Jade's POV
"Jade ano 'yang dala-dala mo?" nagtatakang tanong sa akin ni James pagkapasok ko sa bahay nila. Siya lang ang nag-iisa dito ngayon dahil sina tito at tita ay nasa kanya-kanyang trabaho. Ngayon ang huling araw ng bakasyon namin bago magpasukan ulit, grade three na kami bukas! Naeexcite ako dahil kapag grade three student ka na pwede ka nang makilahok sa mga extra curricular activities, wala akong planong sumali sa kahit ano doon pero naeexcite ako kasi pwede na kaming makinood sa mga ganoon. Hindi ako naeexcite para sa sarili ko, naeexcite ako para kay James kasi pwede na siyang sumali sa Intrams! Pwede na siyang maglaro, magagawa na niya yung gawaing sarili niya mismo ang may gusto. Walang pumipilit sa kanyang gawin, yung tipong gagawin niya kasi may choice na siya. At handa akong suportahan ang pansariling gusto niya.
Ako ang number one fan niya.
"HAPPY BIRTHDAY!" masayang bati ko sa kanya kaya nagulat siya, at halatang di makapaniwala.
"Anong klaseng reaksyon yan?" natatawa kong tanong sa kanya.
"Ano bang date ngayon?" nagtatakang tanong niya pa sa'kin. Agad nagkunot ang noo ko, birthday niya hindi niya alam? Di'ba siya dapat ang unang makakaalam noon?
"June 1" nagtataka man ay sinagot ko pa din ang tanong niya.
"Ayyyy nakalimutaaan koooo! Birthdaaay ko nga pala ngaaaayoooon" ngayon ay full of excitement na ang boses niya at nagsimula na siyang magtatalon. Pero unti-unti yung nawala, at ang ngiti niya ay napalitan ng simangot.
"Oh bakit?" agad na tanong ko sa kanya.
"Birthday ko ngayon, pero mukhang hindi naman nila naalala" malungkot na tugon nito kaya agad rin akong nakaramdam ng lungkot. Kahit hindi niya sabihin kilala ko kung sino ang tinutukoy niya.
"Jade, ikaw lang yung nakaalala, buti ka pa. Sina Mama o Papa manlang hindi nila alam" dagdag niya pa. Hindi nga ako nagkamali na dahil kayna tita at tito ang pagkakalugmok niya ngayon.
Masayahin, makulit, at hyper si James. Minsan nga lang ay may pagka-OA at pagka-isip bata pero yun siya eh, ano pang magagawa ko di'ba? Wala akong magagawang iba kundi tanggapin kung sino siya. Pero sa likod ng mga ngiti, tawa, at ugali niya ganoon, heto siya sa nakikita ko ngayon. Malungkot, malumbay, at palaging nag-iisa sa isip niya. Sa tinggin ko nga ay school na lang siya nakakapag-ingay eh, kasi pagdating dito sa bahay nila wala naman siyang makakausap na iba.
"Wag ka nang malungkot, dapat masaya ka ngayon. Kaya nga Happy Birthday, di ba?" pagpapagaan ko ng loob niya.
"Sorry, hindi ko lang kasi mapigilang isipin na wala silang pakialam sa'kin" malungkot pa ding tugon niya. Napabuntong hininga naman ako at nilibot ang tinggin sa bahay nila. Naghahanap kung anong pwedeng makapagpasaya sa kanya. Hanggang sa mapadako ang tinggin ko sa dala ko. Agad akong napangiti at walang pasabing inabot kay CJ yun.
"A-Ano 'to? Para sa'kin ba talaga ito?" hindi makapaniwalang tanong niya. Paano kasi 3 ang binigay ko sa kanya.
"Regalo ko sa'yo 'yan" nakangiting sagot ko na lamang sa kanya at hinayaang buksan ang tatlong regalo na binigay ko sa kanya.
"Teka bakit nga pala ang dami ng bigay mo?" tanong niya habang binubuksan ang isa sa mga regalo ko.
"Tatlo 'yan kasi hindi ako nakakabati sa'yo nung grade one at grade two tayo. Oo noong grade one tapos na birthday mo noong nagkilala tayo pero gusto ko magregalo pa din eh. Tas nung garde two naman tayo, umalis kami noong bakasyon at noong pasukan na ulit nakauwi kaya hindi din kita nabati. Kaya ayan tatlo, isa noong grade one, grade two, at ngayong maga-grade three tayo" pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Hindi ko naintindihan ang paliwanag mo pero salamat ng marami sa mga regalo mo!!!" tuwang-tuwa na sambit nito kaya naman napangiti na lamang ako at hinintay na mabuksan niya lahat ng regalo.
"Hala Jade thank you!" agad siyang napatalon nang makita niya na lahat ng regalo.
Isang Badminton equiment, Isang Soccer Ball, at isang Basketball. Iyan ang regalo ko sa kanya.
"Thank you talaga!" pagpapasalamat niya na naman at bigla na lang akong dinambahan ng yakap.
Gulat man ay niyakap ko siyang pabalik. Pero bakit ganoon, bakit parang nararamdaman ko na naman yung hindi ko maipaliwanag na bagay na yun? Bakit parang ang saya? Pero bakit parang mali?
"Basta sasali ka sa Intrams ngayong school year ha!" wika ko kagad pagkatapos ng aming yakapan.
"Oo naman! Binigyan mo na ako ng ganito eh!" sagot niya kagad at kinuha yung basketball at pinatalbog-talbog ito. Hindi ko mapigilang mamangha sa ginagawa niya. Akalain mo yun kakapanood niya ng ganyan natuto siya ng kaniya.
"Eh ano pa 'yang hawak-hawak mong nakaplastik?" tanong na naman niya sa'kin kaya napatinggin ako sa plastic na hawak ko ngayon.
"Ayy oo nga pala, ito naman daw yung regalo ni Mommy sa'yo" pagsagot ko sa kanya kaya naman dali-dali siyang lumapit sa akin at kinuha ang inaabot kong regalo.
"Hala pang swimming naman!" sigaw niya kagad ng makita ang nasa loob noon. Si Mommy ang kasama ko sa pamimili ng mga pangregalo ko kay James. Tuwang-tuwa pa nga siya eh, kasi reregaluhan ko daw yung kaibigan ko. Ibig sabihin daw noon ay mahalagang-mahalaga talaga siya sa'yo.
At si James ay napakahalaga sa akin. Sobra.
"Pasabi kay tita, salamat ha!"
"Makakarating" sagot ko kagad.
Tuwang-tuwa niyang sinukat ang regalo ni Mommy. At umaakto pa siyang nagswiswimming, kaya naman hindi ko mapigilang tumawa.
"Swimming sa hangin!" loko-lokong saad niya pa kaya naman nauwi kami sa tawanan.
Ngayong nakikita ko na ulit ang James na masiyahin hindi ko mapigilang maging masaya na din. Sa mga simpleng gamit na binigay ko sa kanya napawi kagad ang kalungkutan niya. Hindi man naalala ng mga magulang niya na kaarawan niya ngayon, at least masaya siya ngayong birthday niya. At ang nakakatuwa pa doon ay ako ang dahilan ng kasiyahan niya ngayong birthday niya. It's just a simple gift pero malaki na ang impact sa kanya.
"Tara Jade laro tayong badminton" yaya niya sa'kin.
"Pero hindi ako marunong" pag-amin ko kagad sa kanya.
"Edi tuturuan kita. Bilis na! Para makapractice ako nito" pangungulit niya pa sa'kin.
"Sige na nga" pagpayag ko na lamang dahil ayaw kong sirain ang kasiyahan niya ngayon.
Inubos namin ang oras sa paglalaro ng badminton. Hindi naman pala siya mahirap dahil kelangan mo lang patamain yung shuttlecock sa raketa. Naglaro din siya ng basketball at sinubukan niya din akong turuan pero hindi ko talaga maintindihan kung paano kaya hinayaan niya na lang akong manood sa kanya. Ganoon din ang ginawa niya sa bola ng soccer sinipa-sipa niya yun at naggawa kami ng kunwaring goal. Gusto ko sanang matuto noong soccer kaso natatakot ako, nadala na ako dati muntikan na kasing tumama sa akin yung bola noon. Kaya naman nanood na lamang ako kay James sa paglalaro niya. At huli naming ginawa ay ang pagswimming sa ere. Mukha man kaming mga siraulo dito ngayon, hindi na namin yun inalala pa kasi ang importante masaya kami.
Masayang-masaya kami.
Dear Brain,
Masaya na akong napasaya ko si James ngayong kaarawan niya. Hindi man katulad ng ibang party ang celebration namin at least nag enjoy kami kahit kaming dalawa lang. At dito ko rin narealize na ang pagkakaibigan namin ni James ang pinaka magandang regalo. Kasi hindi siya katulad ng mga materyal na bagay na nasisira. That gift is the best. Sana hindi masira ng ganoon kadali ang pagkakaibigan namin ni James.
-Jade
BINABASA MO ANG
Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)
Fiksi Remaja{Bad Love Series#2} STORY BETWEEN TWO STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. CLARK JAMES VALEROS, THE PLAYBOY, AND JADYLYN MAE RODRIGUEZ, THE MALDITA. THOSE TWO ARE CHILDHOOD BEST FRIENDS BUT THEIR FRIENDSHIP WAS RUINED FOR AN UNKNOWN REASON. JADE IS AN MALDI...