James' POV
"3"
"2"
"1"
"HAPPY BIRTHDAY JADE!" sigaw naming lahat at winagayway ang mga lusis na hawak naming lahat. Pagkatapos noon ay sabay-sabay na naming kinantahan si Jade ng 'happy birthday'. Ano pa bang kakantahin? Alangang pangpatay di ba?
Kasalukuyan kaming naririto sa lugar na pinuntahan ng kambal na babae kanina. Dito daw gustong magcelebrate ni Jade ng pagsalubong sa birthday niya. Kaya syempre pinagbigyan namin. Maganda ang lugar, may picnic spot na siyang kinatatayuan namin ngayon, tapos paanan pa daw ito ng bundok. Kaya naman midnight picnic ang lagay namin ngayon.
"Thank you" mahinhing pasasalamat ni Jade nang matapos na namin ang pagkanta sa kanya.
"Blow the cake! Blow the cake!"
"Wish muna ha" paalala ko pa dito, tumango na lamang siya bago pumikit ng marahan at ilang segundo ang lumipas ay saka niya pa hinipan ang kandila ng cake niya. Sana matupad ang kung ano mang winish niya.
"Share naman ng wish mo" pangungulit ng lahat sa kanya nang mahipan niya na ang kandila.
"Pwede ba 'yon? Baka hindi matupad" pag-alinlangan ni Jade.
"Siguro ang wish mo ay 'sana magkalabel na' hahahaha" mapang-asar na panghuhula ni Scian kaya naman agad siyang sinamaan ng tinggin ni Jade.
Ayan Maldita Mode: On na ata ang beybi ko.
"Or maybe her wish is 'sana maisipan niya nang mag-first move', baka naman 'yon" panggagatong pa ni Jace sa sinabi ni Scian.
Sino naman kaya 'yon? May iba pa bang nagkakagusto kay Jade maliban sa'kin at may balak pang mag-first move? Huh, ano daw? Ano 'yong first move?
"Porket na-first move-an ka ah, yabang mo naman" pagsingit ni Kevin kaya siya naman ang nakatanggap ng masamang tinggin mula kay Jace.
"That's enough, we should respect Jade's privacy, 'wag niyo nang piliting alamin ang kung ano mang winish niya" suway ni Kurt na siya namang sinundan ni Ash.
"I agree" maikling tugon niya. Alam niyo ba ang pinagkaiba ng dalawang englisherong 'yan? Si Kurt kung magsalita ay hindi tipid tapos kung magsalita man siya ng english, susundan 'yon ng tagalog. Samantalang si Ash naman, minsan na nga lang magsalita napakatipid pa, tapos laging english ang sinasabi. Minsan na lang din magtagalog, tapos kapag mahaba naman ang sinasabi napakalalim pa ng mga salitang ginagamit, nakakawalang ganang intindihin ang mga sinasabi, dahil sadya ko na talaga maintindihan.
"Hoy tama na nga ang kwentuhan, it's time to party!" pagsigaw ko na at doon na nga nagsimula ang party-party namin.
Dahil kalagitnaan nga ng gabi, bawala kaming magpatugtog ng malakas kaya naman kami-kami lang talaga ang nakakarinig ng kung ano mang pinapatugtog namin. Bawal ishare! Kami lang dapat ang makarinig no'n dahil bawal mag-ingay tuwing kalagitnaan ng gabi.
Habang nakikinig kami ng mga chill na kanta ay masaya kaming nagpipicnic sa ilalim ng maliwanag na buwan at sa milyon-milyong mga bituin sa kalangitan. Kaya naman kahit wala masyadong ilaw dito ay maliwanag pa din dahil sa maliwanag na kalangitan. Parang si Jade lang, she's my starry night whenever I have those dark days. Siya ang nagbigay ng liwanag sa madilim kong mundo. Bata pa lang kami siya na ilaw ko, sa kanya na ako kumukuha ng liwanag para ipagpatuloy ang malungkot kong buhay. Kapag nakikita ko siya, nawawala na sa isip ko na mag-isa ako, dahil ni minsan ay hindi niya pinaramdam sa'kin 'yon, palagi niya akong sinasamahan sa kung ano mang trip ko sa buhay. Hanggang ngayon, sa kanya ko pa din kinukuha ang liwanag na 'yon, ang liwanag na nagpabago sa katauhan kong madilim. Simula ng makita ko siyang muli, nagbago na ako, iniwan ko na ang madilim kong pagkatao dahil nakita ko na ang liwanag ko.
She's my starry night, Jade is the light of my life.
Ang iba sa amin ang nagkwe-kwentuhan habang nasa isang malaking picnic blangket kami. Ang iba naman ay nakatinggin din sa malawak na langit na pinupuno ng mga bituin at buwan. Para na din tuloy kami nagsta-star gazing habang kumakain. Yung iba may sarili na namang mundo, dahil nanonood sila ng movie sa cellphone nila, mga hindi na nangsama! Si Jade naman ayon, ina-appreciate ang kagandahan ng mga bituin sa langit. Kaya naman pasimple akong tumabi sa kanya at tininggnan din ang tinitinggnan niya.
"Happy Birthday Jade, masaya ka ba ngayon?" pagbubukas ko ng topic kaya naman napatinggin siya sa'kin, halata pa ngang nagulat siya eh.
"Nandito ka pala James, nakakagulat ka naman" oh di ba? Masyado kasing busy sa pagtinggin sa kalawakan kaya hindi ako napansin. Tinawanan ko na lamang ang sinabi niyang 'yon bago tuminggin sa kanina niya pang tinitinggnan.
"At oo, masaya ako ngayong birthday ko. Kasi una ayos na kami ng kapatid ko, ang tagal ko nang hiniling 'yon tapos sa wakas natupad na din. Tapos kanina lang sinamahan niyo akong salubungin ang birthday ko. Ang saya lang kasi okay na ang lahat, sayang nga lang hindi natin kasama si Maira ngayon. Pero naiintindihan ko naman 'yon, at least alam kong babatiin niya din ako" mahabang lintaya niya at binalik na muli ang tinggin sa mga bituin.
Kung masaya ka na pala ngayon, paano pa kaya mamaya?
"Mabuti naman at masaya ka" ang tanging nasabi ko na lamang dahil masyadong nagdidiwang ang puso kong panoodin ang aking sariling kalangitang punong-puno ng mga bituin.
Ang sayang titigan ni Jadylynda ko.
"Ang ganda talaga ng mga bituin, kung maabot ko man sila, hinding-hindi ako magsasawang titigan ang mga 'yon" nakangiting saad nito at bahagya pang tinaas ang braso at nagkunwaring abutin ang tinitinggnan niya.
"Ang ganda nga" pagsang-ayon ko sa sinabi niya at hindi inalis ang tinggin sa kanya.
"Di ba?" tuwang-tuwang turan nito at pilit pang inaabot ang mga ito.
"Maganda at hindi talaga nakakasawang tinggnan" makahulugang sambit ko dito at sa 'di malamang dahilan ay bigla na lamang itong humarap sa akin.
"At kung maabot man kita, hinding-hindi na kita papakawalan pa" seryosong wika ko dito bago hawiin ang ilang hibla ng mga buhok niya sa mukha niya.
"You're my starry night, beybi" buong pusong saad ko bago ipikit ang mga mata at dahan-dahang inilapit ang mukha ko sa mukha niya.
Sa ilalim ng maliwanag na kalawakan, hinalikan ko ang sarili kong bituin. Saksi ang bilog at maliwanag na buwan at ang ilang ulap sa halik na sumisimbolo sa pagmamahal ko sa isang bituin nito. I kissed my own starry night.
Hindi pa nagtatagal ang labi ko sa labi ni Jade ng may nakakasilaw na flash na umistorbo nito. Agad kong inilayo ang sarili kay Jade at ganoon din naman siya. Agad kong tininggnan ang pinagmulan ng flash na 'yon kaso ang sumalubong sa'kin ay ang mga ngiti nilang nakakaloko.
"Respeto naman dude, nandito pa kami oh. Respeto naman sa walang partner" pang-aasar kaagad ni Kevin.
"We just watched a movie, tapos pagtinggin namin sa inyo ehem, nauubo ako, ehem!" pakikisakay ng kakambal nitong si Kurt.
"I hope that move will man you up" anas naman ni Ash.
"Perfect shot oh!" rinig ko namang tili ni Scian at iwinagayway ang picture na iniluwa ng polaroid camera niya.
"First picture niyo together" dagdag pa ni Jace.
Si Jace naman ayon, hindi makaimik at alam kong hiyang-hiya na 'yan ngayon. Pilit niyang iniiwas ang tinggin niya sa picture na inaabot nina Scian at Jace sa kanya. At sa sobrang iwas niya, sa'kin tuloy siya napatinggin. Agad kaming nag-iwasan ng tinggin at nang dahil doon ay nakarinig kami ng mga asar at hagikhikan.
Babawi ako mamaya Jade, promise.
Planado na ang balak kong gawin mamaya kay Jade, at kasabwat ko na naman silang lahat. Akala niyo tapos na? Hindi pa, mayroon pa mamaya. At sana lang magustuhan ni Jade ang gagawin ko.
Para kay beybi Jadylynda ko.
For my own starry night.
BINABASA MO ANG
Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)
Ficção Adolescente{Bad Love Series#2} STORY BETWEEN TWO STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. CLARK JAMES VALEROS, THE PLAYBOY, AND JADYLYN MAE RODRIGUEZ, THE MALDITA. THOSE TWO ARE CHILDHOOD BEST FRIENDS BUT THEIR FRIENDSHIP WAS RUINED FOR AN UNKNOWN REASON. JADE IS AN MALDI...