<38> Bilin

7 3 0
                                    

Jade's POV

Hindi na ako nakatulog pagkatapos kong kumain at inumin ang gamot ko, dahil gaya nga ng binabalak nila noong sinabi kong absent ako dahil may sakit ako, nag half day nga sila. Hindi na nila napigilan ang kadaldalan nila dahil sa halip na pagpahingahin nila ako gaya ng gusto nila kanina ay hindi na nila pinatahimik ang kwarto ko. Dinala pa nila ang kadaldalan nila dito, mga wala hiya! At talagang hindi na sila nahiya dahil sa halip na sila na lang ang magdaldalan, dinamay pa talaga nila ako. 

Sheesh, gusto mo din naman.

Magaling naman na ako, wala naman na akong lagnat at sakit ng ulo pero mainit pa din ang katawan ko kaya kinakailangan ko pa ding uminom ng gamot bukod sa pinipilit lang ako ni Scian na uminom.

Kaya naman kasalukuyan kaming nagkwekwentuhan ng kung ano-ano, nagrereminisce ng mga pinagdaanan namin sa halos dalawang taon naming pagkakaibigan. Kung paano kami nagkakakilala, kung paano iclaim ni Scian na magkakaibigan na kami na dapat kami kasi naging partner namin ang isa't isa sa palaro ng adviser namin noong grade seven. At kung ano-ano pa, pero ang pinakamahalaga sa mga 'yun ay kung paano namin tanggapin ang isa't isa, yakapin at mahalin ang tunay naming mga sarili. 

Ganoon lang ang pinag-uusapan naming tatlo ng magshift ng topic itong si Scian sa pamamagitan ng tanong niya.

"Ano nga palang gusto niyo paglaki?"

"Ang lumaki" pabirong sagot ko kaya naman bahagyang tumawa ang dalawa. Sa aming tatlo kasi ako ang pinakamaliit ang height ngayong grade eight, sana naman ay magbago pa.

"Yung seryoso?" hindi pa din sinusuko ni Scian ang katanungan niya.

"Seryoso mandin ako" pilit ko pa sa biro ko. Inirapan niya naman ako at nagdemand pa din ng kasagutan sa tanong niya.

"Ano ba naman klaseng tanong 'yan Scian, pangbata!" ang tanging sagot ni Maira.

"Aba bakit? Matanda ka na ba?" turan ni Scian.

"Hi Lola Maira" pagsakay ko pa kay Scian.

"Syemays hindi. Ang ibig kong sabihin pang elementary yung tanong mo" pagklaklaro ni Maira sa sarili.

"Eh ano bang gusto mong itanong ko?!" may pagkainis na wika ni Scian.

"Bakit di mo na lang kasi sagutin, Maira?" pagtatanong ko sa kanya, pero di niya pinansin yun at 'itinama' ang tanong ni Scian.

"Dapat kasi ang tanong mo ay 'anong gusto nyong maging trabaho?' o di kaya 'anong plano niyo sa future?' and many other more" saad niya.

"Oh tapos? Ganon din naman yun" angal ni Scian.

"Oo nga, pinagara mo lang yung mga salita" pagsang-ayon ko pa.

"Well, inupgrade ko lang naman yung sentence kasi upgraded na din tayo. Dzuh! Highschool na po tayo" pagpapaliwanag niya pa sa ginawa niya.

"Edi wow" tanging nasambit ko na lamang dahil hindi ko na mareach ang katalinuhan ng kaibigan ko.

"Oo na, oo na. Dami mo naman masyadong alam, sagutin mo na lang tanong ko" pagdedemand pa din ni Scian.

"Hmmm" ngayo'y nag-iisip na si Maira ng maisasagot niya.

"Seryoso?! Aral ka ng aral, todong-todo na tapos hindi mo pa alam kung anong magiging trabaho mo?" ang reaksyon ni Scian sa simpleng galaw ni Maira.

"Madami kasi akong options Scian, ang hirap mamili. Kulang pa ako sa research at siguro ay sa pag-aaral. Madami pa akong kailangang pagdaanan para masagot ko 'yang tanong mo" tugon ni Maira at tumango tango naman si Scian doon.

"Kaya pala hindi masagot ng diretso at ang dami pang chubaneneng sa tanong" puna ko na siyang kinumpirma niya.

"Mismo"

"Eh ikaw Jade, anong plano mo?" ngayo'y ako naman ang tinatanong ni Scian.

Kaya naman na tense ako, grabe ganito pala nararamdaman ni Maira kanina, para kang hina-hot seat.

"Katense ano?" nakangising banggit ni Maira.

"Hehe"

"Ano ba yan?! Parehas kayong undecided pa, grade eight na kaya tayo!" inis na saad ni Scian dahil hindi siya nakapagdemand ng sagot mula sa amin.

"Grade eight PA lang tayo. Hoy, kumalma ka nga! Bata pa lang tayo, madami pa tayong pagdadaanan" wika ni Maira na siyang sinang-ayunan ko.

"At hindi kami kagaya mo na pinanganak ng desidido! Ikaw, nakalaan na para talaga sayo ang pagdodoctor kasi parehas naman doctor mga magulang mo"

"Hmmm, sure ka na bang mag dodoctor ka? Baka mamaya pinipilit ka lang nila tapos iba naman pala ang gusto mo" kalaunang tanong ni Maira.

"Sure na sure na ako! Heller, bata pa lang ako, mulat na ako sa ospital. Tapos mga laruan ko ganoon din. Tapos ang babait pa lagi ng mga doctor kapag kinakausap nila ako. Kaya ayun naimpluwensiyan ako. Gusto kong maging tulad nila. Gusto kong magpagaling ng tao" mahabang paliwanag niya.

"Tapos ito pa palang sakit ko, isang factor pa din yun" habol niya pa kaya naman nag-iba kagad ang reaksyon namin pero kagad niya na kaming inunahan.

"Op! Op! Op! Walang magiging malungkot. Kaya ko lang nasabi yun kasi, yung sakit na nadanasan ko, ayaw kong maramdaman yun ng ibang tao. Kaya ayun gusto ko talaga maging doctor, undecided pa lang kung anong klaseng doctor" tahimik kami ni Maira ng matapos si Scian sa pagsasalita.

"Siguro ako architect, ganoon si Mommy eh. Siguro sa paraang yun, dun ko ibabawi ang pagmamahal niya sa'kin" pambasag ko sa katahimikan.

"Di ka magaling magdrawing, naiinis ka kapag ganoon subject" banat ni Maira na ikinapuot ko.

"Tapos tabingi pa paglilinya mo kahit na naka ruler ka na" dagdag pa ni Scian kaya lalo akong nadismaya dahil parang malabo kong marating yun. Napabuntong hininga ako at inisip ko si Mommy. Kung paano niya ako alagaan at mahalin. Lahat ng makakaya niya ginagawa niya para sa'kin.

"Mapag-aaralan naman 'yun. Hay sheesh, miss na miss ko na siya" at tuluyan ng tumulo ang luha ko kaya naman ramdam ko ang pagyakap nila sa'kin. Sa kanila ko lang sinabi ang nalalaman ko tungkol sa pamilya namin kaya naman, alam nila kung saan ko hinugot ang lungkot ko ngayon.

"Wala namang iyakan Jade" pagpapagaan ni Maira.

"Wala ka ba talagang balak na sabihan yan sa isa mo pang kaibigan?" anas ni Scian na siyang tinutulan ng isa, pero inentertain ko pa din ang tanong niya.

"Alam mo speaking of CJ. Para na akong nagising noong maisip ko na baka way niya lang yung sa ulan para mahulog at mapaikot niya ako. Kaya naman pwede bang pigilan niyo ako kapag alam niyo nang parang nahuhulog na naman ako sa kanya. Pigilan niyo ako lumapit sa kanya. At wag nyong hahayaang lumapit siya sa akin. Dahil hindi malabong gumawa na naman siya ng hakbang para masaktan ako. Pwede ba hun Maira? Scian? Pwede bang protektahan niyo ako sa kanya?" mahabang bilin ko sa kanila.

"Oo naman, Jade" sabay na sagot nila kaya naman napangiti ako.

"Lalo ka na Maira, parang may kapangyarihan ka na ngayon dahil Bad Girl keneme ka na" may halong birong turan ko. Tumango tango naman siya at napatawa.

"Tulungan niyo akong gawin yun, pero sana wag niyo akong pagbawalan na tanawin siya sa malayo"

Nang sinabi ko yun, alam kong pinairal ko na naman ang puso ko, pero wala eh, hindi ko kayang kalimutan siya ng husto sa buhay ko kaya kahit sa pagtanaw na lang kahit na may iba na din siyang tinatanaw, makokontento na ako.

Dear Brain,

Kung ito lang ang paraan para di niya ako masaktan, gagawin ko. Hindi ko kasi maatim na umiyak na lang sa dulo, kung pwede ko namang aksyunan sa una pa lang. Gamit si CJ sa'kin, at hindi ko alam kung anong pwede niyang gawin. Pero hindi ko hahayaang saktan niya ang sarili ko. Walang matinong tao ang magpapasaksak ng harap-harapan, lalo na kung pwede niyang agapan. Ngunit ang hindi ko lang maintindihan, bakit siya pa din kahit na may posibilidad ngang paglaruan niya lang puso ko?

-Jade.

Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon