Jade's POV
Idinaan ko sa biro at kunwaring galit ang pagiging malungkot ko sa nangyari sa amin ni Jace. Matapos ang pag-uusap na 'yun ay lalo siyang naging iwas sa'kin. Hindi na niya ako sinasabayang kumain tuwing almusal, minsan na lang din siya sumabay papasok at pauwi, kapag kasabay ko naman siya, sa harap na palagi siya naupo na dapat ay katabi ko. Wala akong ibang nagagawa kundi ang mapabuntong hininga kapag ginagawa niya ang lahat ng 'yun ng walang pag-aalinlangan. Hindi manlang siya nagdadalwang isip na ipamukha sa'kin kung gaano niya kaayaw sa'kin. Hindi manlang siya nagdadalwang isip na saktan ako.
Sa tuwing makakasalubong naming tatlo si Jace, magkukunwari akong galit sa kanya, tatawaging 'impakta', o di kaya naman ay idadaan ko na lang sa biruan kapag tinanong nila Scian at Maira kung kamusta na kami ni Jace. Ganoon na lang palagi, nasanay na din naman ako sa gawain kong iyon pero nandito pa din 'yung sakit ng pagkalayo ko sa nag-iisang kapatid ko. Hanggang sa kinompronta ako ni Maira tungkol sa gawain kong ito.
Araw ng sabado, nasa bahay kami ni Scian dahil sa uutayin na naming gawin ang research paper namin kaya naman nagsama-sama na naman kaming tatlo dito sa loob ng kwarto. Nang lumabas si Scian para tulungan si Manang sa pagkuha ng makakain namin, doon na nagsalita si Maira.
"Hindi mo naman kailangan magpanggap Jade" ang kagad na sinabi niya, kaya naman bahagya akong nagulat kasi nahalata niya ba? Alam na ba niya?
Observant si Maira kaya hindi ako magkakamali kung alam na niya ang pagpapanggap ko.
"Ha? Ano ba Maira? Anong sinasabi mo?" pagmamaang-maang ko na may halong kaba sa pananalita.
"Wala pa akong binabanggit pero 'yun kagad ang naiisip mo" saad niya.
Wala na, alam na niya. Pero pinagpatuloy ko pa'din ang pagkukunwaring hindi ko alam ang tinutukoy niya.
"Huh?"
"Tama na ang pagpapanggap Jade, kitang-kita naman sa mata mo na hindi ka nagsasabi nang totoo eh" pamimilit niya padin sa point niya.
"Jade alam namin ni Scian pareho 'yun, hinihintay ka lang naming magsabi sa amin" pagbunyag niya pa kaya naman tuluyan na akong bumigay sa kanya. Sakto naman ang pagdating ni Scian, hindi niya kasama si Manang dahil sa kadahilanang hindi pa siya tapos sa ginagawa. Doon ko na din naikwento sa kanila ang tungkol sa amin ni Jace. Sinabi ko din ang nangyari sa naging pag-uusap na hindi naging maganda. At nasabi ko din kung gaano na siya kaiwas sa'kin.
Ang takot at pangamba ko na baka husgahan nila ako kapag nasabi ko sa kanila ko kung paano ko nasaktan ang kapatid ko, ay nawala. Sa halip na husgahan nila ako gaya ng inaasahan ko, inintindi pa nila ang side ko. Pinaramdam nila sa'kin na wala akong kasalanan, na hindi ko sinasadya na paiyakin si Jace, na nakatadhana lang talaga na mangyari ang lahat ng iyon.
Noong araw na 'yun naramdaman ko na hindi pala ako nag-iisa, na may mga kaibigan akong handang intindihin ang side ko kahit na gaano pa kasama ang nagawa ko.
****
Mabilis lumipas ang mga araw, at sa mga oras na nagdaan na yun hinihiling ko pa din na sana pansinin pa ako ni Jace kahit isang beses lang. At sana mapatawad ko din ang sarili ko sa pagpapaiyak sa taong pinaka-iingatan ko.
Maaga kaming nakalabas ng classroom ngayon dahil may meeting ang mga teachers ngayong recess time. Kaya naman kagaya ng nakasanayan naming tatlong magkakaibigan pumunta kami sa canteen, kaso lang pagkapasok namin doon parang gusto ko na lang lumabas ulit. Nakita kong nasa isa sa mga tables si Jace at sa hindi inaasahan kasama niya si Mey.
"Okay ka lang ba Jade, gusto mo bang lumabas na lang tayo?" nag-aalalang suhestiyon ni Scian.
"Hindi, okay lang" kagad na sagot ko dahil ayaw ko naman silang idamay sa hindi pagkakaintindihan naming magkapatid. At isa pa wala kaming ibang pwedeng puntahan ngayon dahil puno ang mga kubo, bawal din namang tumambay sa mga ilalim ng puno dahil may nag-gra-grass cutter ng mga damo doon.
"Talaga ba Jade? Pwede namang magstay na lang tayo sa room" pag-aalinlangan pa ni Maira pero hindi ko na siya inimikan at lakas loob na pumasok sa canteen.
At dahil ako palagi ang pumipila para sa amin doon na kaagad ako dumiretso kahit na ramdam ko na pinagtitinginan ako nina Jade at Mey.
Kaibigan niya na ba talaga 'yon?
Mukha nga, pero parang hindi mapakali na magkaibigan na sila. Hindi dahil sa inggit o kung ano man, kundi dahil sa mga napakinggan ko noong nasa hallway ako.
Isiniwalang bahala ko na lamang ang mga pinag-iisip ko dahil may tiwala naman ako kay Jace eh, kaya niyang protektahan ang sarili niya kung ang iisipin ko na baka awayin lang siya ni Mey. Kilala ko ang babae, napakataray palagi noon sa'kin at hindi malabong gawin niya din 'yun sa kapatid ko.
Sheesh, pagkatiwalaan mo ang kakambal mo.
Nang makabili na, ay kagad na akong pumunta sa table na inuukupa ngayon ng dalawa kaso laking gulat ko ng katabi niyon ay ang table nina Jace at Mey. Kagad kong inilibot ang mata at doon ko lang napagtanto na wala na pala talagang ibang choice dahil occupied na ang lahat ng mesa.
"Sorry Jade wala na kasing ibang mesa, ito na lang" kagad na paghingi ng paumanhin ni Scian.
"Itake out na lang natin, dun na lang tayo sa room" dagdag pa ni Maira pero mas pinili kong umupo at ipamigay na ang mga pinagbibili ko. Dahil gusto ko ding mapakinggan ang mga pinagsasabi ng katabing mesa namin. Kanina ko pa kasi napapansin na nagbubulungan sila habang tumitingin-tingin sa'kin.
"Yan ba 'yung kinekwento mo sa'king ate mo na may favoritism?" ang unang napakinggan ko mula sa bibig ni Mey.
"Oo 'yan na nga, wala ng iba pa. Kitang-kita mo naman na, bias sa mga kaibigan" pagkumpirma ni Jace.
Sheesh, ang sarap na sanang pakinggan na ikinwekwento ako ni Jace sa mga kaibigan niya. Kaso kay Mey pa talaga? Nagawa pa nilang magtsismisan tungkol sa'kin?
"O my lang ha, ikaw 'yung kadugo pero iba ang pinagtanggol? Nako, kung nandoon lang talaga ako ng araw na 'yun ako ang magtatanggol sa'yo!" pagyayabang ni Mey.
"Hay nako girl, sana nga at ng maramdaman ko naman na may kakampi ako kahit isa lang" pagpapatuloy nila ng tsismisan, mga hindi na nahiya hindi ba sila aware na katabi lang nila ang pinagchichikahan nila?
"Ano bang klaseng kapatid 'yang si Jade? Sabi na nga ba't puro kaplastikan lang ang alam niyan. Isang beses! Isang beses ka lang humingi ng tulong sa kanya pero hindi manlang niya ginawa?!" hindi makapaniwalang wika ni Mey.
"Pabayaan mo na nga 'yun, at saka wala naman na, sanay na ako, at saka lipas na 'yun. Kinalimutan ko na at pati siya unti-unti ko nang binubura sa buhay ko" parang pagpaparinig na sambit ni Jace kaya nasaktan ako. Parang sinasadya talaga nilang paringgan ako ng harap-harapan.
"Yang kakambal mong 'yan wala ng modo ha, nakakairita na" naiinis na wika ni Maira kaya naman agad siyang pinakalma ni Scian.
"Kahit na pagbali-baliktarin pa man ang mundo kapatid ko pa din siya. Nagkakaganyan lang siya kasi nasaktan ko siya" pagtatanggol ko kay Jace.
"Tama na, umalis na lang nga tayo dito" singit ni Scian at walang pasabing hinigit kami ni Maira palabas sa lugar na 'yun.
Dear Brain,
Hindi ko maintindihan, alam kong galit sa'kin si Jace pero hindi ko naman inakalang mapagsasalitaan niya ako ng hindi maganda. Tapos sinasabi niya pa 'yun sa ibang tao. Hindi eh, hindi ganoon ang kapatid ko, kilala ko siya pero ni minsan hindi siya nakapagsalita ng ganoon. Sabihan nang praning ako o ano man pero may kutob na si Mey ang may dahil ng lahat ng 'yon. At 'yun ang aalamin ko.
-Jade.
BINABASA MO ANG
Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)
Teen Fiction{Bad Love Series#2} STORY BETWEEN TWO STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. CLARK JAMES VALEROS, THE PLAYBOY, AND JADYLYN MAE RODRIGUEZ, THE MALDITA. THOSE TWO ARE CHILDHOOD BEST FRIENDS BUT THEIR FRIENDSHIP WAS RUINED FOR AN UNKNOWN REASON. JADE IS AN MALDI...