Jade's POV
Hindi ko nasagot ng diretso ang mga tinanong ni Clyde sa'kin. Kaya naman napressure ako dahil bukod sa sunod-sunod ang binigay niyang tanong sa'kin, mga bigating tanong pa. Wala akong pinagsabihan ng nangyari sa pamilya namin maliban kayna Scian at Maira, kaya naman hindi ko siya masagot ng ayos. Pero dahil nahihiya akong walang sagutin, ang tanging sinabi ko na lamang ay ang pinakasafe na answer.
Akala ko wala nang mas ihihigit ang pressure na nararamdaman ko pero nang may mapakinggan akong sigaw ay mas lalo akong napressure sa nakita kong 'yon.
"DON'T ASSUME TOO MUCH, I'M NOT STARING AT YOU!" hiyaw ng 'di ko inaasahang tao, ni CJ. Nasa kabilang kubo lamang siya ng inuukupa namin ni Clyde. At may kasama siyang babae doon, at mukhang 'yon ata ang sinisigawan niya.
"Look Miss, I don't like nerdy girls. You're not my type. Hindi ka pasok sa standards ko" huling pasabi pa nito bago tuluyang umalis sa kubong 'yon. Agad namilog ang mata ko ng tapunan niya kami ng tinggin ni Clyde pero umalis na din naman siya.
Ang pinagtataka ko lang ay bakit siya nandoon sa katabing kubo?
Sinundan niya ba ako?
Ang assuming mo naman Jade. Hindi ba pwedeng kadate niya lang 'yong babae don kanina?
Eh bakit niya sinigawan at sinabihan ng kung ano-ano?
Baka naman nainis lang siya o ano. Sheesh, 'wag ka ngang assumera Jade! Tingnan mo ang nangyari kay Maira dahil sa pagiging assuming niya!
****
Gaya ng napagkasunduan, kahit wala akong maalala na pumayag ako, magprapractice kami ni CJ sa kahit saan o kailan man niya gusto. Dahil daw pumayag siyang makipagkita ako kay Clyde kesa sa simulan na naming gawin 'yong task na binigay sa'min.
Pero ang pinagtataka ko lang ay bakit wala pa kaming ginagawa hanggang ngayon? Nakatambay lang kami sa 'di ko malamang lugar pero nasa loob pa din siya ng campus. Medyo malayo ang lugar na 'to sa mga buildings ng Memorial High, pero gusto ko ang ambiance ng lugar na pinagdalhan ni CJ sa'kin. Pero ang point ko lang, kung nandito kami para magpractice bakit wala pa din kaming ginagawa hanggang ngayon?
"B-Bakit hindi p-pa tayo n-nagsisimulang magpractice?" pambabasag ko sa katahimikan. Pansamantalang nilunok ang kahiyaan dahil kung hindi ay madadawit ang grades ko at ayaw ko namang mangyari 'yon.
"Kanya-kanyang practice" ang tanging sinabi nito kaya naman naguluhan ako.
"Huh?"
"Alam mo na naman ang kakantahin natin di ba? Dati by Sam Conception, imposibleng hindi mo alam ang lyrics noon" wika nito pero hindi ko pa din makuha ang point.
"Eh kung ganon bakit dinala mo pa ako dito?" nagtatakang tanong kong muli.
"Bakit makikipagkita ka na naman kay Clyde?" bwelta nito na pinagtaka ko pa lalo.
"Ano bang pinagsasabi mo? Bakit nadamay si Clyde dito?"
"Kapag siya okay lang na samahan mo tapos kapag ako hindi? Ang unfair!" parang batang nagtratrantums na saad nito.
"Ano bang pinagsasabi mo ha?" ngayo'y inis na tanong ko sa kanya.
"Tapos siya alam na 'yong rason kung bakit ka umalis ng basta-basta. Tapos ako hindi?" doon ako napatigil sa sinabi niyang 'yon.
Mukhang sinundan niya ako at pinakinggan pa ang usapan namin ni Clyde.
"Ako na pinaghintay at pinaasa mong babalik ka kagad?" dagdag pa nito kaya naman napalunok ako ng 'di oras.
"Aalis na'ko" ang tanging sinabi ko at nagmamadaling umalis na doon dahil hindi pa ako handang pag-usapan ang nangyari noon.
"Lagi mo na lang akong iniiwasan Jade! Harapin mo naman ako!" awtomatiko akong napahinto ng sabihin niya 'yon.
"Hindi pa ako handa" ang tanging nausal ko rito at pinipigilan ang pagpatak ng mga luha at akmang tatakbo sana ng maramdaman kong may nakakakapit na sa braso ko.
"Hanggang kailan ba Jade? Kailan ka pa magiging handa?" mariing tanong nito at nang tinggnan ko siya mata kitang-kita ko ang kalungkutan niya.
"Nagawa kong hintayin ka kasi 'yon yung sabi mo eh. Nagawa kong pilitin ang sarili kong mag-aral kung paano kumanta kasi 'yon yung hilig mo eh, gusto kong sabayan 'yon kasi ginawa mo ding sabayan ang paglalaro ko. Nagawa kong matutunang magrap kasi gusto kong makanta natin ng buo 'yong theme song natin, pero noong pwede na sana nating makanta 'yon mas pinili mong puntahan si Clyde" umiiyak na sambit nito sa'kin kaya naman hindi ko na napigilang pumatak ang mga luha ko.
"Sorry" ang tanging nasabi ko dahil hindi ko kinaya ang rebelasyong naganap.
Ginawa niya 'yon para sa'kin? Bakit? Bakit andami niyang ginawa para sa'kin tapos ako? Sinaktan ko lang siya, pinaasa, at hanggang ngayon parang yun pa din ang ginagawa ko.
Bakit wala akong nagawa para sa kanya? Bakit nasaktan ko pa din siya sa naging desisyon ko noon?
"At higit sa lahat nagawa kong igive up yung hilig ko, kasi wala na yung number one fan ko eh. Para san pa kung maglalaro ako di ba? At akala ko babalik ka na noon kasi malalaman mong hindi na ako naglalaro. Pero hindi eh, walang Jadylynda'ng bumalik sa'kin" doon na ako natuluyan.
"Gusto ko lahat. Kasi sa paglalaro na lang ako nagiging ako. 'Yung paglalaro na lang ang nagagawa ko na ako mismo ang pumili. Yung paglalaro na lang ang kasiyahan ko sa buhay"
"Yung paglalaro, doon na lang ako nagiging malaya. Kaso nasira naman yung regalo sa'kin dati ng kaklase ko noong kinder na pangbadminton. Sinubukan ko magpabili pero hindi nila ako pinansin. Gusto kong bumili ng bola pero ni minsan hindi nila ako pinagbigyan. Mga kaklase ko na nga lang noon mga kalaro ko eh"
Ang paulit-ulit na rumehistro sa isipan ko, na naging dahilan ng lalong pagkadurog ko.
"Sinisisi ko ang sarili ko dahil akala ko kaya mo ako nagawang iwan kasi inamin ko 'yong nararamdaman ko para sa'yo sa harap ng madaming tao. Kasi ayaw mo ng spotlight di ba? Nainggit lang naman ako kay Clyde noon kasi siya na yung palaging sinasamahan na dapat ay ako" pagpapatuloy niya pa din.
"Sorry, hindi ko alam, sorry" paulit-ulit na paghingi ko ng paumanhin sa kanya.
"Gusto ko lang namang bumalik 'yong kaibigan ko, yung taong palaging sinusuportahan ang lahat ng ginagawa ko. Yung palaging sinasakyan ang trip ko sa buhay. Yung babaeng hinangaan ko. Yung Jadylynda ko"
"Okay naman na, tapos na eh. Wala nang magagawa pa" para dinambahan ang puso ko ng sabihin niya 'yon.
"No please" pagsusumamo ko sa kanya. Nakokosensya ako kasi nagsinungaling ako sa kanya noon, kung sana sinabi ko lang ang totoo hindi dapat magiging ganito. Nagui-guilty ako kasi nagawa kong pag-isipan siya ng masama, na gagawin niya din akong isa sa mga koleksyon niya. Na ang pagtulong niya sa'kin sa ulan noon ay ang way niya para pahulugin ako. Na ang pagsubok niya sa'king lumapit noon ay iniiwasan ko lang at nagawa ko pang pagmukaing masama siya sa mata ni Maira. Pero ang totoo gusto niya lang namang bumalik ang dating pinagsamahan namin.
"Doon ka na lang kay Clyde, tutal ayaw mo naman na sa'kin" ang huling pasabi niya bago tuluyang nawala sa lugar na 'to.
"HINDI TOTOO 'YAN! IKAW LANG! IKAW LANG NAMAN YUNG NAGUSTUHAN KO" lakas loob na pagsigaw ko pero huli na ang lahat dahil napakalayo niya na sa'kin.
Hanggang tanaw na naman ako sa kanya.
Sawa na'kong hanggang doon lang ang nagagawa ko.
Dear Brain,
Kung hindi pa ngayon, kailan pa? Kung hindi ako, sino? Hanggang kailan pa ako magiging ganito? Hanggang kailan ko pa sasaktan ang taong nagawang hintayin ako at gawin ang mga bagay para sa'kin para lamang bumalik ako?
Hanggang kailan pa kitang sasaktan James?
-Jade.
BINABASA MO ANG
Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)
Teen Fiction{Bad Love Series#2} STORY BETWEEN TWO STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. CLARK JAMES VALEROS, THE PLAYBOY, AND JADYLYN MAE RODRIGUEZ, THE MALDITA. THOSE TWO ARE CHILDHOOD BEST FRIENDS BUT THEIR FRIENDSHIP WAS RUINED FOR AN UNKNOWN REASON. JADE IS AN MALDI...