Jade's POV
Pagkatapos nang pangyayaring 'yon ay kumilos kami nang parang walang nangyari, normal na galaw kumbaga. Hindi katulad dati na nagkakahiyaan pa, sabagay kaming dalawa lang naman ata ang nakakita. Nang magsawa na kaming magsayaw ay dumiretso na kami ni James sa kainan, nagutom daw siya eh. Paano ba naman kasi parang nasiraan lang ng tuktok yung dj o yung tagaayos ng music ngayon dahil pagkatapos ng slow dance ay sunod-sunod na nakakaindak na tugtugin na naman ang narinig namin. Mukhang naligaw lang ata ang romantic na kantang 'yon at talagang sumakto pa talaga sa pagdating namin ni James.
Tahimik akong kumakain habang pinagmamasdan ang pasal na patay gutom na kasama ko. Biro lang tahimik lang din naman siyang kumakain, nakakapanibago nga eh hindi siya parang batang madungis kung kumain ngayon. Takot atang madumihan ang damit na suot niya. Simpleng blue longsleves na polo lang naman ang suot niya at pinatungan niya 'yon nang black vest at tinernohan ng magandang pantalon. At isa pa parang ang lalim ng iniisip niya kanina pa, simula ng lumipat kami dito sa kainan ganyan na 'yan. Well quits naman kami iniisip ko na din kasi kung paano ko kukuhanin ang lakas ng loob na mayroon ako, baka nga wala na, sa balak kong gawin mamaya.
Bakit ganoon? Ang daling isipin pero ang hirap namang gawin. Ang daling planuhin pero ang hirap isagawa.
"Jade?" biglang pagtawag niya sa'kin, agad naman akong lumingon sa kanya at sumalubong sa'kin ang seryoso niyang pagmumukha.
"Hmmm?"
"Kahit na anong mangyari ngayon ah, 'wag na 'wag mo na ulit akong lalayuan" medyo nangangarag ang boses na saad niya.
Sheesh, ano na namang pumasok sa utak nito?
"Pinagsasabi mo? Gutom lang 'yan" pabirong tugon ko pero sa loob-loob ay nagtakaka ako sinabi niya. Bakit ko naman siya lalayuan di ba? May balak pa nga akong gawing mamaya eh, tapos lalayuan ko, ano yun? Anong klaseng trip yun?
"Jade sumagot ka nga muna ng matino para naman makampante ang pakiramdam ko ngayon!" sita nito sa'kin at bahagyang nakanoot na ang kanyang mga noo.
Kahit na medyo naguguluhan ako sa inasta niya, sinagot ko pa din ng matino ang tinatanong niya.
"Hinding-hindi kita lalayuan, pangako" sincere kong pagkakasabi at tininggnan ko siya ng diretso sa mata ng malaman niyang totoo ang sinasabi ko.
Mas lalo lang akong naguluhan ng huminga siya ng malalim at bigla na lamang akong nginitian.
Nakadrugs ba 'to?
"Tara libot-libot muna tayo para matunaw kinain natin" biglang pag-aaya niya at hindi na hinintay ang sagot ko dahil bigla na lamang niya akong hinila patayo.
Habang naglalakad ay nahagip ng mga mata ko ang kakambal kong kasa-kasama si Kurt, at talagang naghaharutan! Pupuntahan ko sana sila kaso naalala ko ang usapan naming lahat na walang pakialaman sa araw na 'to.
Mamaya ka Jacylyn pag-uwi natin.
Inaliw namin ang mga sarili sa mga ilaw na paiba-iba ang kulay na sumasalubong sa'min habang naglalakad kami papunta sa kung saan man namin matigilan. Hanggang sa mapatigil kami sa harapan ng photobooth.
Sheesh, naalala ko na naman ang first picture namin. Sa ilalim ng buwan at mga bituin-
Ayoko nang maalala.
Baka mamatay ako sa kilig.
"Jade gusto mong magpicture tayo?" excited na pagtatanong nito. Sheesh, nagtanong pa, mukhang hindi naman tatanggap ng hindi 'to.
"Sige, why not" parang batang nagtatalon itong kasama ko ng mapakinggan ang sagot ko.
"Jade tara na sa loob wala naman atang tao, picture ta-"
BINABASA MO ANG
Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)
Teen Fiction{Bad Love Series#2} STORY BETWEEN TWO STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. CLARK JAMES VALEROS, THE PLAYBOY, AND JADYLYN MAE RODRIGUEZ, THE MALDITA. THOSE TWO ARE CHILDHOOD BEST FRIENDS BUT THEIR FRIENDSHIP WAS RUINED FOR AN UNKNOWN REASON. JADE IS AN MALDI...