga tanong niya, minsan nga mali pa, pero kinakausap niya pa din talaga ako. Siguro gusto niya lang makipagkaibigan kaso nahihiya na talaga ako eh, hindi ko alam kung paano. 

"Bakit mo nga pala ako tinawag, CJ?" pagtatanong ko sa kanya. 

"Pwede bang kaibigan na din kita? Ikaw na lang kasi ang hindi ko friend sa section natin. Yun kasi ang sabi ni Mommy saken eh" 

"Oh okay, sige?" halos pabulong kong sagot pero napakinggan niya pa din yun kaya napangiti na lamang siya. 

"Thank you Jade" huling sinabi niya bago nagtatakbo papunta sa room. 

Sheesh, baliw. 

Malapit na sana ako sa room ng may humila sa'kin palabas ng building. Pagkaharap ko agad nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto kung sino ang humila sa'kin. 

"Long time, no see" nakakakilabot na sambit nito sa'kin. At higit pa don hindi lang siya nag-iisa kasi kasama na naman niya yung iba pang lalaki. 

Sila yung mga lalaki dati na natarayan ko noon, nung first day of school. Sila din ang dahilan kung bakit kami naging magkaibigan ngayon ni CJ. 

"Hello?" nahihiya kong sabi sa kanila. 

"Anong klaseng sagot yan?" naiinis na sagot nito pabalik. 

"Ano ba dapat ang gagawin ko?" wala sa sariling usal ko sa kanila. 

"Pinagloloko mo ba kami?" hindi ko alam kung bakit pero agad akong napailing sa itinanong nila. 

"Babawian ka namin!"

"Ilabas mo ang tapang mo ngayon" 

Nagulat na lamang ako ng higitin ng isa yung buhok ko. Nakapigtail pa naman ako, ang sakit sa anit! 

"Ano bakit hindi ka lumalaban ha?" paghahamon sa'kin nung isa. Ano bang pinagsasabi nila? Bakit ba sila nananakit? 'Di ba masama yun? Ipinagtanggol ko lang naman dati si CJ ah! Pati hindi ako nananakit ng tao, at isa pa kung magmamaldita ako ngayon nakakahiya madaming nakapalibot sa'min.

"Oh bakit wala kang sinasabi diyan?"

"Di'ba maldita ka? Lumaban ka!" 

"Wala ka pala eh"

Ayaw ko ng ganito, ayaw ko na pinagtitinginan ako ng tao tapos hindi man lamang ako makalaban. Masamang manakit ng kapwa, yun ang sabi ni Mommy. Pero bakit sila nananakit sa'kin? At isa pa bakit wala akong magawa? 

Umiyak na lamang ako at napadaing sa pagsasabunot nila sa'kin. Hindi ko alam kung bakit sila galit na galit sa'kin eh wala naman akong masamang ginawa sa kanila. Hindi ko naman sila pinapakailaman ah. 

"Oh ano? Wala ka palang palag eh" patawa-tawang saad nung isa at akmang sasampalin ako. Napapikit na lamang ako ng maramdaman ko ang hapdi ng sampal nito sa'kin. Umagos na lamang ang mga luha ko. Gusto kong humingi ng tulong, pero kanino? Wala akong kakilala rito, at isa pa nakakahiya. Kita ko din na takot yung iba na lumapit sa amin para sana tulungan ako kaso wala. 

"Mahina ka pala eh" mayabang na saad na naman nito at akmang sasampalin na naman ako kaso may pumigil na sa kanya. 

"Wag mong sasaktan si Jade" seryosong sambit nito. Si CJ, akala ko hindi siya makakapasok ngayon kasi namumutla siya kanina. Hindi ko akalaing ang kaibigan kong ito ang sasagip sa'kin rito. At mukhang seryoso talaga siya dahil hindi na Jadylynda ang tawag niya sa'kin.

"Ahhh ikaw yung may-ari nung nin-" hindi na itinuloy pa ang sasabihin nito ng dali-dali akong hilahin ni CJ at sumigaw ng tulong. 

Agad namang may lumapit na guard sa amin at hinabol yung mga nang-api sa akin. 

"Kung hindi pa pala ako pumasok ngayon, walang tutulong sa'yo?" iritableng wika nito sa akin. 

"Buti na lang pala at pumasok ako at nakita ko yung mga yun, buti na lang narinig kagad ni Kuya Mario yung sigaw ko" pagmamalaki niya kaya naman napatawa ako. 

"Bakit ba hindi mo sila nilabanan Jade o kaya bakit hindi ka humingi ng tulong" balik sa seryosong tono niya. 

"Nahihiya kasi ako" simpleng sagot ko kaya agad napakunot ang noo niya. 

"Hindi sa lahat ng pagkakataon pwede mong itaglay 'yan kasi mapapahamak ka. Wag kang mag-alala hindi ito palalagpasin ng school"

Dear Brain,

Paano ba hindi mahiya? Nahihiya ako sa tuwing may ibang lalapit sa'kin. Nahihiya ako kapag hindi ko sila kilala. Nahihiya ako kasi ayoko ng madaming atensyon. Mahiyain lang talaga ako. At hindi ko akalaing pwede pala akong maipahamak ng pagiging mahiyain kong ito.

-Jade

Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon