<57> Typical Day

3 2 0
                                    

James' POV

Kakabangon ko pa lang pero cellphone kagad ang hinawakan ko sa halip na maghilamos at mag-umagahan. Agad akong nagtype ng message sa kanya, aba syempre textmates na kaya kami. 

To: Jadylyndangzs q❤

Hi, Jadylynda, morning hehe. 

Hindi nagtagal ay agad akong nakatanggap ng reply mula sa kanya. Enebe kay aga-aga kinikilig na'ko. 

From: Jadylyndangzs q❤

Morning din, kakagising ko lang. 

Parang may sariling isip ang labi ko dahil agad itong pumorma ng ngiti pagkatapos kong basahin ang nireply niya sa'kin. Kahit na araw-araw na kami magbatian ng good morning, good night, magkamusatahan at kung ano pa man ganon pa din talaga ang nararamdaman ko kapag nakakatanggap ako ng reply kay Jade. Kahit nga noong nagpasko at nagbagong taon ay para akong asong ulol dahil ngiting-ngiti ako kahit na wala akong kasama sa mga holidays na 'yon. Kahit na mag-isa lang ako sa bahay hindi ko naramdaman na mag-isa kong pinagdiwang ang mga 'yon dahil kay Jade. 

Nakakabakla mang sabihin pero, hindi ko nararamdamang mag-isa ako kapag naalala ko si Jade. Kapag may mga bagay na may konektado sa kanya hindi ko na mapigilang ngumiti. Kahit na hindi ko siya kasama piling ko nandito pa din siya sa tabi ko, kasi kahit papaano nagkakausap naman kami eh. Solve na'ko don. 

Ayan tuloy nakalimutan ko nang magreply kay Jade, baka mamaya malditahan pa ako nito. 

To: Jadylyndangzs q❤

Ah ganon ba? Ako din eh, kain muna tayong breakfast

Kaagad kong binura ang tinapa kong iyon dahil napakaplain naman. Kaya naman iniba ko muna ang irereply ko sa kanya. 

To: Jadylyndangzs q❤

Ah gnOn b? AqOuh dN iHhhH, E4tThH mHuNa4 uSsZx sHir4n6 mbhiliSh

Sent!

Pogi typings 'yan!

Naghilamos na kagad ako ng mabilis pagkatapos kong isend ang message na yun, ayaw ko namang paghintayin si Jade sa reply ko. Agad akong bumababa dala sa ang cellphone ko para magsaing at ng makakain na ako ng umagahan. Kakatapos ko lang isalang ang kaldero ng may tumunog na ang cellphone ko. 

From: Jadylyndangzs q❤

anung cnasbi mue? nsi2raan k nb ng 2ktok? 

Naks! Itong gusto ko kay Jadylynda eh! Kaya niyang sakyan ang mga trip ko sa buhay. Agad naman akong nagtype ng panibagong reply para sa kanya. 

To: Jadylyndangzs q❤

sh4bhi q it n us um4ghaHan 

Pag-uulit ko sa sinabi ko kanina, mukhang hindi niya ata nagets yung sirang mabilis. Breakfast lang kaya yun in english! Talino ko talaga. 

From: Jadylyndangzs q❤

wg mue ngang lgyan ng no. nkkli2ng bshin. 

Agad akong napatawa sa nireklamo niya, makapagsabi para namang hindi gumamit ng number sa message na yun. Magrereply na sana ako ng may natanggap na naman akong text ni Jade. 

From: Jadylyndangzs q❤

last n un, wg kng ggmit no. 

Agad akong napatawa ng marelize niya din ang ginamit niya ang nirereklamo niya. 

To: Jadylyndangzs q❤

okz, bHastA ihKhaw mwapzxcss

Nakailang pindot na ako ng send pero hanggang ngayon ay hindi pa nag-aappear na delivered na ang message ko, at ng pagtinggin ko ay,

Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon