<29> Last Pair

8 3 0
                                    

Jade's POV

Tatlong minuto na ang nakalipas pero nakatanga pa'din kami ni James. Ni isa sa amin ay walang nagbalak na umimik. Kahit na ako, na napakadaming salitang pwedeng bitawan ay hindi ko magawang magsalita dahil alam kong may kasalanan ako sa kanya. Pero paano na yung palaro ni ma'am? Baka mamaya malagot kami kasi hindi kami nakinig sa directions niya. Tapos baka isa pa sa'min ang matawag, ayokong mapahiya. Nakakahiya na nga ang pumunta sa unahan mas nakakahiya pa 'yung wala kang masabi. 

At dahil ayokong mapahiya ako na ang nagpakumbaba, ako na ang nagsimula ng mapag-uusapan. 

"J-James" pagtawag ko ng atensyon niya. 

"CJ" malamig na pananalita niya. Ang lakas loob na kinuha ko lang pansamantala ay agad na nawala. 

"CJ ang pangalan ko" dagdag niya pa kaya napalunok na lamang ako. 

Galit ba siya sa'kin? 

Deserve mo naman Jade.

Ikaw kaya ang magsinungaling na babalik ka. 

"Ah okay CJ" alinlangan kong sabi dahil hindi nga ako sanay. 

"Pwede na ba natin simulan 'yung pinapagawa ni ma'am kasi ayoko namang mapahi-"

"Wag na hindi na naman kailangan, kilalang-kilala na naman kita. Alam na alam ko na ang mga kaya mong gawin, at isa na don ay ang pagsisinungaling. Ang galing mo nga eh, siguro top one ka doon" bawat salitang binitawan niya ay ang bawat pagtusok sa puso ko. 

"Oh bat ganyan itusra mo? Nasasaktan ka? Sabagay sabi nga nila 'truth hurts'" sarcastic na pagkakasabi niya. Lalo lang akong nasasaktan kasi nagbago na siya, hindi na pala siya ang James, este CJ na kilala ko. Hindi na siya 'yung nag-iisang kaibigan ko noon. 

Sabagay, ang tagal ko din namang nawala sa buhay niya. Hindi ko na talaga siya kilala. 

"Ang laki nang pinagbago mo, hindi na kita makilala" bulong ko sa hangin, pero mukhang napalakas ata dahil napakinggan niya ito. 

"Madami ka ng hindi alam tungkol sa'kin. Iba na'ko ngayon. Ibang-iba na sa inaakala mo. At ang sisihin mo ay 'yang sarili mo kasi ikaw ang may dahil ng pagbabago kong ito" sumbat niya sa'kin.

"Sorry" pagbabakasali ko. 

"Wala nang magagawa 'yang sorry mo. Matagal na'kong nagbago" ang huling katagang binitawan niya at ang pinakatumagos sa puso ko. 

"Time's up" rinig kong sigaw ni ma'am. 

Pinabalik na ulit kami sa dating seating arrangement namin. Kung saan nakaupo sa tapat ko si Scian. Kitang kita ko sa mga mata niya nag-aalala na siya sa'kin pero nginitian ko na lamang siya ng pilit kahit na isang pitik na lamang ay iiyak na ako. 

Napilitan na lamang si Scian na humarap sa unahan para pakinggan ang unang pinili ni ma'am para magshare ng mga nalaman niya tungkol sa mga naging kapartner niya sa laro. Tahimik lang ako sa kinauupuan ko at pinipilit na makinig sa unahan para naman maalis ang pag-iisip ko tungkol sa pinag-usapan namin ni James este CJ kanina. 

Nakakalungkot lang isipin na hindi ko na siya pwedeng tawagin sa nakasanayan ko. 

Kahit na nakatinggin ako sa unahan ay wala akong naintindihan tungkol sa mga pinagsasabi ng mga kaklase ko. Pasok sa isang tainga labas sa kabila. Ganon lang ang naging sistema ko sa naunang apat na nagshare ng mga nalaman nila. Hanggang sa tumapat sa panglima at iyon na ang panghuli. 

"Clark James" pagtawag ni ma'am sa pangalan niya. Agad akong nakaramdam ng kaba dahil hindi kami nagtanungan kanina. 

"CJ na lang po ma'am" energetic na wika niya pagkapunta niya sa unahan. 

Bakit parang sa'kin lang siya nag-iba? Bakit 'yung pakikitungo niya sa iba ay ganoon pa din katulad ng noon?  

Sabagay ako lang naman ang kinagagalitan niya.

"Okay CJ, ishare mo na!" nang sabihin 'yun ni ma'am ay nagsimula na siyang magsalita ng tungkol sa unang partner niya, sumunod ang pangalwa, at nang matapos lalo akong kinabahan dahil ako na ang panghuling partner niya. 

"At 'yung panghuli naman po ay si Jade, ang buong pangalan niya ay Jadylyn Mae Rodriguez" panimula niya tungkol sa'kin. At di nagtagal ay tumingin siya ng diretso sa gawi ko at sinabi pa ang ibang tungkol sa'kin. 

"Mahiyain po siya pero handa niya pong ipaglaban ang mga naapi. Kaso ayaw niyang nakikita ng iba ang kabutihang nagagawa niya dahil ayaw niya ng spotlight. Mahilig din po siyang kumanta pero ayaw ishare sa iba ang talento niya dahil sa pagiging mahiyain niya. Yun lang" para akong nakahinga ng maluwag ng may nasabi siya tungkol sa'kin. At may kung anong humaplos sa puso ko dahil kilala niya pa'din ako kahit na matagal na panahon na nag lumipas. 

Pero ang tinggin niya sa'kin kanina na maayos ay naging masama at parang kinasusuklaman niya ako kahit na wala naman akong ginagawa sa kanya. 

"Okay, goodbye class" pagpapaalam ng guro at lumabas na sa classroom. 

Hindi pa nadating ang panghuli naming subject teacher para sa umagang ito kaya naman tahimik lang kaminng naghihintay sa kanya. Hindi kami pwedeng mag-ingay dahil may cctv na nanonood sa bawat kilos namin. Kung may mag-uusap man dapat na bulungan lamang iyon. 

"Jade!" mahinang pagbulong ni Scian sa'kin. 

"Bakit?" sagot ko pabalik. 

"Sa'min ka na sumabay maglunch ha?" 

"Sino pa 'yung isa?" 

"Secret" tinawanan ko na lamang siya dahil ayaw niya pang sabihin sa'kin kung sino pa 'yung isasama niya. Baka mamaya hindi niya ako magustuhan. 

Nagring na ang bell bilang senyales na lunch break na. Wala manlang dumating na teacher. 

"Scian restroom muna ako ah, hintayin mo'ko dito" pakiusap ko sa kanya. 

"Sige" tamad na sagot niya. 

Pagkalabas ko ng banyo laking gulat ko ng nandoon si CJ. At mukhang may inaantay siya rito. Ako ba 'yon?

Sheesh Jade, ang assuming mo naman.

Lalagpasan ko na sana siya ng magsalita siya. 

"Wag kang masyadong magpakasaya Jade, dapat pasalamatan mo pa ako dahil hindi ko binuyag sa buong klase na napakasama ng ugali mo. 'Wag mong isipin na kilalang kilala pa kita tulad ng noon. Kasi simula ng pagsinungalingan mo'ko, hindi na kita kilala" mahabang lintaya niya. 

Hindi ko na napigilang humarap sa kanya at lumingon muna sa paligid bago ko patulan ang matalas na pananalita niya. 

"Inaano na ba kita ngayon? Hindi na nga kita nilalapitan eh. Ano bang gusto mong iparating sa'kin, ha?" bakas na sa pananalita ko na naiinis na'ko kahit na nasasaktan na ako sa loob-loob ko dahil ibang-iba na siya akala ko. 

"Na ang lahat ng babae ay paasa" malamig na tugon niya na ikinagulat ko. 

Siya pa 'to? Siya pa ba yung kaibigan ko noon?

Hanggang ngayon ay palaisipan pa'din sa'kin ang mga huling sinabi niya bago umalis kasama ng hinihintay niya sa CR. Ibang-iba na talaga siya kasi may girlfriend na kagad siya kahit na unang araw pa lamang ng school. 

Wala sa sariling napaupo ako sa kinatatayuan ko at napahagulgol na lamang. 

Ang laki ng galit niya sa'kin. Sa'kin lang nag-iiba ang pakikitungo niya.

 Hindi ko na siya malapitan katulad ng noon. Ang lapit lapit niya lang pero hindi ko siya maabot. Ang laki nang pinagbago niya, pero kahit na ganoon umaasa pa'din ako na magkakaayos kami. 

Dahil umaasa ako na may natitirang pag-asa pa para maibalik namin ang dati naming pagkakaibigan.


Dear Brain,

Mali ba ang iniisip ko ngayon? Masama bang isipin na pwede pa kahit yung friendship lang? Kahit hindi na 'yung nararamdaman niya para sa'kin noon? Kahit 'yun lang pwede pa ba? 

-Jade.

Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon