<48> December 14

6 3 0
                                    

Jade's POV

Gaya ng bilin ko kay Jace, pinag-igihan niya pa din ang pakikilahok sa contest. Hindi maiwasang nalulungkot siya sa tuwing naalala niya ang pinaggagawa ni Kevin sa kanya pero patuloy lang ako sa pagmotivate sa kanya, kaso hindi pa din pala sapat 'yon dahil hindi nananalo si Jace sa contest. At pagkatapos din ng contest na 'yon, balik na ulit kami sa dati ni Jace. Hindi ko na ulit siya malapitan eh, parang dinistansya na talaga niya ang sarili sa sa'kin. Hindi ko na lamang pinilit dahil baka magalit pa siya sa'kin, okay na sa'kin na sa loob na tatlong araw na nandoon kami sa Zambongoa ay naging malapit siya sa'kin kahit papaano. Okay na 'yon kesa naman maghangad pa ako ng iba di ba? 

Ang kaarawan ni Maira ay ang araw din ng pagdating namin, kaya naman pinlano ko na ang mga dapat kong gawin. Para naman hindi magawa ni Kevin ang pinaplano niya, sana lang dumating na kagad ako ng mas maaga para hindi ako mahuli sa binabalak ng lalaking 'yon. 

Gaya ng nasa plano ko, kaagad akong nagtungo kayna Scian nang wala akong nadatnan sa bahay nina Maira, para tulungan niya akong pigilan si Kevin. Siya lang kasi ang nakakaalam ng mga plano ni Kevin maliban kay Jace, alangan namang si Jace ang gamabalain ko ay pagod 'yon at nakakahiya na lalo't hindi na kami ulit magkalapit. 

"SCIAN! LUMABAS KA DIYAN! HARAPIN MO AKO!" walang-hiyang sigaw ko sa labas ng bahay nila kaya naman kagad akong nilapitan ng guard na siya ding hindi nagpapasok sa'min ni Maira noong dumalaw kami dito. 

"Ma'am 'wag po kayong sumigaw" pabawal niya sa'kin. 

"Buksan niyo po ang gate, kailangan kong makausap si Scian" pakiusap ko sa kanya. 

"Saglit lang po, kailangan ko lang sabihin sa mayordoma na may bisita ngayon" tugon nito sa'kin. 

"Kilala ako ng mayordoma kuya guard, kaya papasukin niyo na ako! Nagmamadali po ako, parang awa niyo na" pagsusumamo kong muli. 

"Pasensya na po ma'am, kailangan ko lang pong sumunod sa mga bilin. Ginagawa ko lang po ang trabaho ko" dahilan nito. 

"Basta bilsan niyo po please" saad ko bago siya tumakbo papasok sa loob ng mansion nina Scian. 

Kaso limang minuto na ang nakalipas pero hindi pa din bumabalik si kuya guard, naiinip na ako, nasasayang ang oras. 

"SCIAN! SCIAN TULUNGAN MO AKO, SAGIPIN NATIN SI MAIRA!" pagsigaw kong muli. 

"PWEDE PA NATIN ITIGIL ANG PLANO NI KEVIN" dagdag ko pa. Namilog ang mata ko ng makita ko sa bintana na nakasilip si Scian sa'kin, akala ko nagmalik mata lang ako pero siya nga 'yon. 

"SCIAN KAUSAPIN MO AKO!" pagsigaw ko sa kanya pero tinalikuran niya lang ako. Akala ko wala ng pag-asa pero maya-maya pa'y bumukas ang gate. Akala ko nakabalik na si kuya guard pero laking gulat ko ng si Scian pala 'yon. 

"Scian, please tulungan natin ang kaibigan natin" pagsusumamo ko sa kanya. 

"Pasensya na po ma'am Scian, natagalan po kasi akong hanapin ang mayordoma at hindi ko po akalaing sisigaw po ulit siya" singit ni kuya guard. 

"Ayos lang po, iwan niyo na lang po kami" ang tanging sinabi ni Scian. 

"Please tulungan natin si Maira" pag-uulit kong muli. Walang pasabing hinila niya ako kaya naman nagulat ako sa ginawa niya. 

"Bakit ka ba nag-eeskandalo" pagtatanong niya habang tumatakbo kami papasok sa kwarto niya. 

"Alam ko na ang lahat, sinabi sa'kin ni Jace. Sorry kung hindi kita pinaniwalaan" tugon ko dito. 

"Mamaya na tayo mag-usap ng matino tara na sa school" nagpapanic na saad niya at tinapos ang pagbibihis niya ng uniform. 

****

Pagdating sa Memorial High para kaming nawalan ng pag-asa ni Scian dahil napapakinggan na namin ang boses ni Kevin na nagsasalita at kung hindi ako nagkakamali ay nasa mini stage sila ng quadrangle. 

"Iba talaga si Kevin eh, talagang don niya pa pinili para mas madaming tao ang makakita! Ipapahiya niya lang si Maira!" 'di mapigilang usal ko habang natakbo kami ni Scian papunta doon. Ang hirap lang makadaan dahil ang daming estudyanteng nakikitsismis sa nangyayari. 

"Isipin muna natin kung paano makakapunta doon at ng malayo natin si Maira" ang tanging sinabi ni Scian bago kami lumangoy sa mga nagkalat na estudyante sa daan. 

Nandoon na kami eh, natatanaw na namin si Maira, kaunti na lang sana pero nahuli pa din talaga kami. 

"Maira is my girlfriend" diretsang sambit ni Kevin sa mic.

"A fake one" dugtong nya pa. 

"Huli na tayo" dismayadong sabay na wika namin ni Scian pero pinilit pa din naming makisiksik para maialis na namin si Maira doon.

"We all know that Maira is on top 1 for Memorial Prime year level 9, isang matalinong estudyante, pinagmamalaki ng school" 

"Sa hindi nakakaalam tinagurian din siyang bad girl, kasi sya lang ang may lakas loob na kalabanin ang bad boy na katulad ko"

"Matagal ko na syang gustong patalsikin sa campus pero hindi ko magawa kasi hindi pinapansin ng nanay ko ang request ko tungkol dito. Baka kasi isa syang scholar kaya hindi basta basta napapaalis. At higit sa lahat gustong gusto ko syang gantihan sa mga pinaggagawa nya sa akin"

"So I decided to make a plan. Isang patibong na kinahulugan nya na, matagal na, at tila napakalalim na. Akalain nyo yun ang isang matalinong estudyanteng tulad nya nahulog sa isang patibong?"

Sa mga sinabi na 'yon ni Kevin nakita namin kung paano lumaglag ang mga luha ni Maira. 

"Kitang-kita naman natin kung paano sya kiligin sa ginawa ko kanina hindi ba? Kita nyong lahat kung gaano nahulog ang isang Princess Shamaira McBride" pagpapatuloy nya pa.

"Ang pinakamatalinong estudyante ng grade 9 sa Memorial High ay nahulog sa aking munting patibong" proud niyang announce sa lahat.

"Happy Birthday Maira" pagtatapos ni Kevin at kagad ng bumababa sa stage. 

Tangina? Hindi pa ba siya nakuntento na sinaktan niya na si Maira? Bakit kailangang ipahiya niya pa ito sa harap ng mapanghusgang mga estudyante.

"UMALIS NA TAYO MAY PAPARATING NA GUARD!" sigaw ko para naman umalis na ang mga nakakairitang nga tsismoso't tsismosa ng school.

"Maira tara na" tawag ni Scian na may halong pag-aalala sa kaibigan. 

"Scian!" sambit nito at tuluyan ng umiyak sa mga balikat niya.

Nang araw na 'yon ginawa namin ang lahat ng makakaya namin ni Scian para pasayahin si Maira kasi birthday niya eh, hindi niya deserve na umiyak. Kaya nga HAPPY birthday kasi kailangang masaya lang siya sa araw na 'yon pero sinira lang ni Kevin ang dapat na kasiyahang mararanasan ni Maira. Ipinagdamot niyang sumaya ang kaibigan ko, pinaikot niya pa ng husto. 

At 'di nagtagal binalita sa'min ni Maira ang nangyari sa nanay niya, at ibinahagi niya din sa'min ni Scian ang tungkol sa tunay niyang ina, si tita Shaina. Ayos na sana eh, masaya na sana ulit siya pero kailangan niyang umalis para sa ikabubuti ng kalagayan ni Tita Sunshine. Tinanggap namin ni Scian ang desisyon niyang 'yon, basta ba hindi namin papalampasin ang araw na hindi manlang kami nagkakausap. Nangako siya at sinabing pagkatapos gumaling ni tita Shine at ayusin ang sarili niya babalik na siya ulit. Isang taon, isang taon ang hihintayin namin at sana hindi tuluyang magbago ang kaibigan namin. 

Lalo na at alam kong nasaktan siya ni Kevin, sana lang hindi siya magbago, sana siya pa din ang kaibigan namin pagbalik niya. 


Dear Brain,

Ang dami ng nangyari pero wala pa ding ganap sa'min ni CJ. Ang ikinatatakot ko lang ay baka magawa na akong lapitan muli ni CJ, lalo na't wala na si Maira sa Memorial High, at ang mas malala pa don baka bumigay na naman ako. Sana hindi, sana maging maayos pa din ang lahat kahit na wala na si Maira sa tabi namin ni Scian. Sana hindi ako mahulog ng tuluyan sa kanya. 

-Jade.

Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon