<45> Kutob

4 3 0
                                    

Jade's POV

Nagpatuloy na ang klase pero hindi ko magawang magfocus ni isa sa mga 'yon dahil okupado ang isipan ko tungkol sa mga kutob ko tungkol kay Mey. Hindi kaya sinisiraan niya lang ako sa kakambal ko? Tapos galit pa sa'kin si Jace kaya naman kagad niyang pinaniwalaan ang mga pinagsasabi nito. Hindi nagtagal ay nakita ko ang paglabas ng huli naming teacher para sa morning period. Mabuti na lang talaga at hindi naman ako sinita ng mga teachers at wala namang recitation na naganap. Ganoon lang ang takbo ng utak ko hanggang sa mapakinggan ko ang pagtunog ng bell na nagsasabing lunch time na namin. 

Wala sa sariling tumayo ako pero napaupo lang ulit ng magkabanggaan kami ng katawan ni Scian, mabuti na lang at agad siyang naalalayan ni Maira dahil hindi ko na talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya. 

"Okay ka lang Jade, hindi naman masakit ang impact?" alalang tanong ni Scian. 

"Ayos lang ako, medyo nabigla lang" sagot ko naman dito. 

"Bakit naman kasi bigla ka na lang tumayo, nagkasakitan pa tuloy kayo" iiling-iling na sabat ni Maira. 

"Sorry naman pupuntahan ko kasi kayo para manghingi ng tulong" tugon ko sa kanya. 

"Eh kayo ba bakit nandiyan na kagad kayo sa harapan ko?" pagtatanong ko naman sa kanila.

"Nawawala ka kasi sa mundo kanina, para kang zombie na nag-iisip kung paano makakakuha ng utak ng tao" walang kwentang sagot ni Maira kaya naman inirapan ko siya. 

"Biro lang" pahabol niya pa. 

"Nawawala ka kasi sa sarili mo, parehas namin napansin ni Maira 'yun kaya naman kagad ka naming pinuntahan para kausapin ka" matinong sagot ni Scian. 

"Tulungan niyo ako" walang paligoy-ligoy kong sambit sa kanila. 

"Ha, saan?" sabay nilang tugon. Agad ko namang sinalaysay sa kanila ang hinala ko, at tahimik lang silang nakinig doon. 

"Teka sino ba 'yang Mey na 'yan? Paano mo nasabing siya may gawa non?" tanong ni Maira pagkatapos kong sabihin sa kanila ang kutob ko. 

"Oo nga naman, nagmumukha ka kasing judgemental eh" pagsang-ayon pa ni Scian. 

"Kaklase ko si Mey dati, kaklase namin siya ni CJ noong elementary" sagot ko sa katanungan nila. 

"At kaya ko nasabi 'yun kasi nagawa niya na 'yun dati. Sinubukan niyang siraan ako kay CJ, pero hindi siya pinaniwalaan ni CJ noon" pagpapatuloy ko. At nagkwento pa ng kaunti tungkol sa mga nalalaman ko kay Mey, pati 'yung napakinggan kong pag-uusap sa hallway sinabi ko na din sa kanila para makuha nila ang point ko. 

Hindi naman nagtagal ay napagkone-konekta na nila ang sinasabi ko kaya naman mas lalo nilang naiintindihan ang kutob kong ito. 

****

Dahil lunchbreak na naisip namin na baka nandoon ulit sina Jace kasama si Mey, sa canteen. Sa totoo lang wala kaming matinong plano kung paano mapapatunayan na totoo ang kutob ko, pero napag-usapan namin na iobserve ng mabuti si Mey dahil hindi namin sigurado kung ano talaga ang intensyon niya sa kakambal ko. 

Kaso pagpasok namin sa loob hindi namin nakita si Jace pero ang totoong pakay namin nandidito. May kasamang iba si Mey at sa pagkakatanda ko sila din ang kasama niya noong nakasalubong ko sila sa hallway. Silang apat na pinag-uusapan ang kapatid ko na parang may pinaplano silang hindi ko magugustuhan. Mas lalo tuloy lumakas ang kutob ko dahil silang apat lang ang magkakasama at wala si Jace, kahit na magkakaibigan sila sa pagkakaalam ko. 

Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon