<69> Desperate

6 2 0
                                    

James' POV

Balik eskwela na naman, kaunting linggo na lang bakasyon na kaya tiis lang at makakahiga na naman sa kama ng matagal-tagal. Ilang buwan na lang din ay tutungtong na kami ng grade 10. At sa halip graduate na kami ng highschool pagkatapos non, magmo-moving up lang kami papuntang senior high. Bakit kasi ginawa pang K-12? Dati naman K-10 lang yun, tapos naabutan pa ako ng K-12, kabanas. 

Biro lang mga brad, baka ibash niyo ako eh. Sabihing hindi nakikinig sa teacher na ipanapaliwanag ng mabuti kung anong purpose noon. Alam ko naman ang purpose non, ang maihanda kami sa kursong kukunin namin sa kolehiyo, at kung ano pa. Aminado naman akong hindi nakikinig sa klase pero syempre itatanggi ko 'yon kasi pabida ako, para 'di maturingang bobo kahit totoo naman. At dahil pabibo nga ako, binasa ko lang yun sa notebook ko, yun nga lang ang tanging nasulat ko sa haba ng discussion. 

Kasalukuyan akong nasa kusina para maghanda ng agahan ko, mga magulang ko, awan hindi nga sila umuwi kagabi eh. Kakatapos ko lang magsalang ng sinaing, at take note sa rice cooker ko na yun sinaing kasi nadala na ako sa kaldero. Nagsimula na din akong magprito ng uulamin ko, ano pa ba edi ang pambansang umagahan nang mga pilipino, itlog. Syempre sinamahan ko na din ng hotdog para sosyal, at syempre mas masarap kapag may gatas. Kakatapos ko lang lutuin ang mga dapat lutuin at magsasandok na sana ng kanin ng tumunog ang cellphone ko. 

From: Beybi Jadylyndangzs q❤

Morning den, slr naliligo kc aq nung nagtxt u

Awtomatikong kumurba ang ngiti sa labi ko ng makita kong siya pala ang nagtext sa'kin. Para akong sirang nakangiti habang nagsasandok ng kanin at nagtatype gamit ang isa ko pang kamay. 

To: Beybi Jadylyndangzs q❤

Anong slr? Sobrang lab rice? 

Nang masend ko na yun ay tapos na din akong sumandok ng kanin kaya naman nagsimula na akong kumain habang hinihintay ang reply ni Jade. 

From: Beybi Jadylyndangzs q❤

tAngA, sorry late reply ang ibig sabihin non. 

Napatango-tango ako ng may malaman akong new knowledge galing sa kanya. 

To: Beybi Jadylyndangzs q❤

Ah okz, tnx 4 new knowledge

Aba, prang when lng nUng tntapk muE Pa ung biBig mue pg ngmUmOrA u, tas ngaun g na g ka

Magkasunod na text ko dito, bago pinagpatuloy ang pagkain ng hotdog. Aba jumbo 'to kagaya ng-

From: Beybi Jadylyndangzs q❤

Aqouh lng two. Naalala q tuloy cnabi ni Jace sa'ken dti HAHAHA, bayai mo na past is past.

Muntikan na akong masamid sa sinabi niyang 'yon. Kaya naman dali-dali akong uminom ng gatas kaso sa sobrang saya ko ay naibuga ko ang nainom ko, labas sa ilong. Hindi kagad ako nakapagreply dahil naging sinabawan ang kinakain ko, kaya naman agad ko itong pinaltan bago muling hawakan ang cellphone ko. Buti na lang hindi nagalit si Jade, pero may panibago na naman siyang text sa'kin. 

From: Beybi Jadylyndangzs q❤

Nga pala, maaga aqng aalis now, smhan q kc si Scian. 

To: Beybi Jadylyndangzs q❤

Cge, ingat u. Bye beybi :p

Para akong tangang kinilig sa nireply kong 'yon. 

From: Beybi Jadylyndangzs q❤

Lolz.

Agad akong napatawa sa nireply niyang 'yon. Kaya naman naisipan kong asarin pa siya.

To: Beybi Jadylyndangzs q❤

Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon