<72> Tryouts

5 3 0
                                    

Jade's POV

Tuwang-tuwa kong tinapos ang tawag namin ni James. Sino bang hindi matutuwa kapag nalaman mong walang klase? At higit pa don pwede mo pang suportahan ang taong mahalaga sa'yo. Pwede ko pang mapanood ang try outs ni James. At gagawin ko 'yon bilang number one fan niya, number one supporter. 

"Aray! Aray!" ang tinig na nagpabalik sa'kin sa realidad at agad akong nataranta ng si Scian pala ang nagsabi ng mga salitang 'yon. 

"Scian bakit? Anong masakit? Dadalhin na ba kita sa clinic? Hihingi na ba ako ng tulong? Scian anong nangyayari?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya dahil kabadong-kabado na ako sa nakikita ko ngayon. 

"Nakakasilaw kasi ang ngiti mo, ang sakit sa eyes" tumatawang tugon niya at tinigil na ang pagdradrama niya lang pala. Nakahinga naman ako ng maluwag ng masiguradong wala siyang nararamdaman. 

"Scian naman hindi nakakatuwa!" may halong inis na saad ko rito. Pinakaba niya ako ng todo kanina tapos jino-joke time lang pala ako. 

"Joke lang naman" pagdadahilan niya pa. 

"Hindi nakakatuwa! Paaano kung totoo na palang may masakit sa'yo? Paano kung yung sakit mo ay-"

"Op! Enough" pagpuputol niya sa mga sinasabi ko. 

"Kasi naman Scian nag-aalala lang naman ako sa'yo!" paliwanag ko dito.

"Huwag mo nga akong kaawaan" ayan na naman ang paborito niyang sabihin. 

"Huwag na huwag mo nang uulitin 'yon" banta ko dito dahil baka mamaya totoo na palang may masakit sa kanya tapos iisip ko joke time lang. 

"Yes po" mabirong tugon nito.

"Scian!"

"Oo nga, mabuti pa'y umalis ka na, puntahan mo na ang James mo" pagtataboy niya sa'kin. 

"Sheesh, mamaya hangga't wala pa dito si Ash" pagtanggi ko dito. 

"Papunta na naman siya dito, alis na" aba nakakahalata na ako dito ah. 

"Ba't ba pinapaalis mo na kagad ako ha?" pagdidiretsa ko kay Scian. 

"Wala lang" walang kwentang sagot nito, hinayaan ko na lamang dahil alam ko namang magsasabi din 'yan sa'kin. Hihintayin ko na lang, 'di katulad niyang hindi makapaghintay palagi. Napakademanding! 

"Aalis na nga ako, baka mamaya may date pa pala kayo ni Ash tapos nakakistorbo pa ako" may halong pang-aasar ko pa sa kanya. 

"Si Jade parang tanga" dinig ko pang banggit niya, tinawanan ko na lamang siya bago tuluyang umalis sa canteen. 

Nakasalubong ko pa si Ash na malamang ay papunta na din sa canteen para sa date nila ni Scian. Joke lang naman 'yon pero kapag totohanin nila edi go! Support lang!

Nagtanguan lamang kami ni Ash bago pumunta sa mga patutunguhan namin. 

Pagdating ko sa gym agad hinananap ng mga mata ko si James. Madami-dami din ang taong nasa loob kaya medyo natagalan akong hanapin siya. Hanggang sa makita ko na siya at kasama niya si Clyde? 

Agad akong lumapit sa gawi nila at nag-uusap pala sila. 

"Wala naman eh, gino-good time mo lang ako" rinig kong pagrereklamo ni James. 

"Biro lang, wala pa naman siya dito" rinig ko namang tugon ni Clyde. 

"Sinong hinahanap niyo?" pagsingit ko sa usapan nila ng nasa harap na nila ako. 

Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon