Jade's POV
"Pinili ko yung badminton kasi bukod sa wala nang ibang option, naisip ko na parte siya ng dati natin Jade. At gusto kong ibalik ang kung ano mang naging kwento natin kasama ang sport na 'yon. Gusto may kinalaman pa din sa dati nating dalawa ang pipiliin ko. Kaya ayon Badminton ang pinili ko" mahabang eksplanasyon ni James sa'kin ng itanong ko sa kanya kung bakit 'yon ang pinili niya sa dami ng naging choices niya. Natouch naman ako sa mga ipinaliwanag niya sa'kin kani-kanina lang. Ang badminton kasi ang naging bonding namin kapag tuwing nagbabakasyon kami noon. At 'yon na din ang naging paborito naming laro sa halip na tumutok sa mga online games.
"So hindi ka nga talaga sasali sa Basketball?" may halong pang-aasar na tanong ko. Alam ko namang ayaw niya nang makasama si Clyde kasi nahahawa daw siya sa kalokohan nito. Eh sa pagkakatanda ko naman ay ganon din naman talaga siya. At bukos pa don lagi daw siyang inaasar nito at hindi siya makabawi dahil kahit asarin niya si Clyde ay tinatawanan lang daw ito ng lalaki sa halip na maasar.
"Beybi naman, alam mo na sagot ko diyan di ba?" agad akong nanigas sa sinabing iyon ni James.
Sheesh, ano daw? Baka naman namalik mata lang ako 'no?
Pero hindi nagmamalik mata ang mga tainga!
"Beybi ba't naestatwa ka na diyan?" pinigilan kong mapasinghap ng mapakinggan ko na naman ang salitang iyon mula mismo sa bibig niya. Naalala ko na naman tuloy 'yong text niya kahapon.
Sheesh Jade, ikalma mo ang sarili mo!
"Beybi? Okay ka lang ba Jadylynda ko?" pagtatanong na naman nito, at parang may kung anong sumabog sa puso ko ng mapakinggan ko ang nickname ko sa kaya tapos may 'ko' na kasunod.
Tangina! Pigilan niyo ako! Kinikilig ako!
"Hoy, humihinga ka pa ba Bey-"
"Wala 'to, iniisip ko lang kung kailan ang simula ng training niyo. Malapit na din kasi ang September" pagpuputol ko sa sasabihin niya. Kasi kapag napakinggan ko na naman ang salitang 'yon, baka 'di ko na mapigilan ang sarili ko't magtatalon na lamng ako bigla.
Sheesh Jade! Pagsubok lang 'yan! 'Wag kang bibigay!
"Ah ganon ba? Sa pagkakaalam ko'y first week of september, 'di ko sure tatanong ko na lang kay Clyde. Bakit ba 'yon kagad iniisip mo?" mahabang lintaya niya kaya naman napalunok ako dahil hindi ko na alam ang ipapalusot ko!
Brain help me!
"Wala naman, nae-excite lang ulit akong makita kang maglaro at syempre para masuportahan na kagad kita! Number fan mo kaya ako!" masiglang turan ko dito. Buti naman nakisama ang utak ko, dahil kong hindi, ay hindi ko na talaga alam kung paano itatago ang kilig na 'to.
"Simula pa lang sinuportahan mo na ako, Jadylynda ko. At nagpapasalamat ako don, sobra. Thank you Beybi" wala na, nadala na'ko sa mga salita ni James. Hindi ko na napigilan ang sariling mapangiti at naging traydor na naman ang katawan ko, dahil harap-harapan kong pinakita 'yon kay James.
"Tara na nga" pag-anyaya ko dito dahil baka mawalan na ako ng kontrol sa sarili ko at sabihin na din ang salitang 'yon sa kanya.
Ano ba Jade! Sheesh, kalma!
Naalala ko na naman tuloy 'yong sinabi sa'kin ni Scian. Na nag-i love you-han na daw, nagka-kiss-an na daw, may pa callsign pa daw, pero hanggang ngayon wala pa din kaming label!
Eh ano na nga ba talaga kami? Hindi naman siya nanliligaw? Hindi din naman siya nagtatanong? Kaya paano ko malalaman kung ano na nga ba talaga kami? Alangan namang sabihin kong mag-on na kami ay wala namang ligawang naganap? Alangan namang i-assume ko na meron nang kami kahit hindi pa naman napag-uusapan ni James 'yon?
Sheesh ang gulo. Pero okay lang, at least alam naman naming gusto namin ang isa't isa, okay na siguro 'yon 'no? At least may mapanghahawakan ako, na meron pa din talagang namamagitan sa'min ni James.
Natigil lang ako sa pag-iisip ng makarating na kami sa destinasyon namin ni James. Hulaan niyo kung saan!
Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin dito sa loob ay parang may nanumbalik sa puso ko. Hindi ko akalaing makakapasok pa pala ako ulit dito sa bahay na 'to. Ang bahay na naging saksi rin sa mga pinagsamahan namin ni James noong mga bata pa kami.
Hindi ko akalaing makakapasok pa pala ako ulit sa bahay nila.
Oo, nandito kami ngayon ni James sa bahay nila. Hindi pa din pala sila lumilipat ng bahay, sayang kung alam ko lang noong una pa lang, edi sana pinuntahan ko ang bahay na 'to para mas napaaga ang pag-aayos naming dalawa. Pero okay na 'yon, tapos na eh. Ang mahalaga ay okay na ulit kaming dalawa at ngayon ay mas magiging matatag ang magiging pagsasama naming dalawa.
Nandito kami ngayon para kuhanin ang mga gamit ni James panglaro. Ang mga gamit niya na iniregalo ko sa kanya noon. Hindi ko akalaing magtatagal pala 'yon, at mas lalong hindi ko akalaing hindi niya pinapaltan ang ni isa sa mga 'yon.
"Nasa'n na ba ang mga 'yon, James?" 'di ko na napigilang magtanong dahil kanina pang nililibot ng mga mata ko ang buong bahay pero wala akong nakitang kahit anong bakas ng mga hinahanap namin.
"Nasa lupa" ang naging tugon nito sa'kin kaya naman tininggan ko siya ng takang-taka.
"Gandang biro" may pagka-sarcastic ko pang patol sa sinabi niya.
"Hindi ako nagbibiro Jade, sa sobrang galit ko sa'yo noon binaon ko sa lupa ang lahat ng alaala mo. Binaon ko lahat ng gamit na nagpapaalala sa'yo. At pinangako sa sariling hinding-hindi ko na ulit kukuhanin 'yon, malibang na lang kung" paliwanag nito at para namang tinusok ang puso ko sa mga sinabi niyang 'yon.
"Maliban na lang kung ano?" pagtatanong ko dahil binitin niya pa talaga ang kondisyones niya.
"Maliban na lang kung kasama na ulit kita, at tayo mismo ang magbabawi ng mga alalang 'yon" makahulugang sagot niya.
"Pwede na ba natin ulit bawiin ang mga alaalang 'yon?"
"Kasama na kita Jade, akala ko pa naman tuluyan nang mabubulok sa lupa ang lahat. Buti na lang talaga nagkaayos tayo, at may panahon pa para bawiin ang lahat. May panahon pa para bawiin ang mga alaalang 'yon" nakangiting banggit nito kaya naman nahawa ako sa mga ngiting 'yon.
"Sorry kung nagawa mo pa 'yon dahil sa galit mo sa'kin. Sorry kung kailangan mong talikuran ang bumubuo sa pagkatao mo. Sorry kung kailangan mo pang kalimutan ang pagmamahal mo sa paglalaro, nang dahil sa'kin. Sorry-"
"Huwag ka nang mag-sorry Jadylynda ko, okay? Ikaw ang bumuo sa pagkatao ko, at ikaw ang pinakamamahal ko. Kaya 'wag mong sisihin ang sarili mo dahil ikaw din naman ang magiging dahilan kung bakit maibabalik ko muli ang mga alaalang binaon ko noon. 'Wag mong sisihin ang sarili mo dahil kung papipiliin ako, ikaw ang pipiliin ko" pagpapaliwanag nito kaya naman 'di ko na naman napigilan ang sarili kong kiligin. Dalang-dala na talaga ako sa ka-sweet-an niya ngayon.
"Naiintindihan mo ba, Beybi?" dagdag pa nito kaya naman agad nang namula ang mukha ko dahil napakinggan ko na naman ang mga salitang 'yon sa kanya. Iiiwas ko na sana ang mukha ko sa kanya dahil nahihiya akong makita niyang kinikilig ako, nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Dahilan ng pagkatitigan namin, at ramdam ko na isiningit niya ang ilang hibla ng buhok ko sa bandang tenga ko, at sa 'di inaasahan ay nilapat niya ang labi niya sa labi ko.
Sa ikalawang pagkakataon, hinalikan na naman niya ako.
Sa ikalawang pagkakataon ay idinaan namin sa halik ang nararamdaman namin ngayon.
At sa ikalawang pagkakataong ito, tinugon ko ang halik niya.
Dear Brain,
Ito na ba 'yong tinatawag na butterflies in my stomach? Grabe, kung ito na 'yon, mas gugustuhin kong maulit. Kasi ang sarap sa feeling. Tapos si James pa ang may gawa ng pagkaganoon ko. Sheesh, dinaig ko pa ang cloud nine.
-Jade.
BINABASA MO ANG
Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)
Fiksi Remaja{Bad Love Series#2} STORY BETWEEN TWO STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. CLARK JAMES VALEROS, THE PLAYBOY, AND JADYLYN MAE RODRIGUEZ, THE MALDITA. THOSE TWO ARE CHILDHOOD BEST FRIENDS BUT THEIR FRIENDSHIP WAS RUINED FOR AN UNKNOWN REASON. JADE IS AN MALDI...