<79> Semester Break

6 3 0
                                    

James' POV 

"Welcome to Camiguin Island!" pagsalubong namin sa bagong dating na kambal. Syempre mas nauna kaming nakapunta dito dahil kailangan pa naming kumausap ng mga tao rito para maayos na kagad pagdating ni Jade, hindi yung saka pa aayusin kung kailan na kami magsisimula. Ayokong magkaroon ng aberya, gusto ko tuloy-tuloy ang saya! At isa pa naghahanap ako ng magandang lugar na pwedeng alam niyo na.  

"Kung makapag-welcome naman kayo ay para kayong nagtratrabaho dito" natatawang puna ni Jade sa'min. 

Hays, sarap talagang titigan si Jade lalo na kapag nakangiti o tumatawa, nakakahawa kasi yung sayang dala niya. Pero syempre mas maganda kung ako ang dahilan ng mga ngiting 'yon. 

"Starstruck to my sister's beauty?" mapang-asar na tinig ni Jace, dahilan kung bakit napapaling ang paningin ko sa karagatan. 

"Weak ka pala eh" pang-aasar pa ni Scian kaya naman agad kong tininggnan muli si Jace, dahil hindi ako weak! 

Kaso agad din akong napaiwas ng nakatinggin din pala sa akin si Jade. 

Sheet! Ang ganda. 

"Parang iba ang awrahan natin ngayon ah? Anong meron?" rinig kong sabi ni Kevin. 

"Yeah Jade, your dress suits well to you" papuri pa ni Ash. 

"Oo nga, I agree bagay sa'yo" dagdag pa ni Kurt. 

At bakit ganoon sila magsalita? Bakit nila pinupuri ang Jadylynda ko? Sa pagkakatanda ko ay ako lang ang pumupuri sa kanya noon? Bakit sila nakikipuri ngayon? 

"Of course bagay talaga sa kanya 'yan, I'm the one who chosed that dress for her" pagmamalaki pa ni Jace. 

"Talagang blooming ang aking kaibigan" singit ni Scian kaya naman 'di ko na napigilan ang sarili kong lingunin na naman siya. 

Aba sila nakakarami nang tinggin tas ako hindi? Hindi pwede 'yon!

"Bagay ba talaga?" nahihiyang turan ni Jade pagkaharap ko sa kanya, buti na lang sa iba siya nakatinggin. 

"Oo!" agad na sagot nila, syempre sumabay din ako don. Pabulong nga lang, baka kasi asarin na naman nila ako. 

"Sa kotse lang ako nagbihis eh, hinila na kagad kasi ako" patawa-tawang wika niya kaya naman na-inlove na naman ako sa mga ngiti niya. 

"Tara na nga sa loob, para makapag-enjoy na tayo ngayong sembreak!" pag-anyaya ko sa kanila para naman mawala na ang atensyon ko kay Jade. Baka naman kasi matunaw siya kakatitig ko. Kahit naman magdamag kaya kong titigan si Jade, hindi naman kasi nakakasawang tinggnan 'yon. Lalo na kung makikita mo sa mukhang 'yon ay ang kinabukasan mo. 

Naks! 

****

Pagkababa na pagkababa nang mga gamit namin ay agad na kaming nagkasundo na magsimula ng mamasyal sa lugar. Aba sayang ang oras, dapat pasyal agad! Walang pahi-pahinga. 

At dahil pinapalibutan kami ng tubig, nahirapan pa kami sa kung saan kami unang pupunta. Andaming choices, may falls, may mga swimming pool, may spring resorts, may beaches,  pwedeng magdive, pwedeng mag sight-seeing, pwedeng maghike, at kung ano-ano pa. 

At dahil hindi naman kami mauubusan ng tubig, napagdesisyonan naming lahat na mamasyal muna sa sa lugar bago maligo sa kung saan man. Kaso ang tanong, saan? 

"So sa'n muna tayo mamasyal?" pagtatanong ko na sa kanila. 

"Sa tubig" walang kwentang sagot ni Kevin. 

Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon