Jade's POV
Kahit ayaw kong umalis sa lugar na 'yon ay ginawa ko pa din dahil may tiwala ako kay Maira. Hindi naman niya sasaktan si James di ba? Hindi magagawa ni Maira 'yon, kakausapin niya lang si James. Kung ano mang gawin niya, alam kong para lang din 'yon sa'kin. Nag-aalala lang si Maira sa kalagayan ko, at syempre bilang kaibigan niya dapat kong intindihin 'yon. Pero hindi ko pa din maiwasang kabahan dahil pahimadong ginigisa na ni Maira si James ngayon. Baka kung saan pa pumunta ang usapan nila. Sana pala sinabi ko na sa kanya noong nasa NYC sa pa siya, edi sana hindi na nadamay si James. At saka baka maiba pa ang sitwasyon ngayon.
Pero wala na eh, 'yon na yung nagawa ko.
Hindi nagtagal ay nakatungtong na ako sa canteen, dito ko daw hintayin si James. Mag-isa akong umupo sa isa sa mga bakanteng lamesa dito, ang lonely ko naman tinggnan. Napagpasyahan kong bumili muna ng makakain para kahit papaano ay mabawasan ang aking kaba ngayon para kay James, at para na din ituon ang atensyon sa iba pansamantala.
Kaso mas lalo ko lang siyang naisip kasi naman bakit yung paborito pa naming ice cream ang binili ko?
Habang kumakain ay may biglang tumapik sa balikat ko kaya agad ko itong nilingon dahil akala ko ay si James na ito. Pero hindi pala kaya naman agad na nag-iba ang excitement ko.
"Parang sinabi mo na ding ayaw mo akong makita" natatawang anas ni Scian bago umupo sa katapat kong upuan.
"Asan na 'yong kasama mo kanina?" smooth na pagbabago ko ng topic, buti na lang talaga at hindi nakalahata itong si Scian kasi agad niyang sinagot ang tanong kong 'yon.
"Pinauna ko na, nakita kita ditong nag-iisa eh para kang lonely kaya agad kitang pinuntahan kasi baka madepress ka" may halong birong saad niya.
"Ma-depress naman ah" reklamo ko at tinapos na ang pagkain ng ice cream.
"So bakit ka nga ba nag-iisa dito? Akala ko ba'y magkasama kayo ni Maira at kakausapin niya ang James mo?" pagtatanong nito kaya naman lalo ko tuloy naisip kung ano na ba talaga ang pinag-uusapan nila at hanggang ngayon ay wala pa din sila dito.
"Kanina nga magkasama kami ni Maira, kaso pinaalis naman niya ako" pagkwekwento ko dito.
"Ay, bakit naman kaya?"
"They need to talk privately daw, tapos sabi niya maghintay daw ako dito. Pero bakit hanggang ngayon wala pa din sila?" parang batang sumbong ko kay Scian.
"Masyado ka lang naiinip, chill ka lang. Hindi naman mapapaano si Maira don" pagpapakalma niya sa'kin.
"Eh pa'no si James? Baka mamaya ginigisa na siya don tapos wala man lang ako para umawat" nag-aalalang tanong ko na naman.
"Hindi naman mangangain tao si Maira, 'wag ka na ngang mag-isip ng kung ano-ano. Maya-maya'y nandito na din yun" aniya. Tumango na lamang ako at sinubukang ipakalma ang sarili pero hindi talaga mawala ang kabang nararamdaman ko.
Bakit ba ako masyadong nag-aalala? Wala naman sigurong masamang mangyayari. Napaka overthinking ko talaga!
"We're here na!" dumagundong ang sigaw ni Maira sa loob ng kantina, buti na lang at kakaunti ang mga tao rito. Sinamaan ng tinggin ni Maira ang lahat ng tuminggin sa kanya, sheesh, ayos ah lahat takot na sa kanya. Kasunod niya si James kaya naman awtomatikong nawala ang pagkakabado ko.
"Jadylynda" tawag niya sa pangalan ko.
"James"
"Para naman kayong isang dekadang 'di nagkita sa mga reaksyon niyong 'yan" pagsingit ni Maira at umupo na din sa lamesang inuukupa namin ni Scian ngayon.
BINABASA MO ANG
Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)
Teen Fiction{Bad Love Series#2} STORY BETWEEN TWO STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. CLARK JAMES VALEROS, THE PLAYBOY, AND JADYLYN MAE RODRIGUEZ, THE MALDITA. THOSE TWO ARE CHILDHOOD BEST FRIENDS BUT THEIR FRIENDSHIP WAS RUINED FOR AN UNKNOWN REASON. JADE IS AN MALDI...