James' POV
Nanahimik ako dito at nag-iintay ng order namin ni Jade habang siya ay nasa banyo ba. Ewan ko ba pero parang familiar na sa'kin ang pangyayaring gano'n eh. Kanina pa kasi siya papalit-palit ng mood. Well, dahil isa naman akong ganap na gentleman, pinabayaan ko na lamang ito at inintindi. Maya-maya'y may naramdaman akong umupo na sa bakanteng silya, at dahil sa pag-aakalang si Jade ito agad ko siyang hinarap.
"Jadylyn- Anong ginagawa mo dito?" agad na nag-iba ang tono ng pananalita ko ng hindi naman pala si Jade ang kaharap ko.
"Nandito ako to clear things out" malumanay na sagot nito.
"Wala akong panahon para sa kung anong sasabihin mo, umalis ka na at baka maabutan ka pa ni Jade dito" pagtataboy ko agad sa kanya.
"Last na 'to, hindi ko na kayo guguluhin ulit ni Jade. Just talk to me" pagmamakaawa niya.
"Ano bang sasabihin mo ha?" napilitang pakikipag-usap ko rito.
"Hindi na ako magpapakita, lalayo na ako, hindi ko na kayo gagambalain pa" agad na nagliwanag ang paningin ko ng mapakinggan ko 'yon mula sa kanya.
"Pero sana bago ko gawin yun mapagbigyan mo ako sa gusto ko" dagdag niya na ikinalukot muli ng mukha ko.
"Ano ba 'yon, Mey? Bakit hindi ka na lang umalis at nang matapos na?"
Psh, andami namang arte ng babaeng 'to. May pa-last wish pa, ano siya mamatay na?
"Kiss me"
"Ano?!" hindi ko napigilang pagtaasan siya ng boses dahil sa walang alinlangang turan niya na 'yon.
"Kiss me" walang pag-aalinlangang pag-uulit niya pa kaya naman agad na kumulo ang dugo ko.
"No way" pagtanggi ko. Dahil una sa lahat bakit ko naman siya hahalikan? Ano siya gold? Pangalwa nandito si Jade, at ayaw mag-isip siya ng kung ano. At panghuli sa lahat kahit alam kong wala pang kami ni Jade, hindi ko dapat siya niloloko. Paano kung maging kami na, edi baka isipin niya pa na niloloko ko lang siya, di ba?
"This is the last time I'll interfere sa inyo ni Jade, so please pagbigyan mo na ako" desperadang pakiusap ni Mey sa'kin. Kaya naman lalo akong nainis sa kanya dahil sa kadesperadahan niya.
Ilang beses ko bang uulitin na ayoko ng klase ng babae?
"Paano naman ako makakasiguro na gagawin mo 'yon?" hindi ko sinabi 'yon para tupadin ang hiling niya sa'kin kasi sa kahit anong anggulo tinggnan mali ang bagay na 'yon.
"Trust me" walang pag-aalinlangang sagot niya.
"I don't trust you-"
Bago ko pa man matapos ang mga sasabihin ko ay naramdaman ko na lamang na nakalapat na ang labi ko sa mga labi niya. And worst pilit niyang pinapagalaw ang labi ko para tugunin ang halik niya. Pilit kong iniikom ang labi ko para hindi niya makuha ang gusto niya, pilit ko na ding nilalayo si Mey sa sarili ko. Pero bago ko pa man magawa 'yon ay nakita na ni Jade ang lahat. Pwersahan kong tinulak si Meya papalayo sa'kin 'di alintana kung nasaktan siya o hindi.
Ano namang pakialam ko sa babaeng katulad niya?
"Jade, mali ang nakita mo" sambit ko nang makalapit na sa pwesto ni Jade.
"O baka naman mali lang na minahal kita" saad niya gamit ang nasasaktang boses niya at kitang-kita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya. Nagsimula na itong magmartsa papaalis pero agad kong kinuha ang braso niya para pigilan ito.
BINABASA MO ANG
Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)
Roman pour Adolescents{Bad Love Series#2} STORY BETWEEN TWO STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. CLARK JAMES VALEROS, THE PLAYBOY, AND JADYLYN MAE RODRIGUEZ, THE MALDITA. THOSE TWO ARE CHILDHOOD BEST FRIENDS BUT THEIR FRIENDSHIP WAS RUINED FOR AN UNKNOWN REASON. JADE IS AN MALDI...