<8> Transferee

14 5 0
                                    

Jade's POV

"James, ano bang problema mo sa buhay?" pangungulit ko sa kanya. Araw ng linggo ngayon, nandito naman kami sa labas ng bahay nila. Dito namin napagpasyahan maglaro. Kakabili lang namin ng mga kutkutin na tagpipiso kasi wala lang trip lang namin bumili sa bagong tindahan sa tapat ng bahay namin. 

"Wala Jade, ayos lang ako!" 'yan ang palaging sinasagot niya sa tuwing nagtatanong ako. Pero alam kong meron, nararamdaman ko na may problema siya pero ayaw niyang sabihin sa'kin. 

Naningkit ang mga mata ko sa sinagot niya. Kung kahapon ay parang wala lang talaga pero ngayon may inaakto siya na meron talagang problema. 

"Spill it or else" pagsisimula ko sa pagiging maldita ko. Wala namang ibang tao rito sa pwesto namin ngayon, kaya okay lang kung magmaldita ako. 

"Or else ano?" parang kinakabahang tanong niya. Napangisi naman ako at tumawa ng malademonyo para matakot siya lalo. Hindi naman ako nabigo kasi kinakabahan na talaga siya.

"You do don't wanting to know. Don't not underestimation me" mali-mali mang grammar ang pinagsasabi ko sa kanya ngayon hindi na yun mahalaga pa kasi gaya ko mali-mali din naman ang grammar niya. 

"I'm nothing underestimation you" sheesh, oh di ba? Kita nyo na ang tinutukoy ko. 

"Sabihin mo na" pagmamaldita kong muli. Iniba na ang lenggwahe dahil englishan kami nang englishan dito eh parehas lang naman mali-mali ang grammar namin. Wala namang magcocorrect sa'min dahil yung mga mommy namin nagkwekwentuhan na naman sa loob ng bahay nina James. Si Jace naman, maldita all around yan. Nakakabwisit lang pakinggan ang pagcocorrect niya sa mga grammar kasi ang yabang. Edi siya na magaling mag-english at magmaldita! 

"Wala naman kasi akong sasabihin" pagmamatigas niya pa. Muling sumingkit ang mga mata ko at tumayo na sa pwesto ko para lumapit sa kanya. 

"Huling chance" agad siyang napalunok ng sabihin ko yun. 

"Uulitin ko ang tanong ah? Ano ang proble-"

"Sasabihin ko na" pagpuputol at pagsuko niya kaya agad akong napangiti. 

"Ano?" nang itinanong ko yan lumingon lingon muna siya sa paligid at huminga ng malalim. 

Agad natunaw ang puso ko nang ikwento niya sa'kin ang pinagdadaanan niya. Sa likod ng masaya at masigla niyang pagkatao malungkot pala talaga siya. 

Nararamdaman niya na nag-iisa siya kasi hindi siya iniintindi ng Mama o ng Papa niya. Tuwing umaga pagkagising niya wala na siyang kasama kundi ang sarili niya. Walang pagkain sa lamesa, walang nagtuturo sa tuwing nahihirapan na siya sa pag-aaral niya, at ang masakit pa doon hindi anak ang turing sa kanya kundi isang trabaho. Pabigat at dagdag asikasuhin lang ang tinggin sa kanya ng mga magulang niya. Siya ang nag-iintindi sa sarili niya. Siya ang pumapasok sa eskwela mag-isa at siya din ang uuwi mag-isa. Siya ang magluluto ng pagkain niya sa umaga, sa babaunin niya, at sa hapunan niya. Parang mag-isa siya lang din siya kahit na kumpleto ang pamilya nila. 

"Oh bakit ikaw pa ang umiiyak? Di ba ako dapat? Ako yung nasa pwesto na yun eh" wika niya at napansin ko nga na tumutulo na ang luha ko. 

"Ang bata mo pa pero kaya mo nang intindihin ang sarili mo, paano mo nagawa yun?" humihikbing tanong ko pa. 

"Kasi wala naman akong choice. Kapag hindi ko inasikaso ang sarili ko, wala nang gagawa noon" pagsagot niya kaya naman napaluha ako lalo. 

"Bilib ako sayo, kinakaya mo ang lahat ng yun" papuri ko sa kanya. 

"Sa totoo nga niyan, naiinggit pa ako sayo eh. Kasi kumpleto ang pamilya mo at hindi ka nag-iisa" pag-amin niya sa'kin. 

"Yung paglalaro, doon na lang ako nagiging malaya. Kaso nasira naman yung regalo sa'kin dati ng kaklase ko noong kinder na pangbadminton. Sinubukan ko magpabili pero hindi nila ako pinansin. Gusto kong bumili ng bola pero ni minsan hindi nila ako pinagbigyan. Mga kaklase ko na nga lang noon mga kalaro ko eh" sa 'di malamang dahilan ay napayakap ako sa kanya. 

"Pangako makakapaglaro ka muli, susuportahan kita kapag maglalaro ka. Sumali ka sa intrams, subukan mo lahat ng laro, nandito lang ako para suportahan ka, James"

****

"Class may bago kayong kaklase" anunsyo ni teacher sa amin. Ngayon ay araw ng lunes. Pero nakakapagtaka dahil bakit ngayon lang pumasok yung bago naming kaklase. 

"Eh ma'am bakit hindi po siya pumasok noon?" pagtanong ng katabi ko. Minsan napapaisip na din ako eh, konektado ba ang utak namin ni James?

"Hindi siya nakapasok last week kasi may family occasion sila, class" pagsagot ni ma'am kaya naman napa- ahhh kaming lahat na magkakaklase. 

"Eh nasa'n na po siya?" tanong naman ng nasa harap ko si CJ. Tanda nyo? 

"Pasok ka na hija" pagtawag ni ma'am dun sa may pinto. Oh hija? So ibig sabihin babae? 

Alangan.

"Bakit kinakausap ni teacher yung pintuan, Jade?" bulong na tanong sa'kin ni James. May sapak ba ito sa utak? 

"Kasi isa kang hatdog" sagot ko na lamang para tumigil na siya. 

"Ahhh isa pala akong hatdog" patango-tango niya pang sambit, kaya napasapo ako sa noo ko dahil sa pag-iisip niya. 

Kaibigan mo 'yan Jade. Kalma.

"Ako'y isang hatdog. Ikaw Clark James ay isang hatdog, tandaan mo 'yan baka magalit na naman sa'yo si Jadylynda" pagkakausap niya sa sarili kaya dismayado na lamang akong napatinggin sa kanya. Napangiwi na lamang ako ng paulit-ulit niya pa yung sinulat sa likod notebook niya. 

Hindi ko na lamang siya pinansin pa at tumingin na sa harap para kilalanin ang bago naming kakaklaseng babae. 

Napa-ohhhh ang lahat ng mga lalaki naming kaklase maliban kay James na busy na busy pa din sa pinagsusulat niya sa notebook niya. 

"Oh boys kalma. Crush niyo na kagad 'yang bago niyong kaklase?" pang-aasar ni teacher kaya lahat kami ay nagtaka sa sinabi niya. 

"Ano po yung crush?" pagtanong ni James. Aba tapos na pala siya sa mga pinaggagawa niya kanina. Akalain nyo yun, nakikinig pala siya kay ma'am? 

Oh sadyang nakuha lang ng pandinig niya ang pag-ohhh ng mga kaklase namin. Oh baka naman ay nagandahan na talaga siya sa babaeng nasa harap namin ngayon. 

Maputi at may katangkaran yung babae, medyo kulot ang buhok at ang ganda ng ngiti niya. 

"Yun yung paghanga" tugon ni teacher sa tanong ni James. Tumango na lamang itong katabi ko at bumalik na ang atensyon sa ginagawa niya kanina. 

Hindi pa pala siya tapos. 

"Magpakilala ka na hija" utos ni ma'am dun sa babae. Tumango muna ito bago magpakilala sa harap. 

"Hi, my name is Jariyah Meysie Cruz. Mey na lang po" pagpapakilala nito. Buti pa siya hindi nahihiya, confident na confident siya ng sinabi niya yun. 

"Mey? Hindi pwede yun din pangalan ni Jade" protesta ni James kaya agad napakunot ang noo ko. 

"Di'ba Jadylyn Mae ang pangalan mo?" pagtanong niya pa sa'kin, tumango na lamang ako kasi hindi ko na kayang pantayan ang level ng pag-iisip niya. 

"Uhmm pero kakatawag mo lang sa kanya ng Jade? So ibig sabihin pwede nyo akong tawaging Mey" pagtatanggol nitong Mey sa sarili niya.

"Eh di waw" sagot na lamang ni James at parang walang pakialam sa bagong kaklase. 


Dear Brain,

Paano kaya hindi maging mahiyain katulad ni Mey? Ang galing niya magpakilala kanina. Hindi man lamang siya nautal at isa pa ang lakas na kagad ng impact niya sa mga kaklase ko. Sana balang araw ganoon din ako kaconfident sa kanya.

-Jade.

Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon