<39> Pain

8 4 0
                                    

CJ's POV

Grade 9. Halos isang taon na ang nakalipas simula ng huli kong nalapitan si Jade. Kasi simula ng araw na yun, hindi ko na siya malapitan. Ramdam ko na palagi ang pag-iwas niya tapos lagi pa siyang nasa likod ni Maira. At ito namang Maira'ng ito lagi niya na lang iniiwas at inilalayo si Jade sa'kin. Paano ko pa siya makakausap di ba? Gusto kong mag-explain sa kanya, pero paano di ba? Tapos naging ganito pa ang sitwasyon, ang hirap lang.

Flashback:

Recess time na, at ang saya saya ko sa mga oras na ito. Dahil bukod sa pagkain at makakapagpahinga ng saglit mula sa pag-aaral, naisip ko na panahon na para lapitan si Jade.

Wala lang.

Para kasing gusto ko siyang kausapin tungkol sa nangyari sa amin nung huling linggo. Hindi naman kasi ako nakapasok ng tatlong araw dahil sumama ang pakiramdam ko. Ikaw ba namang sumugod sa ulan ng walang kahit anong proteksyon, syempre lalagnatin ka. Maliban na lang siguro kung sanay ka ng maulanan.

Balita ko absent din si Jade dahil may lagnat din siya at gaya ko ngayon lang siya ulit nakapasok. Kaya naman ngayon ko lang siya nakita at makakausap ulit. Hindi naman kasi ako nakapagpaalam ng maayos sa kanya noong araw na yun dahil pinalayas na ako ni Maira sa harapan nila.

Gusto ko lang siyang makausap para sabihin sa kanya na hindi totoo yung mga pinagsasabi ni Maira. Gusto kong patunayan sa kanya na walang totoo sa mga bintang ng kaibigan niya. Gusto kong ipaliwanag sa kanya na kaya ko ginawa yun kasi naalala ko lang na malaki ang takot niya sa kulog at kidlat. Gusto ko lang siyang tulungan dahil alam kong wala siyang kasama sa oras na 'yun.

Gusto ko siyang lapitan para doon, at kung maari, baka pwedeng maging ganoon ulit kami dati. Baka pwedeng magkaayos na kami, na papalipasin ko na lang yung naramdaman ko para magkabati na kami.

Miss ko na si Jade. Sobra.

Siya kasi yung palaging nandiyan para sa'kin, siya yung kasama ko kapag nag-iisa ako, at siya lang ang inspirasyon ko sa lahat. Kaya noong nawala siya sa'kin, nawala din yung mga kakayahan ko. Parang nawala ako sa sarili ko, parang naging mag-isa na naman ako, at parang dumilim na naman yung mundo ko.

Kaya susubukan ko na ayusin ang sa'min ni Jade.

Hindi ko pala susubukan, aayusin ko talaga.

Kagad akong lumapit kay Jade ng makaalis na ang teacher namin.

"Ja-"

"Bakit ka lumalapit sa kaibigan ko?" hindi ko pa natatawag si Jade kagad nang sumulpot si Maira.

"Ah, kakausapin ko lang sana siya" tugon ko.

"Tungkol saan naman?" kagad na tanong nito.

"Hindi ko kasi siya nakausap ng ayos pagkatapos nung ulan. Magpapaliwanag lang sana ako sa kan-"

"At anong karapatan mong magpaliwanag?" pagpuputol na naman niya kaya agad nagtikom ang bibig ko.

"May nagbigay ba sa'yo ng karapatan?" dagdag niya pa.

"Saan ba hihingi ng karapatan, Maira? Sabihin mo naman sa'kin oh, gusto ko kasi talagang makausap si Jade"

"Hoy Playboy, wag mo nga akong dinadaan sa pagiging isip bata mo" wika nito na pinagtaka ko.

"Huh?"

"Huh, ka diyan! Kung may magbibigay man ng karapatan na kausapin ang kaibigan ko. Malamang kami yun ni Scian! " pasagot niya sa tanong ko.

Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon