<27> Game

11 3 0
                                    

Jade's POV

"Last pair is John Ashvin and Clark James" 

Akala ko may kapangalan lang ang taong iyon pero kitang kita ng dalawang mata ko na siya iyon. Siyang siya mismo ang James na kilala ko noon. May nagbago lang ng kaunti sa physical features niya pero ang way na pakikitungo niya ay ganoong-ganoon pa din. 

"Talagang sinunod mo ang biro na sinabi ko ah?" puna ni ma'am dito ng makalapit si James sa kanya. 

"Masunuring bata po ako!" parang proud na tugon niya pa. 

Sheesh, so siya 'yung nagsabi non kanina? 

"Hay nako nakakatuwang bata. Siya sige na mag-umpisa na kayong lahat mga anak" sambit pa ng guro. 

"Hoy Jade, napapakinggan mo ba ako?" pagkuha ni Scian ng atensyon ko. Pumitik-pitik pa siya sa ere para mapatinggin ako sa kanya. 

"Ayy hehe" walang kwentang tugon ko rito. 

"Something is fishy, hmmm kilala mo 'yon ano?" pangha-hot seat niya sa'kin agad akong kinabahan pero dapat kong panatiliin ang kalmado kong mukha para hindi niya mahalata na kakilala ko si James. Baka mamaya may gawin pa siyang hindi ko magustuhan. 

"Ha? Sino?" painosente kong tanong sa kanya. 

"Yung tinawag ni ma'am kanina" paglilinaw niya kaya pasimple akong lumunok dahil sa tensyong nararamdaman ko ngayon. 

"Alin don?" pagkukunwari ko na naman. 

"John Ashvin? Kilala mo ba 'yun? Nung tinawag kasi ang pangalan ng last pair nawala na ang atensyon mo sa'kin. Siguro kilala mo 'yon ano?" 

"Hindi ko naman siya kilala, bakit?" pag-iiba ko ng topic. Atleast nagsasabi na ako ng totoo ngayon na hindi ko kilala 'yung taong tinutukoy niya. 

"Para kasing pamilyar siya sa'kin pero hindi ko maalala ng mabuti. Ang labo ng naiisip ko" frustated niyang saad sa'kin. 

Sheesh, safe. 

"Magsimula na nga tayo" pag-anyaya niya sa'kin tanging tango na lamang ang ginawa ko bilang sagot sa kanya. 

Inubos namin ang oras ng halinhinang pagtatanong. Isinusulat niya sa papel ang nalalaman niya sa'kin kaya ginaya ko siya at sinulat na rin ang mga nalaman ko tungkol sa kanya. Kadalasan ay mga favorites ang mga tinatanong namin sa isa't isa. At ang iba naman ay personal info na, hindi din nawala ang family background. Noong una ay ayokong sabihin ang totoong kalagayan ng pamilya namin pero napakademanding niya! May kung anong nagtulak din sa'kin na sabihin sa kanya. Parang naging kumportable na'din naman ako dahil halos lahat ng tungkol sa kanya ay nasabi niya na sa'kin! 

"Anong favorite mong cartoons?" pagtatanong na naman niya. 

"Kasama pa ba 'yan sa laro?" nagtatakang wika ko rito. 

"Oo, sagot na!" o di ba? Napakademanding niya at talagang mapapasagot ka na lang kung ayaw mong tadtadin ng salita. 

"Spongebob" tukoy ko sa paboritong panoorin noong bata ako. Paboritong panoodin namin pala.

"Babae ka pero spongebob ang paborito mo?" hindi makapaniwalang wika niya. 

"Oo, yun kasi ang palaging pinapanood namin ng childhood friend ko" bahagya kong kinurot ang hita ko dahil nadulas ako. 

"Ahhh, ako kasi Winx Club!" nakahinga naman ako ng maluwag ng hindi na siya nagtanong tungkol sa 'childhood friend' ko. Nagkwento naman siya tungkol don sa favorite niyang cartoon. Natuwa naman ako naiimagine ko ang mga kinekwento niya. 

Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon