James' POV
Dali-dali akong napatakbo papalayo sa bahay nina Jade ng malaman ang tunay na namamagitan sa'min. Na ayon sa Daddy niya ay magpinsan kaming dalawam at hindi pwede magsama sa isang relasyon na mayroon dapat kami. Ang daya lang eh, bakit ngayon pa lang lumabas ang katotohanan, bakit hindi manlang nila pinaalam sa'min noong simula pa lang? Edi sana nalaman na namin ang limitations namin di ba? Edi sana hindi na humantong sa ganito ang lahat di ba? At sana hindi na lang kami nasasaktan ngayon.
Pero bago pa man ako makalayo may nakasalubong akong isang magarang kotse at naaninag ko ang pigura ng isang pamilyar na babae na disenteng bumababa mula roon. Nakikilala ko ang itsura niya pero hindi ko mawari kung ano ang pangalan niya.
"Tita Maybel?" biglang bulong ko sa'king sarili.
Siya nga ba ang Mommy ni Jade? Kung oo, ano kayang ginagawa niya dito? Sa pagkakatanda ko hindi na nagpakita si tita Maybel simula ng magkahiwalay ang mga magulang niya. Ibig bang sabihin nito nagkabalikan na sila? Hindi, imposible, kasi kung magkakabalikan na sila edi sana nagkwento na sa'kin si Jade. Pero anong ginagawa ni tita dito?
Nandito ba siya para kumpirmahin ang sinabi ni tito na magpinsan kami ni Jade?
Tinawagan ba siya ni tito para lang matigil na ang namamagitan sa'min ni Jade?
Pinapaputol at nililimitahan niya na ba talaga kaming dalawa?
Wala sa sariling napatakbo ako papalayo dahil sa sariling naiisip.
Ito na nga ba ang wakas naming dalawa?
****
Matamlay at lutang akong nakarating sa bahay. At kung mamalasin ka nga naman, isang panibagong sigawan na naman ang mahahantungan ko ngayong araw.
Ang mga magulang ko naman ang nag-aaway.
"You don't have a time to clean this house at all, tapos gusto mo pang dagdagan 'yang trabaho mo? Are you insane?" ang unang pabungad na sigaw ng aking ama ang nadatnan ko.
"Ano bang pakialam mo? Wala nang pakialaman di ba?" matinding pagbabara naman ng aking ina dito.
Wala akong choice kung hindi pumasok na para bang wala sila sa pamamahay na ito. Pagod ako mula sa pagkakatakbo, at may sarili akong dinadamdam ngayon. Dapat ko pa ba silang intindihin? Sanay naman na akong minsan na lang silang makitang magkasama dito sa bahay, at sa bawat pagkakataon na yun nagbabangayan sila.
"Kung hindi mo lang pinilit na magkaanak, edi sana hindi tayo nagkakaganto!" rinig ko pang wika ni Papa.
"It's always your pride! Lagi mo na lang 'yang inuuna! Kaya hindi na naging maayos ang relasyon na'to nang dahil sa pride mo!" nagsisimula nang tumaas ang kanilang mga boses, at alam na alam ko na ang patutunguhan nito.
Panibagong rason na naman para hindi sila magkita kahit manlang sa bahay na'to.
"Palawakin mo nga manlang 'yang utak mo! Ang kitid-kitid! Hindi mo manlang naiisip ang pinupunto ko! Kung sana pinakinggan mo lang ako noon, hindi magkakaganto ang relasyon natin Clarisse! Edi sana masaya pa sana tayong nagsasama ngayon"
"Sige ako na, kasalanan ko na. Ako naman palagi ang mali di ba, tas ikaw palagi ang tama? Ang tali-talino mo talagang abogado Jamarius! Ikaw palagi ang nanalo sa korte at maging sa pamamahay na ito ikaw pa din ang nasusunod!"
Wala na binaggit na nila ang pangalan ng isa't isa, sigurado akong isang mainit na away na naman ang mapapakinggan ko mula sa kanila. At yun na lang palagi ang mga rason na ibinabato nila sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)
Teen Fiction{Bad Love Series#2} STORY BETWEEN TWO STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. CLARK JAMES VALEROS, THE PLAYBOY, AND JADYLYN MAE RODRIGUEZ, THE MALDITA. THOSE TWO ARE CHILDHOOD BEST FRIENDS BUT THEIR FRIENDSHIP WAS RUINED FOR AN UNKNOWN REASON. JADE IS AN MALDI...