James' POV
Ngayon na! Ngayooooon na! Today is the day! Ngayon ang araw ng mga Puso. Pusong sawi, pusong umaasa, pusong nagmamahal, pusong humahanga, at lahat basta puso!
Prepared na ang lahat ng mga gagawin ko mamaya at syempre humingi ako ng tulong, kanino pa ba kundi sa kaibigan ni Jade na si Scian, tapos si Ash tutulungan din ako kasi inutusan siya ni Scian na tulungan ako. Napapaisip na nga ako eh, baka mamaya ehem, may ano na pala sila. Kasi naman palagi na silang magkasamang dalawa, alam ko namang may mahalaga silang ginagawa. At sa sobrang halaga ayoko ng isipin pa kung ano 'yon.
Aalis na sana ako ng tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha dahil nadala na ako dati noong tadtad na pala ang messages at calls ni Jade sa'kin, tapos di ko pa alam kasi nakaoff ang phone ko. Buti nga hindi nagalit doon si Jade kasi hindi naman niya ako pinagmalditahan, kaso simula ng araw na 'yon parang nag-iba si Jade. Hindi na siya masigla, kung sa english ba ay, she's not in her usual self. Oh, walang tatahol napakinggan ko lang 'yan sa kung saan at ginamit ko lang kasi magandang pakinggan at para sosyal. Baka masama lang ang pakilasa niya, kaya naman excited din akong dumating ang araw na 'to para naman mapasaya ko siya kahit papaano.
Kaso nakakakaba din pala kasi ngayon ko na lang ulit gagawin 'to sa buong buhay ko. At gaya ng noon, parehas na tao lang ang gagawan ko ng ganito. Ganoon kahalaga si Jade sa'kin.
From: Lodz Kurt
I heard from my brother that you'll man up. Good luck!
Si Kurt lang pala ang nagtext sa'kin, akala ko naman si Jade na. Kahit na 'di inaasahang tao ang nagtext sa'kin nagreply pa din ako dito.
To: Lodz Kurt
Gg lodz, teynks!
Pagkasend ko noon ay umalis na talaga ako sa bahay at sumalubong sa'kin sina Scian at Ash. Kung tatanungin niyo kung nasaan si Kevin, hindi din namin alam. Bigla kasing mawawala tapos susulpot na lang sa kung saan. Hay broken na broken pa din ata kay Maira, charot.
Tinulungan ako ni Ash sa pagbitbit ng regalo ko para kay Jade. Si Scian na kunot na kunot ang noong nakatitig sa cellphone niya.
"Hoy CJ! Anong meron sa inyo ni Mey?" bungad na tanong nito sa'kin.
"Dating magkaklase?" pabalang na sagot ko dito.
"Hindi ako nakikipagbiruan, sabihin mo sa'kin ang totoo" demand nito kaya naman napalunok ako, si Ash naman dinig ko ang mahinang pagtawa.
"Hindi naman kami magkaibigan, kaya yun lang talaga" tugon ko dito.
"Siguro sidechick mo yun ano? Tapos si Jade ang mainchick? Aba ang kapal naman ata ng mukha mo?" matalas na pananalita nito sa'kin.
"Anong sidechick ka diyan? Matagal na akong tumigil uy! Kaya ko nga gagawin 'to kay Jade di ba?" pagpapanatag ko ng kalooban niya.
"Eh ano 'tong nabalitaan ko na magkasama daw kayo tapos nag-uusap? Siguro may lihim kayong relasyon ano?" patuloy na panggigisa sa'kin ni Scian.
"Saan mo naman nalaman 'yan?" gulat na tanong ko sa kanya.
"Aba! Talagang tinatago mo? Kung hindi pa sa'kin sabihin ni Jace?" ngayo'y seryosong-seryoso na siya.
"Wala akong tinatago!" pagtatanggol ko sa sarili at kahit ayaw kong ipagkalat ang nalaman ko kay Mey noon, ay sinabi ko na din sa kanila kasi yun lang ang nakikita kong paraan para hindi ako kagalitan ni Scian.
"Layuan mo 'yang Mey na 'yan ha! Nakakapanggigil!" inis na bilin sa'kin ni Scian na ikinagulo ng utak ko.
"Nakita ni Jace na magkaaway ang dalawa at siya na din ang nagtapos noon" paliwanag ni Scian na ikinagitla ko. Ipinaliwanag niya pa sa'kin ang mga sinabi daw sa kanya ni Jace. At hindi ko akain na magagamit ni Mey ang kapatid niya bilang rason para mapalapit sa'kin at ang masama pa doon ay nagsabi pa siya kay Jade ng 'di makatotohanang bagay.
BINABASA MO ANG
Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)
Teen Fiction{Bad Love Series#2} STORY BETWEEN TWO STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. CLARK JAMES VALEROS, THE PLAYBOY, AND JADYLYN MAE RODRIGUEZ, THE MALDITA. THOSE TWO ARE CHILDHOOD BEST FRIENDS BUT THEIR FRIENDSHIP WAS RUINED FOR AN UNKNOWN REASON. JADE IS AN MALDI...