Jade's POV
Natapos na tryouts ni James sa apat na sports na kinahihiligan niya. At sa apat na 'yon ay iisa lang binaggit sa kanya kasagutan.
Malaki ang potential mong makasali.
Oh di ba? Kaya naman gulong-gulo na siya ngayon dahil hindi siya makapili. Gusto niya daw talaga lahat pero hindi maari, kailangang isa lang talaga para nandoon lang ang focus sa sports na 'yon. Pero ang tanong anong pipiliin niya sa apat na 'yon? Basketball? Soccer? Badminton? Swimming?
"Eh ano bang pinakagusto mo sa apat na 'yon?" pagtatanong ko sa kanya para makapili na kagad siya sa apat. Kasi mamaya o bukas na ang announcement ng mga napili ng coaches ng kada sports na inapplyan ni James, tapos hindi pa siya kagad magde-decide? Edi lalo nang nagpanic 'yan?
"Ipagdasal na lang natin na sana hindi ako tanggap sa iba para naman mabawasan ang choices ko" stress na stress na wika nito.
"Bakit kasi lahat ng gusto mo ay inapplyan mo? Edi lalo kang nahirapan?" pangaral ko sa kanya dahil pati ako ay nadadamay na sa sitwasyong 'to. Mas lalo akong naii-stress sa kanya.
"Para malaman kung saan ba talaga ako belong na sports Jade" pagsagot ni James sa katanungan ko.
"I will let faith chose my destiny" dagdag niya pa.
"Pa english-english ka pa ah" natatawang saad ko dahil hindi ko sigurado kung tama ba ang mga pinagsasabi niya. Aba ako pa ba ang magcri-critique? Eh bobo nga ako pagdating sa english!
Oh inunahan ko na kayo ha! Didistansya lang ako sa mga feeling matalino, Sheesh.
"Alam mo na para sosyal" pabirong tugon nito kaya naman nauwi kami sa tawanan.
"Saya natin ah?" ang tinig na nagpatigil sa'min ni James at agad nilingon ang gawi ng nagsalitang 'yon.
"Parang 'di ka namomroblema sa kung anong kukunin mong sports brad, ah?" pagpapatuloy pa ni Clyde at biglang inakbayan si James kaya muntikan na akong matawa dahil halata sa pagmumukha ni James na nasasakal na siya. Paano ba naman kasi, hindi sa balikat inakbayan, sa leeg!
"Huwag ka ngang mang-akbay, bakla ka ba?" pagsusungit ni James sa kanya pero tinawanan lang siya ni Clyde.
"Papatayin mo ata ako eh" pahabol pa ni James at tinanggal na ang braso ni Clyde sa leeg niya.
"Slight" walang kwentang sagot ni Clyde pero nagtawanan naman silang dalawa.
Nagsama ang dalawang uto-uto.
"Bakit ka ba nandito Clyde? Sinusundan mo ba ako ha? Stalker na ba kita ngayon?" walang prenong pagtatanong ni James dito.
"Huwag ka ngang assuming, kung may iis-stalk ako si Jade 'yon. Ano nga, Jade?" aba dinamay pa ako.
"Ba't nadamay ako?"
"Hoy Clyde, susumbong kita sa girlfriend mo" pagbabanta ni James dito kaya naman agad umayos si Clyde.
"Ikaw naman 'di mabiro, walang sumbungan" sabi pa nito kaya naman nagtawanan na naman sila. Magtatawanan ba sila buong maghapon?
"Bakit ka nga nandito Clyde? Siguro naman hindi lang tawanan ang habol mo 'no?" ako na ang nagtanong ng matino sa lalaking bagong dating.
"Parang ayaw mo naman ako dito, naiistorbo ko ba ang ehem, ang bebe time niyo?" nang-aasar na tugon nito kaya naman agad akong napaiwas ng tinggin dahil sa kahihiyan. Dapat pala hindi na lang ako nagsalita, naasar pa tuloy.
BINABASA MO ANG
Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)
Teen Fiction{Bad Love Series#2} STORY BETWEEN TWO STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. CLARK JAMES VALEROS, THE PLAYBOY, AND JADYLYN MAE RODRIGUEZ, THE MALDITA. THOSE TWO ARE CHILDHOOD BEST FRIENDS BUT THEIR FRIENDSHIP WAS RUINED FOR AN UNKNOWN REASON. JADE IS AN MALDI...