<71> Back to Sports

6 2 0
                                    

James' POV

"It's nice to see you again, playing sports, CJ" pabungad ni Clyde sa'kin ng makarating na ako sa gymnasium para makapagtry-outs dahil tutupadin ko ang pangako ko kay Jade na maglalaro na muli ako ngayong grade ten na kami. 

"Thanks" ang tanging sinabi ko dito. Kung nagtataka kayo kung anong ginagawa niyan dito, siya kasi ang captain ng varsity ng basketball. Akalain niyo 'yon? Dati kalaban ko lang 'yan sa badminton noon tapos ngayon basketball na pala ang nilalaro niya. 

"Kamusta na pala si Jade?" pang-uusisa ko dito na ikinataas ng kilay ko pero agad akong kumalma nang maalalang taken na nga pala ang isang 'to. 

"Hindi mo naman siya kinakamusta dahil balak mo siyang ligawan 'no?" pagdidiretso ko sa kanya na ikinakunot ng noo pero agad din naman siyang tumawa. 

"May nakakatawa ba?" 

"Huwag kang mag-alala CJ, kung ano mang nasa isip mo ngayon, hindi na mangyayari 'yon. Matagal ko na namang alam na wala talaga akong chance kay Jade, at isa pa alam ko namang ikaw talaga ang gusto ni Jade noon pa man. At ano ka ba, masaya na ako sa girlfriend ko ngayon" pagpapapaliwanag nito sa'kin. 

"Ahh akala ko break na kayo, kaya si Jade naman ang dinidiskita mo" walang pakundangang wika ko. Tinawanan niya lamang ang sinabi ko bago nagsalitang muli. 

"Imposibleng mangyari 'yon, pangmatagalan na talaga kami" nakangiting sambit nito, parang bakla ampota!

"Hoy 'wag mo namang ipahalatang kinikilig ka diyan" may halong pang-aasar na sabi ko dito. Kaya naman agad siyang napaayos sa sarili, tumawa pa ako ng nang-aasar at effective naman kasi naiinis na siya ngayon. 

Nagkakwentuhan pa kaming dalawa habang hinihintay pa ang ibang nais na magtry-outs bago magsimula. Doon ko din nalaman na kaya pala siya naging basketball player na ay dahil inexplore niya ang sarili. Hanggang sa mas nagustuhan niya daw ang basketball kaysa sa badminton. Ako naman, hindi ko pa sigurado kung saan ako lalagay. Dahil 'di katulad dati ay pwedeng multiple sports ang laruin mo, ngayon ay isa lang talaga ang pwede. Kaya naman nahihirapan akong pumili. Kaya nga ako magtra-try outs sa lahat ng gusto kong laruin muna, tapos sa kung saan ako mas kumportable doon na ako mananatili. 

Aba napansin ko lang ah, parang kailan lang magkaribal kami nitong Clyde na 'to tapos ngayon magkaibigan na kami. 

Naputol lamang ang pagkwekwentuhan namin ng biglang nagring ang cellphone ko. 

Beybi Jadylyndangzs q❤ calling....

Napangiti naman ako ng tumawag na naman siya. Ewan ko ba dito, sabi ko textmates lang talaga kami eh, pero ang nangyari nagiging callmates na din. Ayos lang, gusto ko din naman. 

"Hello?" 

[James, good news!!] masiglang pananalita nito. 

"Oh bakit?" bigla naman tuloy akong naexcite nang mapakinggan kong may good news siyang sasabihin. Mapakinggan pa nga lang boses niya nakakaexcite na, ito pa kayang may hatid siyang magandang balita. 

[Pwede akong makapanood ng try outs mo! Walang klase pagkatapos ng break ngayon] tuwang-tuwang anunsyo nito na siyang ikinangiti ko ng todo. 

"Yes naman! Mapapanood ako ng number one fan ko! Dalian mo ah, 'di pa din kasi nagsisimula dito" galak na galak na saad ko dito.

[Oo naman, basta pagkatapos lang namin ni Scian sa canteen diretso na kagad ako diyan sa gym! Tutal may gagawin na naman sina Scian at Ash eh! Diyan na lang ako pupunta] mahabang lintaya nito at para na akong asong ulol dito dahil sa mga ngiti ko. 

Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon