<51> Spy

6 3 0
                                    

CJ's POV

Anduga ni Jade! Ngayon ko na nga lang ulit siya nakausap tapos tinanggihan niya pa ako. Mas pinili niya si Clyde kesa sa'kin! Mas mahalaga ba siya kesa sa'kin? Mas mahalaga ba 'yong catch up-an nila kesa sa pagkanta namin ng theme song namin? Parang kailan lang 'yon ang gusto naming kantahin ni Jade ah, pero hindi pa ako marunong magrap noon. Pero ngayong marunong na ako bigla na lang niyang pipiliin 'yong Clyde na 'yon? Ano bang meron don ha? Kaya niya bang gawin ang mga ginawa ko noon para lang kay Jade? Kaya niya ba 'yon ha? 

Kaya naman nandito ako ngayon sa likod ng puno nagtatago dahil plano kong sundan si Jade sa kung saan man siya pupunta ngayon. Kailangan kong malaman kung bakit mas mahalaga pa 'yang Clyde na 'yan kesa sa'kin. Aba sa gwapo kong 'to gaganunin lang ng basta-basta? Kailangan kong malaman kung bakit. 

Patuloy lang ako sa pagmamasid kay Jade para malaman kung saan siya pupunta. Para na akong spy sa lagay kong 'to pero wala akong paki. 'Yong bigla ko ngang pagkawala sa harap nina Kevin at Ash, hindi ko pinoproblema, ito pa kayang mukha na'kong spy? Tapos idagdag mo pa ang rason na wala ako sa tambayan namin na dapat ay palagi akong naroroon, wala na'kong paki. Basta malaman ko lang kung bakit mas naging importante pa ang catch up-an nina Jade at Clyde kesa sa simulan na naming kantahin ang theme song namin. Theme song kaya namain 'yon! Mas mahalaga 'yon! Kasi tungkol sa'ming dalawa 'yon!

Hindi nagtagal ay tumigil siya sa isa sa mga kubo. Kita ko din na sinalubong siya ni Clyde, at mukhang pinaghandaan niya talaga dahil may pagkain ng nakalatag sa mesa nila. At nang tinggnan ko ang number sa itaas nito, nakalagay ay 3. 

Ayos din si Clyde eh, yayain si Jade na makipagkita sa ikatlong kubo kasi ibig sabihin noon ay 'I love you'. 3 letter word. 

'Yon na yun? Yun lang ba ang kaya niyang gawin para kay Jade?

Ako kasi madami. Nagawa ko ngang hintayin si Jade kasi 'yon yung sabi niya, pero hindi naman siya bumalik. Nagawa ko ding itigil ang hilig ko sa paglalaro ng iba't ibang sports kasi akala ko babalik na siya kapag nalaman niya 'yon, pero hindi pa din. At higit sa lahat nagawa kong matutong kumanta kasi 'yon yung hilig niya. Pinag-aralan ko din kung paano magrap para pwede ko nang kantahin 'yong theme song namin. Tapos ganto lang mangyayari? Kung kelan pwede na naming makanta ng sabay 'yon, mas pinili niya pang samahan ang panget na 'yon? 

Kung kelan pwede ko nang patunayan ang sarili ko sa kanya. 

Kung kelan pwede ko na siyang kantahan gaya ng inaasam ko noon.

Kesa naman sa tuminggin lang ako habang buhay mas pinili kong lumapit sa kanila para naman mapakinggan ko 'yong pag-uusapan nila. Para naman malaman ko kung gaano kaimportante ang pag-uusapan nila at talagang kailangan pang silang dalawa lang talaga. 

Agad akong nakiupo sa kubong kalapit nila. Kubo number 4. Ibig sabihin 'I love you, Jade', ganon dapat! Kailangang sabihin ang pangalan kesa naman sa I love you lang. Bulok talaga ni Clyde kahit kailan. 

Rinig ko ang impit na pag-irit ng umuukupa sa kubong ito. Pagtinggin ko isang babae na namumula na at hindi makapaniwala na nasa harap niya ako ngayon. Hindi ko na lang pinansin kasi hindi pasok sa standards ng koleksyon ko. Nerd. 

Dahil nakatalikos ang nerd na 'to sa kubong kinaroroonan nila Jade, hindi ko na inalis ang tinggin sa direksyon na 'yon. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano pumorma si Clyde kay Jade. 

Siya na mismo ang nagbukas ng mga tinake out niya sa canteen para kay Jade. Ipinagbukas niya din kagad ito ng mineral water. Titig na titig siya kay Jade habang ginagawa 'yon at habang kumakain sila! Ito namang si Jade, hindi ko makita ang reaksyon dahil nakatalikod siya sa gawi ko. Kaya naman naiinis na'ko kasi di ko malaman kung kinikilig na siya o ano. 

Hindi nagtagal ay natapos na silang kumain pero hindi pa din sila umaalis sa kubong 'yon. Hanggang sa mapakinggan ko na nagbukas nang topic na mapag-uusapan si Clyde. 

"Sorry nga pala sa pagkakabanggaan natin kanina ha. Masakit ba?" 

Ano?! Nagkabanggaan sila kanina? So ibig sabihin kanina pa sila nagkita? Kaya ba hindi tumitinggin sa'kin si Jade kanina kasi iniisip niya si Clyde habang sinusubukan ko siyang kausapin? Ang unfair! 

"Okay lang naman, tapos na din naman" simpleng sagot ni Jade. Kaya naman napangiti ako dahil ganon pa din siya katulad ng dati, hindi siya magsasalita hangga't 'di siya tinatanong. At kapag may kumausap naman sa kanya napakaunti niyang sumagot. 

Same typical shy Jade. 

"So, kamusta na pala? Ang tagal na nating hindi nagkita ah?" pagtatanong na naman ni Clyde. 

Tagal di nagkita eh kakakita niyo nga lang kanina. Tapos magkasama pa kayo ngayon, bulok!

"Okay lang naman ako, ganoon pa din" tugon ni Jade. 

"Ano bang nangyari sa'yo, bakit bigla ka na lang nawala?" pagtatanong na naman nito.

"Tapos nabalitaan ko na lang nagtransfer ka na daw. Bakit? Ayaw mo na ba don sa dati nating school? Bat biglaan?" dagdag pa nito. Tsismoso ba 'tong Clyde na 'to? Napakadami niyang tanong! Siguradong maprepresure si Jade sa kanya!

"Uhm" ang tanging nausal ni Jade. Oh di ba? Sabi ko naman sa inyo eh, kilala ko si Jade, alam kong ganito na ang mangyayari sa kanya. 

"Ay sorry napadami yata ang tanong ko" paghingi ng paumanhin ni Clyde. 

Sorry, sorry ka diyan. Dapat pinag-isipan mo muna ang mga tanong mo bago mo sabihin! At hindi napadami ang tanong mo, sadyang madami talaga! Gunggong.

"O-Okay lang" kelan pa naging okay na mapressure ka sa daming tanong? Dinaig pa ang defense sa pagkakatadtad ng tanong. 

"Okay lang din kung hindi mo masasagot, pwede namang sa susunod na lang" 

Aba't talagang may susunod pa?! Masyado ng abuso 'tong lalaking 'to.

"Ah hindi ko sure kung may next time pa" 

Ayan tama 'yan Jade, tumanggi ka. Tanggihan mo siya! 

"Hindi naman kita pinipilit, pero anytime pwede ako" pag-aalok pa nito, tinanguan lamang siya ni Jade. 

So ibig sabihin, napayag siya? 

Nakakairita na ah, bakit 'pag si Clyde hindi niya tinatanggihan tapos ako ganon?!

"So pwede mo bang sagutin 'yung isa manlang sa mga tanong ko kanina?" pagbabalik na naman ni Clyde ng topic na 'yon. 

"Alin ba don?" 

"Kahit yung bakit ka biglang nawala lang" 

"May nangyari lang kasi, so kailangan kong umalis" pagsagot ni Jade sa katanungan nito. At doon na ako napikon. 

Bakit si Clyde alam tapos ako hindi? Napaka unfair! 

"Uhm CJ, bakit kanina mo pa akong tinititigan?" rinig kong pagtatanong ng babaeng nasa harap ko pa pala. 

"DON'T ASSUME TOO MUCH, I'M NOT STARING AT YOU!" 'di mapigilang sigaw ko dahil napuno na ang inis ko sa katawan. Kita ko ang pagkagulat niya sa ginawa ko at nangingilid na ang luha niya. 

"Look Miss, I don't like nerdy girls. You're not my type. Hindi ka pasok sa standards ko" huling salita ko pa bago umalis doon dahil 'di ko namalayang nakakuha na pala ako ng atensyon sa pagsigaw kong 'yon. At maging si Jade at Clyde ay nakatinggin na sa'kin ngayon. 

Ang gwapo ko talaga. 

Hindi ko na lamang sila inintindi at dire-diretsong pumunta sa tambayan. 

"Saan ka galing?" bungad na tanong ng dalawa. 

"Sa pinanggalingan" bwisit na sagot ko na lamang dahil badtrip na badtrip na naman ako. 

"What a nonsense answer" rinig ko pang dada ni Ash. 

"Mukha mo nonsense"

Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon