CJ / James POV
Dahil walang pinili si Jade sa aming dalawa ng isa pang CJ, ay nag individual na lang din ako. Ayos lang naman sa'kin na magkaroon ng panibagong kapartner si Jade, para naman hindi siya masanay na ako lang palagi ang kasa-kasama niya lang. At isa pa para naman mabawasan ang pagiging mahiyain niya. Wala namang kaso don, kaso kung may tiwala lang sana siya sa sarili niya magiging confident din siya gaya ng iba. Ayos lang kahit sino ang maging kasama niya basta wag lang si CJ. Akala siguro ng lalaking iyon ay hindi ko napapansin ang mga pinaggagawa niya kay Jade simula nang naging katabi niya ito.
Flashback:
"Jade recess tayo?" pagtatanong ng umeepal na kapangalan ko. Siya kasi ang katabi ni Jade sa kaliwa niya. Iba kasi ang pagkakaayos ng upuan namin ngayong grade five. Kung dati ay dalawa-dalawa lang kada row ngayon ay tatlo-tatlo na. At kapag minamalas ka nga naman ay si Clyde Justin pa ang napatabi sa kanya.
"Recess na ba?" at isa pa itong si Jade, parang wala lagi sa sarili. Minsan nga nakikita ko na ngumingiti siya mag-isa. Tapos laging tulala at parang laging lumilipad ang utak sa kung saan. Tapos parang kilig na kilig pa ang nakikita kong ekspresyon niya.
Ano bang iniisip niya kasi? Nakakakilig na bang lumipad ang utak papunta sa kawalan? Gusto kong sumama, para maranasan ko din yung nararanasan ni Jade.
"Ah hehe oo, tara na?" pagsagot na naman ng isa. At nang tinggnan ko naman si Jade ay nakangiti pa din siya.
Ano bang nginingiti ngiti niya? Naiinis na'ko ah.
"Ah si-"
"Jade tara na" pagpuputol ko sa sasabihin niya dapat sa kapangalan kong 'CJ'. Tumayo na'ko at kinuha na ang braso niya para patayuin na'din sana siya kaso may umepal na naman.
"Pre 'di mo ba nakikita? Nasasaktan na 'yung babae oh. Kaunting respeto naman" pangingialam niya sa akin.
Nang tinggnan ko naman si Jade, wala namang nagbago sa reaksyon niya. Gaya kanina ay parang nasa ibang mundo na naman ang pag-iisip niya.
"Respeto?" umismid ako.
"Napapakinggan mo ba ang sarili mo, CJ?" napangiwi naman ako ng sabihin ko ang palayaw ko.
"Kung may hihingi ng respeto sa'ting dalawa, ako 'yun. Akala mo ba hindi ko napapansin na nilalayo mo 'yung loob niya sa'kin? Noong isang araw at kahapon pinabayaan ko na kayong magrecess na dalawa para naman magkaroon ng panibagong kaibigan si Jade pero ngayon? Sobra ka na eh! Tama na ang dalawang beses" pagpapatuloy ko sa mga aking mga sinasabi.
"Alam mo naprapraning ka lang. Wala namang masama na yayain ko siyang sumama sa'kin. Binibigyan mo lang ng meaning ang mga ginagawa ko" pakikipagtalo pa nito sa akin.
"Kasi nga may meaning! Lalaki din ako, alam ko ang ibig sabihin ng mga ginagawa mo" bahagyang nanlaki ang mga mata niya sa mga katagang binagsak ko.
"Pero uunahan na kita, ako ang nauna. So better back off"
****
"Hoy Jadylynda, tanghalian na't lahat ay ganan pa'din ang itsura mo. Para kang lumulutang sa ere" pananaway ko rito. Kanina nang recess pinabayaan ko na siya kasi parang masaya naman siya sa kung ano 'mang iniisip niya. Pero ngayon tama naman muna.
"Ay hehe sorry, may naiisip lang" parang nahihiyang sambit niya. Nginitian ko naman siya dahil para siyang natauhan sa mga pinaggagawa niya.
"Ano namang iniisip mo? Pasama naman ako" pagpapabebe ko sa kanya. Bigla naman siyang namula noong tinanong ko iyon.
Pinat ko naman ang ulo niya at bahagyang ginulo ang buhok niya. Ang cute niya kapag namumula siya. Hay iba na talaga ito.
"Kumain ka na lang, saka na'ko sasama sa iniisip mo kapag ako na ang bahagi noon" pagbibiro ko pero lalo lang siyang namula.
Bahagya akong natawa noong pinapaspasan niya kumain. Akala ko nga ay mabubulunan pa siya eh, mabuti na lang hindi dahil baka ako pa ang unang maospital dahil sa pag-aalala.
OA na kung OA, isip bata man kung isip bata, pero ganto talaga ako eh. Nagiging kumportable ako kapag siya ang kasama ko. Nakakalimutan ko ang mga problema ko sa buhay kapag siya ang kasama ko. Sa tuwing maglalaro ako para sa school siya ang unang nandiyan para suportahan ako.
Inalis ko ang mga isip na 'yun dahil baka ako naman ang akusahan niya na ako naman ang lumulutang sa ere.
Aabutan ko na sana siya ng pineapple juice ng may naglapag ng coke sa harap niya. Parehas kaming napatinggin sa taong naglagay niyon sa lamesang inuukupa namin.
Si Clyde Justin na naman?!
"Jade coke oh, tamang-tama at kakain mo lang" wika pa nito. Hindi ko alam kung bakit may inis agad akong naramdaman ng makita ko siya at lalo na noong nagsalita pa siya.
"Ah salamat?" alinlangang tugon ni Jace. Napangisi naman ako at nilapag na ang pineapple juice na kanina ko pa dapat ibibigay kung hindi lang umepal ang isang ito.
"Huwag 'yan ang inumin mo Jace, baka magka UTI ka pa. Ito na lang pineapple juice, para lagi kang healthy" pagtutol ko sa kanya at binuksan na din ang lata ng pinepple juice.
"Ito ang inumin mo Jade, coke kasi kakain mo lang. Tapos sabi sa commercial di ba masarap ang coke pagkatapos ng tanghalian" pagdadahilan pa ng mokong.
"Hindi lahat ng nasa commercial ay tunay Jade. 'Wag kang magpapaniwala masyado" pagsalungat kong muli.
"Try mo kasi muna para malaman mong totoo ang sinasabi ko"
"Jadylyn Mae, ang inumin mo ay 'yang pineapple juice dahil healthy 'yan hindi tulad ng coke na sanhi ng UTI"
"Makati naman sa lalamunan 'yang pineapple, 'yung coke hindi"
Naputol ang tensyong nagaganap sa'ming dalawa ng may marinig kaming tunog sa lamesa.
"Sorry, pero sabi ni Mommy masama ang coke sa katawan at dapat twice a month lang ang pag-inom noon. Eh nakacoke na kami noong isang linggo tapos may event ang family namin next week, paniguradong may coke din doon" mahabang pagpapaliwanag ni Jade.
Napangiti naman ako dahil ako ang nanalo sa maiksing debate na ito. Ngiting wagi 'to mga men!
End of Flashback.
Palagi na lang umeepal si Clyde Justin at parang nilalayo niya si Jade sa'kin. Syempre hindi ko matatanggap 'yun 'no!
Si Jade lang ang nakakaintindi sa'kin. Siya lang ang nakakaalam ng problema ng pamilya ko, pero ni minsan hindi niya ako hinusgahan doon. Siya din kasama ko sa tuwing may training kami para sa sports ko. Siya din ang kalaro ko sa badminton kapag wala kaming pasok. At gaya nga ng pinangako niya sa'kin na siya ang magiging number one fan ko, hindi niya 'yun binalewala. Ramdam na ramdam ko ang suporta na binibigay niya sa tuwing maglalaro ako para sa school namin. Sa tuwing may awarding siya ang nandoon sa halip na ang mga magulang ko. Hindi ko na nga sila hinahanap dahil sa tuwing nakikita ko ang pagkaproud ni Jade sa'kin, kontento na ako. At dahil na'din siguro doon kaya ako nagiging ganito sa kanya. Hindi ko alam, hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. Pero sa tuwing nababanggit ang salitang konektado sa kanya hindi na siya mawala-wala sa isip ko. Buong araw na 'yun, buti na nga lang at hindi siya nadadapa kapag tumatakbo siya sa isip ko. Pero seryosong usapan, naiinis ako sa tuwing nilalapitan siya ng ibang lalaki, lalo na kapag si Clyde Justin 'yun! Hindi ko din alam kung bakit.
Pero isa lang ang masisigurado ko.
Hangga't nasa tabi niya ako, ipaparamdam ko sa kanya na ako ang comfortable place niya. Na ako ang palaging nasa tabi sa kahit na anong oras ng buhay niya. Ipaparamdam ko na, kahit ako lang ang kaibigan niya, na sapat na siya gaya ng nararamdaman kong pagkakontento sa kanya.
At kung maari, ipaparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kagusto.
Hindi lang bilang kaibigan, kundi bilang isang taga hanga niya.
BINABASA MO ANG
Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)
Genç Kurgu{Bad Love Series#2} STORY BETWEEN TWO STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. CLARK JAMES VALEROS, THE PLAYBOY, AND JADYLYN MAE RODRIGUEZ, THE MALDITA. THOSE TWO ARE CHILDHOOD BEST FRIENDS BUT THEIR FRIENDSHIP WAS RUINED FOR AN UNKNOWN REASON. JADE IS AN MALDI...