<37> Fever

5 4 0
                                    

Jade's POV

Kagaya ng inaasahan ko ay lagnat ang inabot ko kinabukasan. Sino nga bang hindi lalagnatin kung nagpakabasa ka sa ulan? Hindi na muna ako pumasok dahil sa takot na baka makahawa pa ako kapag ginawa ko yon. Nagsabi na din naman na ako kayna Maira at Scian. At ang ending napagkasunduan nilang pumunta dito mamayang tanghali at mukhang binabalak pa nilang umabsent mamayang hapon. 

Habang nakahiga ako at nagkulong sa kwarto para magpagaling dumaan ulit sa'king isapan ang naging sagutan nina Maira at CJ kahapon. Kung paano nagalit si Maira ng husto sa lalaki at kung paano gustong makapagpaliwanag ni CJ sa kanya. Pero parang nagising ako sa binanggit ni Maira kahapon. 

"Pagtulong ba ang ginagawa mo? Sa ginagawa mong yan lalo mo lang siyang pinaasa! Kasi pagkatapos naman nito lalayo ka na ulit di ba? Kaya umalis ka na"

Hindi kaya kasama iyon sa plano niyang gantihan ako dahil sa galit niya? At nagkataong umulan, kumulog at kumidlat tapos wala pa akong kasama kaya siya pumunta sa room. Kaya pinuntahan niya ako sa room kasi pwede niyang igrab ang chance na yun para paikutin ako para mas mapadali ang pananakit niya sa'kin. Ginawa niya lang yun para masabing pinapakalma niya lang ako, na tinutulungan niya lang ako. Ginawa niyang magpanggap na nag-aalala pa siya sa'kin, na ang yakap niya at pagpapatahan sa'kin ay totoo pero isa lang daan para linalangin lang ako lalo. 

Ayoko.

Nag-iba na talaga siya, hindi na siya ang Clark James na nakilala ko noon. Hindi na siya ang taong pinagtanggol ko noong first day of school. Hindi na siya ang nag-iisang kaibigan ko noon. Hindi na siya ang lalaking hinangaan ko noon. Hindi na siya ang sinusuportahan ko noon. 

He's not my comfort zone anymore.

Pero bakit? Bakit iba ang sinasabi ng utak ko sa puso ko? Bakit siya pa din yung gusto ko? Bakit siya pa din ang tinitibok ng puso ko? Bakit hindi ko kayang hindi na siya tanawin? 

Sa patong patong na iniisip ko lalong sumakit ang ulo ko kaya nanghihinang umiyak ako at dumaing sa sakit ng dulot nito. 

Sheesh really Jade? Sakit ba talaga ng ulo mo o 'yang pagkalito ng puso mo? 

Dahil oras na din naman ng pag-inom ng gamot ay kagad ko ng ininom iyon para naman makatulog na ako at mapagpahinga ko ang utak ko. 

Brain controls our body including our heart, kaya ang mas marapat kong sundin ay ang utak ko kesa sa puso ko dahil ito ang kumokontrol sa pagkatao ko. 

At yun ang gagawin ko. 

****

Nagising akong medyo umaliwalas ang sakit ng ulo ko at pinagpapasalamat ko iyon dahil gumagaling na ako. Babangon na sana ako para icheck kung oras na ba ulit ng pag-inom ng gamot. Every four hours ang epektibo ng isang gamot at sa pagkakatanda ko noong si Mommy ang nag-aalalaga sa'kin bago pa magfour hours niya ako pinapainom para daw mas mapabilis ang paggaling ko.

I miss Mommy Maybel so much. Sheesh, kung nandito lang sana siya edi sana may makakapag-advice sa'kin tungkol kay CJ.  

And speaking of him siya ang pinag-uusapan ng dalawang taong nasa loob ng kwarto ko ngayon kaya hindi muna ako bumabangon para pakinggan ang sinasabi nila. 

Sheesh, I let my heart conrol me. 

Well, isang beses lang, ngayon lang.

"Ano sasabihin ba natin sa kanya?" patuloy na tanong ni Scian kay Maira. 

"Anong point?! Para san pa? Anong big deal?" giit nito. 

"Wala lang, hindi ba't may concern pa din naman si Jade sa kanya? At isa pa siya ang nandoon noong takot na takot si Jade kahapon" 

Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon