James' POV
Masayang-masaya akong papasok sa school ngayon dahil sa wakas ay natapos ko na din ang pagplaplano ng magagawa ko sa isang araw, ang araw ng mga puso. Magprapractice na lang ako mamaya at bukas, para naman ayos na ayos na talaga ang napakaganda kong plano.
Nainterrupt ang pagde-day dreaming ko ng mga posibleng maging reaksyon ni Jade pagkatapos kong maisagawa ang plano ko sa dadating na valentines, ng may humarang na babae sa dinadaanan ko. At ang babaeng iyon din ang humila sa akin noon. Ano nga ba ulit ang pangalan ng taong 'to? Ah ayun, Meyn.
Janaiah Meyn Cruz.
"Umalis ka nga sa dinadaanan ko" utos ko dito. Ano ba yan kay aga-aga ay naiiyamot na kagad ako dahil sa pagmumkha ng Meyn na 'to.
Magsasalita na sana 'to ng may biglang tumawag sa kanya na siya namang ikinalaki ng mata ko.
"I really can't believe na anak ka ng daddy ko, let's go na nga" tuloy-tuloy na pagrereklamo pa nito pero agad din siyang napatigil ng mamatahan niya ako.
"Shut up Mey, he's my daddy too" pakikipaglaban pa ni Meyn. Kaya naman pala makulit ang isang 'to dahil kapatid niya pala si Mey na isa pang papampam.
"Bastarda ka lang naman, stupid" pagtataray pa ni Mey dito.
"Argh! I'll tell this to daddy!" inis na inis na wika ni Meyn sa kapatid.
"Alright, sasabihin ko din na you didn't respect me as your ate" 'di pagpapaawat ni Mey.
Kulang na lang ay pumalakpak ako ngayon dahil hindi ko akalaing sa harap ko pa talaga mag-aaway ang dalawang 'to.
"And teka nga, why are you with him?" pagtatanong pa ni Mey at itinuro pa ang napaka perperkto kong mukha.
"Because he's my boyfriend!" tugon ni Meyn na siyang ikinairita ko.
"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi nga kita girlfriend? Ang kulit mo miss!" pagsingit ko sa pag-aaway nila.
"It's Meyn! Call me by my name"
"Edi sige. Meyn hindi kita girlfriend, 'wag kang paulit-ulit, 'wag pa-unlimited ha?" bwisit na turan ko rito at kita ko pa ang pamumuo ng luha niya pero wala akong pakialam. Hinding-hindi ko talaga siya papatulan, dahil una sa lahat englishera siya, pangalwa ang kulit niya at pilit na sinasabing girlfriend ko siya, at panghuli para siyang tangang nagpapakadesperada sa harap ko ngayon, at ayaw na ayaw ko noon.
"You heard the guy, so get lost, freak!" sabat pa ni Mey at parang tuwang-tuwa pa na nasasaktan ang kapatid niya.
"I won't! I already told you, you're mine and I'll take you back" pagmamatigas pa nito. Aalis na lang sana ako doon dahil napakawalang kwenta nang pinatutunguhan ng usapan at isa pa ay baka hinahanap na ako ni Jade ngayon. Pero napatigil lang ang balak ko ng magsalita si Mey na siyang ikinabilog ng mata ko.
"And paano mo ba nasasabing boyfriend mo siya eh ngayon ka lang naman umuwi ng Pilipinas?" nagtatakang tanong ni Mey sa kanya at halatang kinakabahan na si Meyn sa posibleng mangyari ngayon.
"You grew up there Meyn, at first time mo pa lang tumuntong sa Pilipinas. Ano bang pumapasok sa isip mo, nababaliw ka na ba?" pagpapatuloy pa ni Mey.
"What the fvck?" inis na pambabasag ko sa katahimikan.
"Liar!" sigaw ni Meyn sa kapatid.
"Ikaw 'yon! So totoo nga ang bali-balitang baliw ka nga? What a disgrace to my family" pagbawi naman ni Mey dito.
"That's not true!" hiyaw ni Meyn bago umalis sa harap namin.
"Hindi ko maintindihan" kalaunang saad ko dahil gulong-gulo ako sa nangyari. Kung hindi naman pala dito lumaki si Meyn, paano niya ako nakilala at sinabihang girlfriend ko daw siya?
"Ie-explain ko sa'yo tara maaga pa naman" prisinta ni Mey at dinala ako sa isa sa mga kubo. At hindi na siya nagsayang ng oras dahil nagkwento na kagad siya sa'kin.
Anak nga sa labas si Meyn, at sa ibang bansa siya lumaki kasama ang nanay nito. Kaya lang siya napapunta sa Pilipinas ay dahil pumanaw na ang ina nito at wala siyang ibang pupuntahan kundi ang tatay nito, na Daddy ni Mey. At kahit ayaw niya ay wala siyang nagawa dahil napapayag din ang Mommy niya sa set up na 'yon. At napapansin ni Mey na kakaiba kung kumilos itong si Meyn, maging ang mga katulong at kapitbahay ay yun din ang puna sa babae. Hanggang sa bansagan na itong baliw, at 'di imposible ang hinala nilang lahat dahil maging sa bansa na pinagmulan niya ay 'yon din ang sinasabi magmula noong namatay ang nanay niya.
At habang nagkwekwento siya ay 'di ko namalayang nakatitig na pala ako sa mukha ni Mey, at doon ko lang masasabi na kaya pala pamilyar si Meyn ay dahil 'di nagkakalayo ang itsura nilang magkapatid.
"Eh paano niya ako nakilala?"pagtatanong ko ng matapos na sa pagkwekwento si Mey.
"At saka paano niya nasabing girlfriend ko siya kung hindi naman pala siya dito nag-aaral sa campus?" dagdag ko pa.
"Maybe you're not aware na you are kinda popular sa socmed"
"Oh, tapos?" ano namang connect kung may kasikatan ako sa socmed?
"And maybe that's how she met you?" 'di siguradong tugon nito. At kahit 'di klaro sa'kin ang sinabi ni Mey na 'yon ay tumango pa din ako, para kunwari nagets ko kagad.
Pinagbabawal na teknik.
"Look, let's stop talking about my so-called sister" kalaunang wika ni Mey na siyang ikinatango ko muli.
"Oo nga, lalo lang akong naguguluhan eh" pagsang-ayon ko pa na siyang ikinangiti niya ng todo at magsasalita na sana kaso naunahan ko siya.
"Sige aalis na'ko" paalam ko dito na ikinakunot ng noo niya.
"Huh?" nagtatakang sambit nito.
"Tutal wala naman na tayong pag-uusapan na" pagklaklaro ko pa.
"Wait, teka lang" hirit niya pa pero nakatayo na ako ng tuluyan at pagtalikod ko ay laking gulat ko ng makita ang isang taong 'di inaasahan.
"JADE?!" 'di makapaniwalang sigaw ko pa dahil nakakagitla lang dahil bigla ko siyang nakita dito at nag-iisa pa siya.
"A-Ah napadaan lang ako, alis na din ako" nagmamadaling wika niya pa bago umalis sa kinaroroonan niya. Hahabulin ko pa sana siya ng may naramdamang akong may humawak sa balikat ko at nang tinggnan ko 'yon ay si Mey lang pala.
"Ako na ang susunod sa kanya, may sasabihin din kasi ako" lintaya niya pa, tinanguan ko na lamang ito at hinayaan na sundan si Jade.
Hindi na din muna ako sumunod sa kanila kasi baka makaistorbo pa ako sa maari nilang pag-usapan, nakakabastos naman kung makikisawsaw pa ako, di ba? At mukhang ngayon lang ulit sila nagkitang dalawa, baka magcatch up-an din katulad noong kay Clyde.
At bukod pa don, kailangan ko pa nga palang mag-isip ng pwedeng iregalo kay Jade. Alangan namang palipasin ko ang valentines ng walang regalo di ba? Aba dagdag pogi points din yun pag nagkataon.
Ano kayang maganda? Gusto ko yung special, kasi para sa espesyal na tao ko din naman ibibigay. Yung walang katulad ba.
Sa tinggin mo ano kayang pwede?
Dahil wala akong maisip ay napagpasyahan ko na magsearch na lang sa google tutal may load pa naman ako.
Pag wala kang maisip, humingi ka ng tulong sa iba. Pero kapag wala ka talagang isip, mag-google ka na lang.
Kaso pagbukas ko ng cellphone ay tadtad ng text messages at miss calls ito.
At lahat ng 'yon ay galing kay Jade.
BINABASA MO ANG
Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)
Teen Fiction{Bad Love Series#2} STORY BETWEEN TWO STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. CLARK JAMES VALEROS, THE PLAYBOY, AND JADYLYN MAE RODRIGUEZ, THE MALDITA. THOSE TWO ARE CHILDHOOD BEST FRIENDS BUT THEIR FRIENDSHIP WAS RUINED FOR AN UNKNOWN REASON. JADE IS AN MALDI...