<35> Pouring Rain

6 4 0
                                    

CJ's POV

It's been a week simula ng umatras ako sa sarili kong plano. Hindi ko alam kung bakit ako umatras ng bigla, pero isa lang ang alam ko. Simula ng makita ko siya sa lugar ding iyon, parang ayoko na lang gawin ang plano ko. Parang biglang lumambot ang puso ko, kaya napagdesisyonan ko na itigil na lang. Siguro hindi na lang ako dapat gumanti, siguro papalipasin ko na lang ang galit ko sa ibang paraan.

Kasalukuyan nagkaklase kami sa subject na English, halos lahat ng buong klase ay nakatutok sa tinuturo ng guro, ang iba naman ay pasimpleng nakikipagkwentuhan lamang sa kanilang mga katabi.

Ganoon naman palagi ang set up namin, mapaanong subject pa yan. Akala ko matatapos na lang ng ganoon ang klase ng ilabas niya ang mahiwagang index cards.

Rinig ang pag-angal ng ilan at pagkagulat, meron din namang natuwa at parang game na game pa sa recitation. Ako? Wala chill lang, kasi kapag hindi ko nasagot ang tanong may sasalo sa'kin, si Ash. At kung sakaling papuntahin ako sa guidance office dahil sa ginawa kong iyon, pwedeng pwede kong iditch yon dahil salo naman ako ni Kevin. Noong isang taon namin sinimulan ang gawainh iyon, at hindi pa naman kami napalya dahil kinabukasang kinabukasan ng pangyayaring iyon wala na ang teacher na nagparecitation. At kalat na kalat yun sa campus, kaya simula ng araw na yun, madalang na kami tawagin para sa recitation.

Masyado yatang napalayo ang lipad ng utak ko dahil kanina pa pala nagsimula ang pagbubunot ng pangalan sa index cards, kung saan nakasulat ang aming mga pangalan at nakadikit ang 1x1 naming larawan.

"And the next lucky student that will participate in our recitation is-" naputol ang pagsasalita ng English teacher namin ng may kumatok sa pintuan.

Inis na pinalingan iyon ng guro kaya naman bakas sa mukha ng estudyanteng kumatok ang kaba.

"Good Morning po ma'am, pinapa-excuse lang po ng Science department sina Maira McBride at Ashvin Gonzales po. Kailangan po sila sa review para sa dadating na science quiz bee po" magalang na pahayag ng lalaking estudyante, at batay sa itsura at lace ng ID niya na siya'y isang school officer.

"Okay, next time talk to me in English because I'm an English teacher and you're just interrupting my class" masungit na lintaya ng guro kaya naman napalunok ang officer na 'yon at kabadong tumango kasabay ng pagsilay ng kabadong ngiti.

"McBride and Gonzales, go" walang imik na lumabas sina Maira at Ash dala-dala ang mga reviewer nila. Rinig ko naman ang bulungan ng mga kaklase dahil kesyo excuse sila recitation at kung ano-ano pa.

Hay kamiss maexcuse sa klase para sa training ko para sa darating na mga palaro sa school. Speaking of palaro, September na kaya malapit na naman ang intrams. Isang buong linggo na namang walang klase.

Naabala ang pag-iisip ko ng may kumatok na naman sa pintuan. Kaya naman nairita na naman ang aming guro dahil hindi niya na matuloy-tuloy ang graded recitation niya.

"Hi Ma'am good morning, I'm the school's public information officer, I'm here to announce a very special matter. So can I come in ma'am?" pormal na pormal na saad ng babae.

"Yeah go" parang napilitan lang na saad nito.

Hindi na nagpatumpik tumpik pa ang PIO dahil agad na siyang pumasok sa room dahil mukhang nagmamadali lang din naman siya.

"It's almost and September, and we all know that intrams week is coming" ang tanging tumatatak sa isipan ko sa lahat ng pinagsasabi niya.

Ayos ah, parang kanina iniisip ko lang tapos ngayon may announcements na.

Sinabi niya na may iikot ding mga estudyante na maglilista ng pangalan sa bawat sport ng event.

Nang mawala ang babae ay agad na tumawag si ma'am para ipagpatuloy ang recitation niya.

"Miss Rodriguez" mariing pagtawag niya kaya naman agad na napatayo ang tinawag niya at binasa ang nakasulat sa PowerPoint niya. Akmang sasagot na si Jade ng may kumatok na naman sa pintuan. Inis na naman niyang hinarap mga ito at napilitang papasukin ang mga estudyante.

Sila pala ang maglilista para sa mga players na gustong sumali. Kaya pinabayaan ko na lang dahil hindi naman na ako interesado. Hanggang sa,

"Clark James Santiago, dito ba yon?" rinig kong tanong nito sa harapan. Ang mga kaklase ko na ang sumagot para sa'kin. At ng ituro nila ako ay agad ako nitong hinarap.

Agad na nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kung sino iyon.

Clyde Justin Villeza

Dapat ko pa bang sabihin kung sino siya?

"Long time no see CJ two" walang kwentang pabati niya kaya pinagtaasan ko na lamang siya ng kilay.

"Iniimbitahan ka namin bilang isang manlalaro sa dadating na intrams" ngayon naman ay pormal na wika niya.

Gaya ng ginawa ko last year, pa simple kong minataan ang dapat na number one supporter ko. Pero gaya din last year ay busy siya at parang may sariling mundo.

"Anong masasabi mo Clark James? Hindi ba't isa ka sa best players noong elementary? Bakit bigla ka na lang hindi naglaro, sayang ang potential mo" mahabang salaysay niya pero hindi ko na siya pinakelaman. At sinagot na ang nakasanayan kong sagot taon-taon.

"No"

****

Lunch break, napansing kong may kadiliman ang kalangitan at ang hula ko'y uulan. Nandito lang kami sa tambayan, pero kaming dalawa lang ni Kevin dahil si Ash ay hindi na bumalik simula ng iexcuse siya, paniguradong doon na yun kakain.

Kakatapos lang namin kumain ng mapansin ko ang pagtayo ni Kevin.

"San ka pupunta dude?" kagarang tanong ko sa kanya.

"Maghahanap ng mapagtri-tripan, absent si Scian eh"

"Sus hahanapin mo lang si Maira dahil paborito mong pagtripan" pang-aasar ko rito. Agad na nandiri ang expression niya at umakto pang naduduwal.

"Hindi lang siya ang pwede kong pagtripan" huling sinambit niya bago tuluyang umalis.

Sampung minuto pagkaalis niya ay ramdam ko pagpatak ng mahinang ulan.

Dahil wala akong dalang payong at wala namang bubong sa tambayan namin napagpasyahan kong umalis na bago pa lumakas ang pag-ambon na ito.

Nang medyo lumakas na ito ay nakisilong na lang muna ako sa mga babaeng nasa kubo.

Isang kindat ko lang pumayag na sila.

Lakas ko talaga.

Di nagtagal ay lumakas na ang pag-ambon hanggang sa tuluyan ng naging ulan ito. Akala ko'y simpleng pag-ulan lang iyon ng dumagundong ang malakas na kulog, parang dumagundong din ang isipan ko dahil sa alaalang pumasok rito.

Jade

Wala sa sariling sinugod ko ang malakas na ulan at dali-daling tumakbo para hanapin siya.

Takot siya sa malakas na kulog at mas lalong takot siya sa kidlat. Hindi magtatagal ay kikidlat na din dahil kapag may kulog may kidlat.

Wala siya sa canteen kaya malamang ay nasa classroom lang siya. Tapos wala pa siyang kasama sa mga oras na ito. Absent si Scian, si Maira naman nasa reviewhan pa.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo kahit hingal na hingal na ako. Hindi na pinansin na naliligo na ako sa malakas na ulan para lang puntahan siya.

Kailangan niya ako.

Hanggang sa nakarating na ako sa building namin. Hindi nga ako nagkamali.

Kagaya ng dati, nakaupo siya sa may corridor at bakas ang takot sa mga mata niya. Dahan-dahan din tumutulo ang mga luha niya at tinatakpan ang tenga niya.

Hindi na ako nagsayang ng oras at pinuntahan siya at niyakap kagaya ng noon. Mahigpit ang pagkakapit niya sa'kin at humihikbi sa dibdib ko.

"Tahan na Jade" pagpapakalma ko sa kanya.

At this moment, I want to be his comfort zone again. Kung saan sa'kin lang siya kumportableng ipakita ang pagkatao niya. Na ako lang ang palaging sinasamahan niya. At ako lang palagi ang kasama niya.

I am once, his comfort zone and I want to be it again.

Jade's comfort zone.

Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon