Jade's POV
"Tama na Jace" maotoridad na sabi ko sa kakambal ko. Ayaw ko siya dito kausapin lao na't napakadaming tao ang nakikinood ng mainit na eksena nila ng kaibigan kong si Maira. Pinagbibintangan kasi ng kakambal ko na malandi at mang-aagaw daw si Maira, at hindi ko siya maintindihan. Gusto ko siyang kausapin pero hindi sa harap ng napakadaming tao! Kilala ko ang kapatid ko, hindi siya bigla-biglang magbibitaw ng salita kung hindi naman totoo sa paningin niya.
"Ano ba ate?! Kampihan mo naman ako, kadugo mo ako!" naiiyak na sambit nito at parang sumasaklolo ng tulong ko. Ngayon lang siya humingi ng tulong sa'kin kaya naman nagulat at nataranta ako. Hindi ko alam ang gagawin at nag-iinit din ang dugo ko dahil parehas nadawit ang kapatid ko at ang kaibigan ko.
"Sa bahay na tayo mag-uusap Jace wag dito" madiin na banggit ni ko kay Jace, dahil ayaw ko din naman siyang mapahiya, lalo na ngayong parang eskandalosa ang tinggin sa kanya ng mga tao dito ngayon. Umalis na ako at hinatak si Jace papunta sa sundo namin, nakasunod naman si Scian sa akin dahil sa akin siya sumasabay sa pag-uwi.
"Ano ba ate Jade? Ngayon lang, ngayon lang ako nanghingi ng tulong sa'yo pero tinalikuran mo lang ako" ngayo'y umiiyak na sabi ni Jace sa'kin, kakapasok lang namin sa loob ng kotse at ngayon ko lang siya nakitang umiyak kaya hindi ko alam kung anong tamang gawin.
"Jace please, sa bahay na lang tayo mag-usap okay?" pagsusumamo ko sa kanya kasi nakakahiya naman kay Scian sa driver namin kung mapapakinggan pa nila ang pag-uusapan namin ni Jace.
Hindi umimik si Jace at nanahimik lang doon sa tabi kaya naman napabuntong hininga na lamang ako hanggang sa naramdaman kong may tumatapik sa likod ko.
"Kailangan ka ng kapatid mo Jade, sana intindihin mo siya" bilin pa sa'kin ni Scian at binigyan ako nang nag-aalalang mukha.
"Hindi ko alam ang dapat kong gawin" naiiyak na bulong ko sa kanya.
"Pakinggan mo siya, at subukan mong intindihin ang side niya" huling bilin sa'kin ni Scian bago siya bumababa dahil nasa tapat na pala kami ng bahay nila.
Natatakot ako, baka may masabi akong mali. At baka maging bias ako kapag may magawa akong mali. Baka isipin ng isa sa kanila na may favoritism ako.
Pero kailangan ako ng kapatid ko.
****
Pagkarating na pagkarating pa lang namin sa bahay dali-dali na kagad bumababa si Jace sa kotse kaya kaagad ko siyang sinundan dahil kailangan ko siyang makausap. Nang makapasok sa loob ay kita ko siyang nagmamadaling umakyat sa hagdanan kaya naman kumaripas na ako ng takbo dahil batid kong tatakasan niya ako sa pakikipag-usap sa kanya. Nang akma niya ng bubuksan ang kwarto niya kagad ko na siyang pinigilan.
"JACE MAG-UUSAP TAYO SA AYAW O SA GUSTO MO!" sigaw ko rito kaya naman agad siyang humarap sa'kin kaya naman nakita ko ang namamaga niyang mata na patuloy pa'ding lumuluha. Kagad namang dinurog ang puso ko ng makita kong umiiyak ang kapatid ko, ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang umiyak. At dahil sa nakita kong 'yon naghari ang galit ang puso ko para sa taong nagpaiyak sa kapatid ko.
"What for? Sisigawan mo lang din naman ako" kontra niya.
"No, sorry. Hindi ko sinasadyang sigawan ka 'yun lang kasi ang naisip ko para pigilan ka sa pagpasok sa kwar-"
"Eh 'yung pag-iwan mo sa'kin sa ere kanina, hindi mo din ba sinasadya?" may pagkasarcastic na sabi niya sa'kin. Hindi kagad ako nakaimik sa sinabi niyang iyon, parang naputol ang dila ko, natuyo ang lalamunan, nawala ang boses, lahat nang pwedeng palusot para masabing may valid reason ako para hindi makaimik.
Parang napako ang mga paa ko dahil hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon. Bakit tamang-tama 'yung mga pinagsasabi niya sa'kin? Bakit hindi manlang ako nakailag?
"See? You're indirectly telling me na siya ang kinampihan mo kesa sa'king kapatid mo" pagpapatuloy niya pa.
"Jace hindi totoo 'yan-"
"IT'S TRUE!" pagpuputol na naman niya sa sasabihin ko.
"It's always them! Sila naman palagi ang kakampihan mo"
"Ano ba? Kaya nga kita kakausapin para malaman 'yung side mo eh! Ang alam ko lang na side ay 'yung kay Maira kaya naman sa tinggin mo siya 'yung kinampihan ko kasi hindi ka naman nagsasabi sa'kin eh!" mahabang eksplanasyon ko sa kanya.
"Stop making excuses! Alam kong may hinala ka na noon na nililigawan ako ni Kevin, at nakumpirma mo 'yon di'ba? Kasi pinilit mo akong magsalita? Pero anong ginawa mo? Sa halip na sabihin mo dyan sa Maira na 'yan ang totoo, sinuportahan mo pa'din siya sa pagiging malandi niya di ba?" matalas na pakikipag-usap niya sa'kin.
"Hindi malandi ang kaibigan ko!" pagtatanggol ko kay Maira.
"See? Hanggang dito siya padin ang kinakampihan mo, tapos sasabihin mong hindi totoo? Stop fooling me, ate!" pagpipilit niya padin sa ideya niya.
"Jace kita kasi ng dalawang mata ko eh, kita ng dalawang mata ko kung paano ligawan ni Kevin si Maira, kaya sila 'yung pinaniwalaan ko. Unlike you, malay ko ba totoo ang hinala ko? Malay ko ba na totoo 'yung sinabi mo sa'king nililigawan ni Kevin? Malay ko ba-"
"You don't trust me. You don't trust your sister" mariing banggit niya na ikinadurog ko lalo.
"No Jace!" pagsusubok kong magpaliwanag.
"Tama na! Tama na please. Nasabi mo na eh, sa'yo na mismo nanggaling. Sayo na mismo nanggaling na siya ang kinakampihan mo, kesa sa'kin" masakit na pananalita niya kaya tangging hikbi at pag-iyak na lamang ang naisagot ko rito.
"I just beg for your help once, but you just broke me" huling binitawan niyang masasakit na salita bago tuluyang pumasok sa kwarto niya. Hahabulin ko pa sana siya kaso sinenyasan niya ako ng 'wag. Hindi ko na pinilit pa dahil baka mas lalo siyang magalit sa'kin.
Kaya naman naiwan ako dito sa labas ng kwarto niya, tahimik na umiiyak, tahimik na nagsisisi sa mga pinagsasabi ko. Sheesh, sabi na eh, once na may masabi akong mali, iisipin niya na iba ang kinakampihan ko.
Nagagalit ako sa sarili ko, naiinis ako, nasasaktan. Wala naman akong kinakampihan sa kanila eh, ang gusto ko lang ay ang malaman ang mga side nila para malaman kung sino ang tama. Pero ganito 'yung nangyari, ibang-iba sa inaakala ko.
Hindi ko akalain na ako ang dahilan ng pag-iyak ni Jace. Ako ang dahilan kung bakit ko siya nakitang umiyak. At hindi ko na din alam ang gagawin ko dahil miski ang sarili ko ang kinagagalitan ko.
I failed to be her sister. I failed to be her family. I failed to love her. I failed to protect her from being hurt. I failed to be with her during her painful days.
At ako ang dahilan ng lahat.
I failed to show her how much I treasure her.
Dear Brain,
Nabigo akong 'wag paiyakin si Jace. Parang kinain ko ang sarili kong salita noong sinabi kong hindi ko hahayaang masaktan siya. Pero ako kasi ang dahilan kung bakit siya umiyak. Ako 'yung naging dahilan kung bakit ko siya unang nakitang umiyak. I unexpectedly hurt her. And unexpectedly, I'm the person whom I'm afraid to hurt her. I hate myself.
-Jade.
BINABASA MO ANG
Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)
Teen Fiction{Bad Love Series#2} STORY BETWEEN TWO STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. CLARK JAMES VALEROS, THE PLAYBOY, AND JADYLYN MAE RODRIGUEZ, THE MALDITA. THOSE TWO ARE CHILDHOOD BEST FRIENDS BUT THEIR FRIENDSHIP WAS RUINED FOR AN UNKNOWN REASON. JADE IS AN MALDI...