Jade's POV
"Jade gusto kita, hinahangaan kita, crush kita. Ano pa bang salita ang dapat kong sabihin para malaman mo ang nararamdaman ko para sa'yo?" ang mga salitang hindi ko inaasahan na sasabihin niya sa'kin at higit pa doon ay binibigyan niya ako ng napakaraming chocolates!
Lahat ay tulala at nabigla sa rebelasyong inilantad ni James.
Nananaginip lang ba ako? Isa lang ba ito sa mga imagination ko? Totoo ba itong mga nakikita ko?
Ang hirap paniwalaan lalo na kung nasa proseso ako ng pag-iwas sa kanya, kasi kahit ayaw ko ay kailangan ko na siyang iwan dahil aalis na kami sa lugar na ito.
Flashback:
"Ano na namang panlalaking ginawa mo Maybelyn?! Hindi ka ba nandidiri sa mga pinagagawa mo?" malakas na sigaw ni Daddy. It's Sunday kaya walang pasok kaya nandito sa bahay sina Mommy at Daddy. Pero wala dito si Jace dahil may gagawin siyang project sa bahay ng mga kaklase niya.
"Jude ano ba?! Pwede bang hayaan mo na-"
"Hahayaan na ano? Ipagpatuloy 'yang kalandian mo?" sabat ni Daddy.
"Pwede bang patapusin mo muna ako?!" iritableng tugon ni Mommy.
"Sige diyan ka naman magaling ang magtapos ng bagay-bagay. At kasama na dun ang pamilya natin!" galit na sigaw ni Daddy.
"Hayaan mo naman kasi akong magpaliwanag muna!" galit na sambit din ni Mommy.
"Ano pa bang paliwanag pa ang sasabihin mo ha? Hindi pa ba sapat ang mga ebidensyang nakalatag sa harap ng pagmumukha ko?!" pagsasalungat ni Daddy sa kanya.
"Peke ang lahat ng 'yan! Pakinggan mo naman muna ang side ko!" pakiusap ni Mommy.
"Balak mo lang dungisan ang mga ebidensyang iyan, papaikutin mo lang ako!" pagmamatigas ni Daddy.
"Bakit ba hindi mo'ko magawang pakinggan? Asawa mo ako! Ako ang ina ng mga anak natin! Parte pa'din ako ng pamilyang 'to" sumbat ni Mommy Maybel sa kanya.
"Pamilya?" umismid si Daddy.
"Simula ng nagtaksil ka wala na ang pamilyang tinutukoy mo!" nanahimik ang buong palagid pagkatapos sabihin ni Daddy Jude iyon. At ang tangging pag-iyak ko sa aking kwarto ang napapakinggan ko. Gusto ko silang pigilan pero wala akong magawa, natatakot ako sa mga posibleng nangyari.
"Pero ako pa din ang ina ng mga anak natin!" pambabasag ni Mommy sa katahimikan.
"Wala ka ng anak Maybelyn. Kung gusto mong magkaanak pa, sana inisip mo muna sila bago ka pumatol sa kapwa engineer ko!" doon tumigil ang mundo ko.
Si Mommy nagkaibang lalaki?
Hindi, imposible. Hindi magagawa ng Mommy ko 'yon! Kilala ko siya, kilalang-kilala ko si Mommy, hindi niya magagawa 'yun!
"Kilala mo ako! Hindi ko magagawa 'yang binibintang mo!"
"Ang tanong kilala pa nga ba kita?" tanong ni Daddy at ngayo'y tinatanong ko na din sa sarili ko.
Kilala ko pa nga ba si Mommy? Nagbago na ba siya? Hindi na ba siya ang palagi kong kakampi?
"Pagkatiwalaan mo naman ang asawa mo Jude!" hiling pa ni Mommy.
"Simula ngayon hindi na kita asawa, at hindi na kita pinagkakatiwalaan" napahagulgol ako sa mga narinig ko.
Maghihiwalay na sila. Paano na kami ni Jace?
BINABASA MO ANG
Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)
Fiksi Remaja{Bad Love Series#2} STORY BETWEEN TWO STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. CLARK JAMES VALEROS, THE PLAYBOY, AND JADYLYN MAE RODRIGUEZ, THE MALDITA. THOSE TWO ARE CHILDHOOD BEST FRIENDS BUT THEIR FRIENDSHIP WAS RUINED FOR AN UNKNOWN REASON. JADE IS AN MALDI...