<89> Pain

6 2 0
                                    

Jade's POV

Mahapdi at patuloy ang pagtulo ng luha ang mga mata ko nang makauwi na ako sa bahay.  Hindi ko na alintana kung may nakakita ba sa'kin na umiiyak ako, ang mahalaga lang sa'kin ngayon ay mailabas ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Ang sakit na pilit akong ginigising sa katotohanan na hindi lang ako nag-iisa. Na may iba pa, na niloloko niya lang ako, na gusto niya lang ako paghigantihan dahil sa ginawa ko sa kanya noon. Matatanggap ko pa naman sana 'yon eh, kasi kasalanan ko na naman talaga kung bakit siya nagkaganoon. Pero bakit kasi si Mey pa? Bakit yung babae pang 'yon ang magiging dahilan ng pagkawasak ko? Bakit siya pa yung kahati ko? Sa dinadami nang babae, bakit yung pinakaiinisan ko pa talaga?

"What the hell happened to you?" umalingawngaw ang sigaw ni Jace ng makalapit na ako sa may hagdan. Pagtingin ko nandoon siya sa taas at mukhang bababa n asana siya kaso nakita niya pa ako.

"Wala" walang emosyong tugon ko at lalampasan n asana siya kaso hinarangan naman niya ang dinadaanan ko.

"Anong wala? I thought you're with CJ? Sabi sa'kin ni Scian" pang-uusisa niya pa din.

"Jace, please 'wag ngayon" pakiusap ko dito at nilampasan na siya ng tuluyan. Rinig ko pa ang pagtawag niya sa'kin pero dali-dali na akong tumakbo papunta sa silid ko. Agad kong nilock ang pinto noon at saka napasandal, at di nagtagal ay unti-unti na akong napaupo sa sahig habang humihikbi.

Ayoko. Ayokong makita ni Jace na nagkakaganito ako. Ayokong makita niya na naiyak ako. Ayokong ipakita sa kanya na mahina ako. Ayokong ipamukha sa kanya na mahina lang ang ate niya.

"Ate please, talk to me" rinig ko ang pagkatok niya sa pintuan ng kwarto ko. Kaya naman agad kong tinakpan ang bibig ko para hindi niya mapakinggan ang mahinang hagulgol ko.

"Pwede nating pag-usapan 'to, please 'wag kang magkulong sa kwarto. Kapatid mo ako di ba? Karamay mo naman ako. So please, I'm begging you, kausapin mo ako" pagpapatuloy niya pero wala talaga akong balak harapin siya.

Not now, ayokong makita niyang umiiyak ako sa sarili kong katangahan.

"Please ate, say something. Nag-aalala na ako"

Hindi ko magawang sumagot manlang sa kanya dahil sa patuloy na paghikbi at pagtulo ng luha ko. Ayoko, baka mabosesan niya pa akong naiyak, at ayaw kong ipaalam sa kanya. Ayokong ipaalam sa kahit sino.

"Di ba, ikaw na mismo ang nagsabi sa'kin na dapat magkaramay tayo sa kahit ano, kasi magkapatid tayo? Pero bakit ayaw mong ipaalam sa'kin ang nangyari?"

Ang laki na nang pinagbago ni Jace. Mula sa dating walang pakialam sa'kin at sadya na ako pansinin, eto siya ngayon at gusto ko damayan, pero tinataboy ko lang siya.

"Jace, please 'wag ngayon" pakiusap ko sa kanya at sadya ko na mailabas ang mga salitang 'yon dahil sa pagpipigil ng hikbi.

"O my gosh, are you crying?!"

Wala na, huli na ako.

"Give me my ate's room keys, now!" rinig kong sigaw niya at 'di nagtagal ay nakarinig na ako ng pagkalampag ng pintuan kaya naman dali-dali kong inayos ang sarili ko para naman hindi ako datnan ni Jace ng gano'n.

Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ng kapatid ko at sa 'di malamang dahilan ay lalo akong naiyak sa ginawa niyang 'yon.

"Ssshhh, I'm here ate. You can tell me everything, nandito lang ako" pagko-comfort niya pa sa'kin kaya lalo akong nadala.

Wala na, hindi ko kayang magtapang-tapang. Hindi ko kayang itago yung totoo kong nararamdaman sa kapatid ko.

Niyakap ko siya pabalik at hinagulgol lahat ng hinanakit sa balikat niya. Hindi siya umimik at hinayaan lamang akong umiyak nang umiyak hanggang sa mapagod ako.

Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon