CJ's POV
Hanggang ngayon hindi pa'din ako makapaniwala na pwede palang may kaparehas na pangalan tas hindi iisang tao. Pwede palang dalawa ang CJ. Pwede pala yun? Ang astigin naman kasi.
Recess na, katabi ko pa'din si Jadylynda ngayon. Kanina ko pa inaalok sa kanya yung fudgee bar ko pero panay tanggi siya. Pero dahil mapilit ako, binuksan ko yun tas sinalpak sa bunganga niya. Ang imposible naman kasi na ayaw niya nito ay paborito ng bayan ang fudgee bar, lalo na kapag chocolate flavor nito.
Kitang-kita ko ang gulat niyang reaksyon at napatinggin pa siya sa'kin. Hindi ko mapigilang tumawa sa nakikita ko ngayon. Punong puno kasi ang bibig niya kaya umumbok yung magkabila niyang pisngi niya. Tas ang amos niya pa, at nahihirapan siyang ngumuya.
"Bakit mo ginawa 'yon?" tanong niya sa'kin ng matapos niya nang lunukin ang sinalpak ko sa kanya.
"Hehe, ikaw kasi hindi mo tinatanggap yung inaalok ko sa'yong fudgee bar. Kaya ayun sinalpak ko na lang sa bibig mo" patawa-tawa kong sagot.
"Kasi naman, nahihiya lang ako" pag-amin niya sa'kin kaya naman napatawa ulit ako.
"Mahiyain ka pa pala sa lagay na yan?"
Umirap na lamang siya sa'kin at nagsimula nang kumain ng recess niya. Agad naman nanliwanag ang mata ko nang makita ko yung baon niya.
"Tinitinggin-tinggin mo?" pagmamaldita niya sa'kin. Agad ko namang tinuro yung nakita ko.
"Gusto mo ng baon ko?" alok niya sa'kin kaya dali-dali akong tumango. Pero agad din akong nanlumo ng buksan niya yung Iced Gem Biscuits, na baon niya. Akala ko hindi niya na ako bibigyan pero laking gulat ko ng isalpak niya din sa bunganga ko ang isang katerba ng tinapay na yun.
"Oh ayan, bawi-bawi lang" tumatawang sabi niya. Sa halip na maasar proud kong nginuya ang mga sinubo niya sa'kin. Favorite ko din ito eh. Nang matapos ay sumipsip ako sa baon kong Zesto na orange flavor. Si Jade naman ay ininom yung Chuckie niya.
Mabili natapos ang araw dahil wala naman kaming masyadong ginawa. Kaya ng uwian na ay prente akong nakaupo sa labas ng pintuan ng classroom namin, hinihintay ko kung sino ang susundo sa'kin ngayon. Habang naghihintay nakatitig lang ako sa mga kaklase ko na maagang sinusundo ng mga magulang. Tas may mga binibigay pang jollibee sa kanila. Buti pa sila ganoon yung mga magulang. Ako kasi parang napipilitan lang silang alagaan ako, parang iba nga ang turing nila sa'kin eh. Minsan ko lang maramdaman na kasama ako sa pamilya nila.
"Bakit wala pa ang sundo mo?" rinig kong tanong mula sa likuran ko, Pagharap ko si Jadylynda lang pala.
"Eh ikaw bakit wala pang sundo mo?" balik tanong ko sa kanya.
"Nandiyan na sila pinuntahan lang ng driver namin yung kapatid ko sa classroom na yun" sagot niya sa'kin at itinuro yung katabi ng classroom namin.
"May kapatid ka pala, ako kasi wala. Eh bakit nandoon yung sundo mo?"
"Nagmaldita daw" iiling-iling na sagot niya sa'kin.
"Grabe naman yun, first day tapos naging ganoon kagad kapatid mo?" nagkibit balikat na lamang siya sa'kin. Sakto namang may lumabas na kamukha ni Jade sa kabilang room.
"Jade paano ka napunta don? Di ba katabi kita ngayon?" natatakot kong tanong sa katabi ko. Baka naman mamaya multo lang pala yung kausap ko kanina at si Jade talaga yung nakikita ko sa kabilang room. Pero paano naman siya makakapunta sa kabilang room eh nandito ang classroom namin?
"Ito nga ako nasa tabi mo" sagot ni Jade.
"Eh sino yung nakikita ko don?" kinakabahan kong tanong muli.
"Hey ate who's that guy beside you? At bakit parang takot na takot siya sa'kin?" pagmamaldita nung nakita ko at lumapit siya sa gawi namin ni Jade.
T-Teka? Ate? Ibig sabihin?
"Hindi ko din alam Jace" tugon ni Jade sa kamukha niya. Teka may pangalan pala yung kamukha niya? Pero bakit magkaiba sila ng pangalan eh magkamukha naman sila?
"Hoy CJ two, ito yung kapatid ko. Kakambal ko siya kaya magkamukha kami" pagpapaliwanag sa'kin ni Jade kaya naman naunawaan ko na ang lahat.
"Ahhhh" tanging nausal ko.
"Let's go na nga ate" pagyaya ni Jace sa kapatid niya.
"Babye na" paalam niya sa'kin bago sila sumunod sa driver na sundo nila.
"Babye Jadylynda!!!" hyper na pagsigaw ko pa kaya naman tumawa pa siya.
Nakaalis na lahat ng mga kaklase ko pero eto ako nandito pa din sa tapat ng classroom namin. Hinihintay ang pwedeng sumundo sa'kin. Hindi ko naman kasi alam kung si Papa o si Mama ang masundo sa'kin dito. Kanina nga lang, pinasakay lang nila ako sa tricycle para makapunta sa school. Hindi naman ako maalam sumakay mag-isa at hindi ko din alam ang address ng bahay namin. Lalo na nang malaman ko kanina na malipat daw kami ng bahay. Hindi ko naman kasi alam yun, hindi pa naman nila pinapakita sa'kin.
Mahigit isang oras na akong naghihintay sa labas ng classroom namin. Akala ko hindi na nila ako susunduin, hanggang sa may lumapit sa'king guard.
"Hijo ikaw ba si CJ Santiago?" pagtanong niya sa'kin.
"Opo kuya guard" masiglang sagot ko rito.
"Halika sumama ka na sa'kin" sabi nito at hinawakan na ang kamay ko pero hinila ko pabalik iyon kasi hindi ko naman siya kilala.
"Oh bakit hijo?" nagtatakang tanong nito sa'kin.
"Hehe hindi ko po kasi kayo kilala kuya guard"
"Ah pasensya na. Ang pangalan ko'y Mario. Kuya Mario na lang CJ" pagpapakilala niya sa'kin.
"Astig naman kapangalan mo si Super Mario kuya!" natutuwa kong sabi at sumama na sa kanya. Kilala ko naman na siya dahil nagpakilala na siya sa'kin, edi pwede na akong sumama sa kanya! Hindi naman siya stranger di ba? Tumawa naman siya sa mga pinagsasabi ko.
Pagdating sa sinasabi ni Kuya Mario na waiting area ay may tao na doon. At laking tuwa ko ng makilala ko kung sino iyon.
"Papa!" tuwang-tuwang sambit ko ng makita kung sino ang susundo sa'kin ngayon.
"Sir ito na ho ang anak niyo" sabi pa ni Kuya Mario bago ako ibigay kay Papa.
"Salamat" yun na lamang sinabi ni Papa bago kami sumakay sa kotse niya. Isa siyang lawyer tas si Mama naman ay architect.
Habang nagdadrive si papa pauwi sa bagong bahay namin ay nakatinggin lang ako sa labas ng bintana. Sinusubukang kabisaduhin ang daan para hindi ako maliligaw. Hanggang sa huminto kami sa isang bahay na simple lang pero may kalakihan.
Dali-dali akong bumababa at tinititigan ang bago naming bahay.
"Ang ganda!" sigaw ko na lamang at tininggnan naman ang paligid namin. Bakit ganoon iisa lang ang katabi naming bahay?
Habang tinitinggnan ko ang paligid ng bago naming bahay ay may lumabas na batang babae sa katabi naming bahay kaya naman agad akong tumakbo doon para magpakilala.
"Hello ako yung bago niyong kapitbahay" masiglang pagbati ko sa kanya. Agad naman nanlaki ang mga mata namin ng makilala namin ang isa't isa.
"Jadylynda?"
"CJ two?"
BINABASA MO ANG
Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)
Teen Fiction{Bad Love Series#2} STORY BETWEEN TWO STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. CLARK JAMES VALEROS, THE PLAYBOY, AND JADYLYN MAE RODRIGUEZ, THE MALDITA. THOSE TWO ARE CHILDHOOD BEST FRIENDS BUT THEIR FRIENDSHIP WAS RUINED FOR AN UNKNOWN REASON. JADE IS AN MALDI...