<87> Date

6 2 0
                                    

Jade's POV

Gaya nga nang sabi nina Scian at Maira ay sinunod ni James na dapat daw ay magdate kami. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak nitong kasama ko at bigla na lamang akong dinala dito sa peryahan. Tapos kanina pa selfie ng selfie kung saan-saan at higit pa don sinasama niya pa talaga ako. Mukhang lahat talaga ng inutos at sinabi ni Maira ay sinusunod niya, at talagang gustong-gusto niya pa talaga. 

Bakit, ikaw ba Jade, di mo gusto? 

Sheesh, enebe syempre gusto ko din! 

"Jade saan mo unang gustong sumakay na rides?" pagtatanong niya sa'kin. 

"Buti naman at naisipan mo pa akong tanungin ano? Kanina ka pang selfie nang selfie diyan" pambabara ko dito na siyang ikanangiti niya ng alinlangan. 

"Nagsesend lang naman kasi ako ng pictures natin kay Maira, kailangan daw updated sila eh" pangrarason niya pa. 

Ayos din si Maira mag-isip eh, hindi nga siya sumama sa 'date' namin ni James pero alam niya pa din ang kaganapan dahil nagpapasend siya ng photos at videos kay James. 

Oh di ba? Mautak! 

"So saan mo nga gustong pumunta?" pagbabalik niya sa tanong niya kanina. Napaisip naman ako sa kung saan nga ba kami pupunta. May kalakihan din kasi ang peryahan na 'to, kaya naman madami ding rides ang naririto, bukod pa yung mga palaro at kung ano-ano pang stalls. Kaya naman nahirapan akong sagutin ang tanong niya. 

"Siguro don na lang muna tayo sa mga palaro, hindi ko alam kung anong magandang rides eh" sagot ko na lamang kesa naman sa tumunganga kami dito ay kanina pa ngang nakatunganga? 

"Sige ba, saan mo ba gustong maglaro?" tanong na naman niya. 

"Tanong ka ng tanong, ikaw na lang pumili" 'di maiwasang pagmamaldita ko rito.

Sheesh, 'di ko naman sinasadya eh. Bakit nga ba parang ang maldita ko ngayon? 

"Hehe sorry naman, nagtatanong lang naman ako" rinig ko pang sabi niya bago ako hilahin papalapit doon sa isa sa mga stalls na may mga palaro. 

Ang unang nilapitan namin ay yung may mga pinagpatas-patas na paper cups at kailangan patumba ang lahat ng 'yon gamit lamang ang dalawang bola. Kailangan talagang lagas 'yon ah, as in laglag dapat sa sahig, kaya medyo mahirap ang larong 'yon. Pero worth it naman kung mananalo kasi isang malaking bear ang premyo. 

"Jade anong kulay ang gusto mong bear?" pagtatanong na naman ni James sa'kin. 

"Hindi ka pa nga nananalo, price na kaagad ang nasa isip mo?" pagmamaldita ko na naman dito. 

Sheesh, Jade ano na bang nangyayari sa'yo at nagmamaldita ka ng ganyan? 

"Gusto ko lang namang tanungin ka para alam ko na ang magiging goal ko" sagot nito at medyong paawa yung boses niya. Naguilty tuloy ako. Bakit ba kasi nagkakaganito ako ngayon?!

"Sorry, yung blue na bear" tugon ko dito. Tinanguan na lamang niya ako bago kausapin yung taong namamahala ng palarong 'yon. 

Unang try ni James na pagbato ng bola ay anim na kaagad ang napatumba niya, at mukhang mahihirapan talaga siyang ipatumba pa ang apat na natitira kasi may kalayuan ang mga ito. At hindi nga nagkamali ang hula ko dahil may isang natirang paper cup na natira doon sa lamesang pinagpapatungan. Umulit muli si James, hanggang sa hindi ko na mabilang kung ilang beses na siyang nagtry. 

"James tara na" yaya ko na sa kanya dahil parang kalahating oras na kaming nakatambay dito. 

"Ayoko Jade, kukunin ko yung blue bear" pagtanggi niya at ayon nagtry na naman siya ng panibagong chance. 

Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon