Jade's POV
Mahabang pagkwekwento ko kayna Scian at Maira. Kasalukuyang recess ngayon at nandito kami sa canteen para dito kumain at magpalipas oras. Kaya ako nagkwento sa kanila dahil bigla-bigla na lang akong umalis sa bahay nina Scian ng hindi nagpapaalam ng maayos, ni hindi ko na nagawang magpaalam may manang. Kaya naman kaninang umaga ay alalang alala sila sa'kin. Hindi din naman kagad ako nakapag kwento dahil dumating na ang first period teacher namin kanina, kaya naman ngayon lang ako nakapag kwento sa kanilang dalawa.
"Grabe na 'yang kakambal mo ha! Ikaw na nga nagmamagandang loob sa kanya!" agad na puna ni Maira tungkol sa kinwento ko sa kanila.
"Tama na Maira" pananaway no Scian sa kanya.
"Anong tama na?! Hindi niya ba nakikita na sobrang pinapahalagahan ng kaibigan natin iyang kapatid niya?! Tapos siya pa ganon ganon lang?!" iritableng usal pa din ni Maira.
"Kalma Maira, kalma" pagpapatuloy pa din ni Scian.
"Paano ako kakalma Scian, paano?! Sobra na ang kamalditahan niyang Jace na 'yan! Nakakainis na!" walang paawat na sambit ni Maira.
"Aminado din naman akong nakakainis na si Jace pero wag kang maging exaggerated!" pananaway pa din ni Scian kay Maira. Huminga na lamang ng malalim si Maira at hindi na umimik pa, natauhan na ata.
"May balak ka pa bang magsalita Jade? Ang tahimik ko ah" puna ni Scian. Nginitian ko na lamang siya dahil may malalim akong iniisip ngayon. At tungkol iyon sa dalwang taong mahalaga sa buhay ko.
Itutuloy pa kaya ni CJ ang pinaplano niya sa kakambal kong si Jace?
Kung oo, paano ko mapipigilan yun?
Ano na ba ang dapat kong gawin?!
"JADE!" dumagundong ang sigaw nina Scian at Maira sa buong kantina at dahil don halos lahat ng tao ay nakatinggin na sa'min ngayon.
Sheesh, ayoko ng madaming atensyon.
Sinamaan ko ng tinggin ang dalawa kong kaibigan dahil sa ginawa nila. Kagad namang nagpeace sign ang dalawa at napakamot sa kani-kanilang batok.
"Bakit ba?" inis na bulong ko sa kanila.
"Kanina ka pa kasi naming tinatawag" tugon ni Maira.
"You're spacing out Jade!" dagdag pa ni Scian.
"Wag mo nga akong maenglish-english diyan!" pagmamaldita ko dito.
"Parang hindi ka naman nag-eenglish" sabat ni Maira.
"Oo nga!" pagsang-ayon pa ni Scian.
"Ginagawa ko lang yun for practice! Kaso hindi ko pa din mamaster-master! Nakakainis lang!" matinding sumbat ko sa kanilang dalawa, tumungo na lamang sila at umaktong zinipper ang kanilang mga bibig.
"Hehe sorry" wika na lang nila.
"Bakit niyo ba ako tinatawag, ha?" pagbabalik ko ng tunay na topic.
"Wala itatanong lang sana namin kung ano na ang plano mo ngayon" pagsagot ni Maira sa aking katanungan.
Napabuntong hininga na lamang ako dahil wala akong naiisip na kahit ano.
"Ang hirap pa naman hagilapin ng CJ na yun. Miski isa sa kanilang tatlo ay walang presensya dito sa canteen" nanlulumong banggit ni Scian kaya naman mas lalo akong nawalan ng pag-asang sagipin ang kapatid ko sa kapahamakan.
"Wag ka ngang magpaka-nega Scian! Mas lalo mong pinag-aalala si Jade eh" ngayon naman ay si Maira na ang nananaway sa aming tatlo.
"Sorry di ko mapigilan"
"Kung hindi natin mahagilap si CJ edi si Jace ang dapat nating hanapin, tutal siya naman ang target di ba?" suhestiyon ni Maira at lahat kami'y nagkasundo sundo sa suggestion niya.
At dahil vacant time naman namin ang sunod pagkatapos ng recess, kagad na naming pinuntahan ang classroom nila Jace.
Section 3
Ang nakaukit sa labas ng doorway ng classroom nila.
Kagad kaming nagtagong tatlo ng mapansin namin ang presensya ni Jace, kasama ang mga so-called friends niya. At hindi nagtagal ay natanaw nang mga mata ko si CJ. Nakasandal sa pader at parang naghahanap lamang ng tamang tyempo para lapitan ang kakambal ko.
Pero nakapasok na sa loob ng classroom sina Jace, wala pa ding kibo ang lalaki. Nakatanaw lamang siya sa pintuan at patuloy na nakasandal ang likod sa pader.
Bakit ba siya nakatanaw kay Jace? Totoo nga ba talaga ang pinost niya sa socmed niya? Pero kung totoo yun bakit hindi niya pa nilalapitan ang kapatid ko? Ngunit patuloy pa din siyang nakatanaw rito. Tinatanaw niya mula sa malayo ang kapatid ko, gaya ng pagtanaw ko sa kanya ngayong magkalayo na kami ng literal at magkalayo na kami ng loob.
Ang dami kong tanong at ni isa sa mga iyon ay wala akong masagot.
Gusto niya ba ang kapatid ko? Balak niya bang seryosohin ito kaya hanggang ngayon ay hindi niya pa nabibiktima ito? Seseryosohin niya ba si Jace kaya nakatanaw lamang siya dito, sa halip na kanina niya pa dapat nagawang paglaruan ang kakambal ko.
May kung anong bumigat sa dibdib ko ng maisip ko ang posibilidad na iyon. At kusang nagkone-konekta ang mga nalaman ko at nakita ko.
Gaya ko, si CJ nakatanaw sa malayo dahil sa hindi kayang lapitan ang tinatanaw. Kung ako dahil sa takot na harapin siyang muli dahil alam kong galit siya sa'kin. Siya kaya? Ano kaya ang dahilan niya kung bakit hindi niya malapitan si Jace? Dahil natotorpe siya? Di'ba kapag natotorpe ang isang lalaki ibig sabihin noon seryoso sila sa babaeng kinatotorpehan nila?
Itinigil ko na ang pag-iisip dahil sa bawat iniisip ko mas lalo lang akong nasasaktan.
"Jade" malumanay na pag tawag ni Maira sa pangalan ko.
"Tahan na, Jade" alo naman ni Scian at inabutan ako ng panyo. Taka ko yung tininggnan pero ng kapain ko ang mukha ko doon ko lang narealize na naiyak na ako. Kinuha ko ang alok na panyo ni Scian at pinunas iyon sa mukha ko. At pagkatapos walang pasabing tumayo at dire-diretsong umalis sa pwestong iyon. Ramdam ko pa ang pagtataka nilang dalawa pero wala namang silang nagawa kundi sundan ako.
****
Lumong-lumo at malungkot akong umuwi sa bahay namin. Simula ng mapagkone-connect ko ang mga nangyayari kanina, naging ganito na'ko. Miski ang mga simpleng pagtatanong nina Maira at Scian ay hindi ko na masagot dahil nalulunod ako sa nararamdaman kong sakit. Nasasaktan ako kahit wala namang rason para masaktan.
Ang hirap palang tumanaw sa malayo, kasi hindi alam ng tinatanaw mo kung ano ang totoong rason kung bakit mo siya tinatanaw. At hindi niya din malalaman na sa pasimpleng pagtanaw mong iyon unti-unti ka nang nasasaktan kasi may tinatanaw na siyang iba. At ang mas masakit pa don, ang taong isa mo pang pinapahalagahan ang tinatanaw ng taong gusto mo.
"I told you naman ate Jade eh, fake news lang yun. Baka naman nahack or something lang yung account niya nung pinost niya iyon" ang tinig na nagmula sa kapatid ko na nasa likod ko na pala.
"And besides I'm not that dumb to fall to his stupid acts. Hindi porket nikawasa section 3 ako ay bobo na'ko" dagdag niya pa at parang may pinapahiwatig pa siyang iba pero masyado na'kong pagod para intindihin 'yun.
"Edi mabuti, kaya mo na ang sarili mo 'di gaya ko" nasabi ko na lamang bago ako pumanhik sa kwarto. Hindi ko na nagawang tinggnan pa ang reaksyon niya dahil ang tanging tumatakbo lang sa utak ko ay ang napagkone-konekta ko.
Dear Brain,
Magiging selfish ba ako kung ipagpapatuloy kong tumanaw sa kanya ga'yong alam ko na namang may tinatanaw na siyang iba? Magiging selfish ba ako kung ipagpapatuloy kung tanawin si CJ, gayong alam ko na namang tinatanaw niya na ang kakambal kong si Jace?
-Jade.
BINABASA MO ANG
Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)
Teen Fiction{Bad Love Series#2} STORY BETWEEN TWO STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. CLARK JAMES VALEROS, THE PLAYBOY, AND JADYLYN MAE RODRIGUEZ, THE MALDITA. THOSE TWO ARE CHILDHOOD BEST FRIENDS BUT THEIR FRIENDSHIP WAS RUINED FOR AN UNKNOWN REASON. JADE IS AN MALDI...